Capítulo Seis

6.6K 89 3
                                    


SHIT!, Iyon agad ang unang pumasok sa isip niya.

Agad siyang napatakbo sa lalaki para kunin ang kanyang bra. Hinablot niya ito sa kamay ni Marcos, saka itinago sa likuran niya.

"Bakit mo pinakialaman 'to?!" ramdam niyang nag-iinit ang pisngi niya.

"What? I've already saw it." pilyo pa nitong sabi.

"Kahit na! Hindi mo dapat pinakialaman ito!"

"Bakit kasi nasa kama mo?"

She rolled her eyes. Seryoso niya itong tinitigan. "Sir, iyong nangyari sa atin. Wala na 'yon... I mean, hindi ka nga dapat nandito ngayon, e."

Nakita niyang nawala ang sayang nakapaskil sa mukha nito.

"Sir. Quits na tayo, 'di ba?"

Hindi ito umimik. Tumayo lang ito saka naglakad-lakad muli sa kwarto niya.

"Sir. Naiintindihan niyo naman po ako, 'di ba? Tsaka, Sir, isipin niyo po 'yung girlfriend niyo. Dapat nga nandoon ka sa kanya hindi po dito sa akin."

"Sir? Please? Itigil niyo na po ito. Itigil na po natin 'to. Iyong nangyari po sa atin, hanggang doon na lang po 'yun. Kalimutan na po natin iyon." paki-usap niya.

Hindi pa rin ito umimik. "Sir, please?" may nangigilid ng luha sa mga mata niya. Ramdam rin niyang may bagay na bumara sa kanyang lalamunan.

Because all of this wasn't right anymore! Maling-mali talaga na pumatol siya sa kanyang professor.

Hinarap naman siya nito. "You know what, Miss Lacsamana? I am trying to forget everything that happened to us... but I can't."

"Hindi ko alam kung libog pa ba ito. I-uh... I just wanted to be close to you. And like I said, I don't know why. The first time I've heard you singing, I can't get you out my mind already. That was when you're in freshman, no'ng napilitan kang magperform kasi walang magrerepresent sa inyong whole freshmen. Just a four minutes intermission, hindi ka na naalis sa isip ko,..

"I love my girlfriend. That's what I knew. Pero hindi ko alam kung bakit gustong-gusto kong nakikita ka." patuloy nito.

Hindi naman siya nakaimik sa sinabi nito. Ang lakas-lakas rin ng kabog ng puso niya.

"I'm sorry kung naiinis ka sa akin. I promise, I will do the best and the rightful thing to get rid of this feelings I feel towards you. I'm so sorry, Tash."

"I-uh just... need some more time. Tash-"

"Sir, tama na." nanginginig niyang sabi. Pinagpapawisan rin siya ng malamig. Sukat doon ay may nararamdaman rin siyang saya sa kaibuturan ng kanyang puso.

Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang pisngi niya.

"Tash, I want you-"

"Tama na please."pigil niya kay Marcos. Tumulo rin ang luhang kanina pa niya pinipigilan.

Narinig niya ang pagmumura nito at napasinghap na lamang siya ng mapusok na hinalikan siya nito sa labi. Nabitawan niya ang bra'ng hawak.

At kahit pa nabigla siya ay mabilis niya pa ring naitulak ang lalaki. Wala patutunguhan lahat ng pag-iwas niya kung magpapadala na naman siya sa mga ginagawa nito sa kanya.

Namamangha at naguguluhang tinitingnan siya nito.

Marahas na pinahid niya ang luha. Pagkatapos, matapang ang mukha at taas noo niya itong tiningnan.

"Umalis ka na." bumilib siya sa sarili dahil hindi gumaralgal ang boses niya sa pagkakasabi niyon.

Nagtagis naman ang mga bagang ng lalaki. "No." Matigas na sabi nito. Umiling pa ito, hindi sumasang-ayon sa gusto niya.

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon