Capítulo Cuarenta y dos

1.9K 35 1
                                    


"ARE YOU SURE about this, Tash?"

"Yes," sagot niya kay Khaireen. In-invite kasi sila ni MJ para sa seventh birthday ni Dion. Dahil Disney characters ang gustong theme ni Dion sa party nito, pinapapili siya ni Khaireen kung si Merida ba o Tinkerbell ang gusto niya. Dahil iyon na lang ang natitira sa mga characters na nasa choices. She chose Merida since she's fond of horses. Ewan ba niya bakit nag-aastang event organizer itong si Khai, sa pagkakaalam niya ay mga agriculture students sila. Oh well, it's Khaireen, mahilig itong mag-organisa mapabagay man o sitwasyon.

It's been two months since Marcos left. Nalaman niyang nag-aral ito ng doctorate degree sa Spain. Nalaman niya rin ang kondisiyon ng Escolar na 'yun para  tigilan sila sa pamemeste ay ang pag-alis ni Marcos sa university. In short, Marcos resigned para ito ang maghari-harian sa department nila. But life is full of surprises. May babaeng biglang nanugod sa department nila at nagwala. Dati umano itong estudyante ni Escolar na nabuntis nito at sa kahalangan ng bituka ng animal, hindi nito pinanagutan ang responsibilidad. Napuno na umano ang babae dahil sa may sakit ang anak nito ngunit ayaw bigyan ng sustento ng hayop nilang Prof. Dahil din doon nagsilabasan ang ilan pang estudyanteng pinagtangkaan din umano nitong alukin ng indecent proposal, all for a passing grade!

And now, Escolar wasn't in the university anymore. Kung ano man ang nangyari rito ay wala na siyang pakialam.

Naisip niya, kung sana lang mas maaga nangyari iyon. Sana magkasama sila ngayon ni Marcos. Hindi sana siya mag-isang kumakain ng paborito nitong mango flavored cake ngayon sa bahay nito. Paminsan-minsan siyang nagpupunta sa bahay nito bilang may duplicate key naman siya at kilala na rin ng guards sa subdivision kung saan nakatira ang kasintahan.

"Tash, come!" excited na ani Khai, nasa itaas ito ng hagdan.

"What?" tanong niya na hindi ito tinapunan ng tingin.

"Come on! Bilis!"

Iritable niyang binitawan ang platito at tinidor sa coffee table bago tumayo saka naglakad paakyat. "Kapag ito, Khaireen,   hindi naman importante—"

"Just shut up and come here! Ang dami mong sinasabi!" putol nito sa pagpoprotesta niya. Nauna itong maglakad papunta sa library ng bahay ni Marcos.

"Ano bang ginagawa mo rito?" tanong niya nang makalapit na sila sa table na may personal computer. "Bakit ka ba nangingialam diyan? Ang sabi ko tatambay lang tayo rito, 'di ba?"

"Relax! Hindi ako nangingialam, okay? Chill ka lang d'yan!"

Lihim siyang napa-irap, may pinindot itong file na hindi niya na mabasa dahil sa sunod-sunod nitong pagpindot. "I was just printing something for Dion's birthday. And this file caught my attention, then"—tumigil ito sa isang video clip—"I saw this."

Kusa itong gumilid kaya umupo siya sa swivel chair na katapat ng PC. Her heart leapt after she reads the file name.
Greatest fan of her life.

Nanginginig ang mga daliri niyang cli-nick ang play button. Nanginginig din ang mga labi niyang habang pinapanood ang video.

It was a compilation of her singing in front of crowd!

Ang iba pang video ay halatang kinunan nang palihim at patago na walang nakakapansin, naririnig pa niya paminsan ang pagtikhim nito o ang pag-ubo. Ang sumunod na video naman ay ang nasa resto siya, base rin sa posisyon ng camera tiyak niyang nasa pinakagilid na bahagi ito ng resto. Naalala niya, nu'ng unang gabing nagpunta ito sa boardinghouse niya, sinabi nga nito na galing din ito sa resto. Nangilid ang luha niya sa mga mata sa realisasyon; All these years, nagmistula itong stalker na fan niya!

"Kung hindi ko lang kilala si Sir Marcos, iisipin kong obsess na stalker mo 'yan, e." Malalim na bumuga pa ito ng hangin.

Naalala rin niyang sinabi nito bago sila pupunta ng Hacienda Evangelista, nu'ng gabing matuklasan niya na step-siblings sina Hezekiah at Mariemiel.

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon