Capítulo Treinta y dos

2K 38 4
                                    

PANAY ANG BUNTONG-HININGA ni Tasha habang tahak nila ang daan tungo sa hacienda Evangelista. Kuyom niya ang dalawang kamay para pigilan ang kaba, nanlalamig rin ang mga iyon. Hindi rin kasi nakakatulong ang lamig ng simoy ng hangin.

Alas seis nang sunduin siya nito sa sa harap ng resto, doon niya napiling sunduin siya nito. Mahirap na at baka may makakita pa sa kanila kapag sa harapan ng boarding house siya nito susunduin. Maliwanag pa kasi at pauwi pa lang ang ibang mga estudyante. Five-thirty ng hapon natapos ang huling exams nito, siya naman ay alas dos pa ng hapon. Anito didiretso na sila ng biyahe total naman ay nakahanda na rin ang dadalhing mga gamit nila tatlong araw bago sila aalis. Gano'n ito ka-desididong ipakilala siya sa abuela.

Napamulagat siya nang lumapat ang palad nito sa hita niya. "Don't be scared, love. Mamala's nice naman, she won't bite."

Inirapan niya ito. Bumukas ang bibig niya para sana magsalita nang tumunog naman ang telepono nito. Marcos told him to answer it for him.

"Si Rome," imporma niya. Marcos just nodded his head. But instead of putting it on a loud speaker, she placed it on his ear. Malay ba niya baka pribado ang pag-uusapan ng mga ito. At saka ayaw muna niyang makarinig ng mga profanity mula sa bibig ng mga gunggong baka dumagdag lang sa kaba niya. Rodeo's anniversary by next week pero sa pagkakaalam niya weekend gaganapin after ng semestral break nila.

Panay 'sure' at 'okay' lang ang narinig niya kay Marcos. Ang mukha rin nito ay nag-iba, seryoso at panay tagis ng bagang na ikina-igting ng panga nito. Nang magpaalam ito sa kausap kusa niyang inalis ang telepono sa tainga nito at pinatay ang tawag.

Ginagap nito ang kamay niya at hinalikan ang likod ng kamay niya. "May dadaanan lang akong emergency, love. Is it okay?"
Malapad siyang ngumiti na para bang sinasabi niya ritong ayos lang. Bumilis naman ang pagpapatakbo nito.

Tasha breathed heavily when they stopped in front of an abandoned building. Walang gaanong ilaw at maraming sasakyan sa paligid. May naririnig din siyang sigawan sa hindi kalayuan at pagpalo ng bakal sa kapwa ring bakal na tunog. Parang may rambol.

"Just stay here, love." Mabilis nitong tinanggal ang seatbelt at umibis ng sasakyan pero bago pa man ito makalabas ay pinigilan niya ito sa braso.

"S-saan ka p-pupunta?" kanda-utal niyang tanong.

Marahan itong ngumiti at pinantalan ng halik ang noo niya. "Hintayin mo lang ako rito. H'wag kang lalabas."

"No! May naririnig akong sigawan! Ano bang nangyayari? Ito ba 'yung emergency'ng sinasabi mo?" she hysterically uttered. Kamuntik pa siyang mapatili nang may narinig na tila nabasag na salamin.

"Mabilis lang 'to, love." Kinalas nito ang kamay niyang nakapulupot sa braso nito. "Wait for me here. Don't go out."

"Marcos!" tanging nasabi na lang niya nang mabilis na itong iniwan siya.

Tinanaw niya mula sa malayo ang bulto nitong tumatakbo bago pumasok sa isang roll up door. Nakagat niya ang kuko ng tuluyan na itong nawala sa paningin niya. Maya-maya pa'y may paparating ding isa pang sasakyan, lumabas doon si Hezekiah at kumaripas din ng takbo patungo sa roll up door na pinasukan ni Marcos.

Hindi niya kung alam ilang minuto na siyang naghihintay at hindi rin natigil ang sigawan at ingay na naririnig niya. Kating-kati siyang lumabas at sundan ang mga ito. Hanggang sa isang putok nang baril ang umalingawngaw na nakapagpatigil sa kan'ya sa paghinga.

Kasabay niyon ay ang patigil ng sigawan at ingay. Tutok na tutok ang kan'yang mga mata sa roll up door, para iyong dinikitan ng glue para hindi basta-basta maalis. Ano ba kasing nangyayari?!

She exaggerating inhaled when he saw a man rolling up the roll up doors. Isa-isang lumabas ang mga gunggong mula roon at akay ng hindi pamilyar na lalaki sa kan'ya si Hezekiah, hawak-hawak nito ang tagiliran na parang may ini-indang sakit.

Pakiramdam ni Tasha ay lalabas ang puso niya mula sa ribcage niya sa sobrang kaba nang hindi mahanap ng mga mata niya si Marcos. Mabilis siyang umibis ng sasakyan at mga mata ay hanap pa rin ang kasintahan.

"Kuya!" Sigaw ng isang babae, matinis iyon at pamilyar sa kan'ya. Dumapo ang mga mata niya kung saan itinigil ni Hezekiah kanina ang sasakyang lulan nito.

Mariemiel, usal niya sa isipan.

Saglit silang nagkatitigan bago ito nagmamadaling pumunta sa tinawag nitong 'kuya'-kay Hezekiah.

Palihim siyang napahawak sa pinto ng sasakyang hindi pa niya naisasara. Pakiramdam niya ay sinasakal siya, hindi dahil sa kinakapos ng paghinga. Kundi dahil pakiramdam niya ay napakaliit lang ng mundo.

Mariemiel is Hezekiah's sister!

"Love," boses iyon ni Marcos. She suddenly felt awkward when all eyes are on her.

All along alam ng mga gunggong kung anong kalokohang ginawa ni Marcos. Hindi ba ito nakokonsiyensiya kay Mariemiel? Sa kapatid ng kaibigan ng mga ito?

Hindi alam ni Tasha kung anong bumabalatay na ekspresiyon sa mukha niya kung bakit parang nakikisimpatya ang tingin ng ibang Rodeo sa kan'ya. When her eyes met Mariemiel, there's a small smile on her lips. Hindi niya alam kung ngiti o ngisi ba iyon. Napayuko siya sa hiya, pakiramdam niya ay sasabog siya sa kahihiyan.

"Tasha, are you okay?" alo ni Marcos sa kan'ya, hindi niya namalayang nakalapit na ito sa kan'ya. Hawak nito ang magkabilang balikat niya at in-inspection ang buong katawan niya gamit ang mga mata. "I told you not to go out," mahinang sambit nito, hindi naman galit, malumanay pa nga.

Sinalubong niya ang tingin nito. "Para ano? Itago ako sa ex-girlfriend mo?"

Sandaling napamaang ito. "Of course not! It's has nothing to do with that, love. Look, hindi ko nga alam na nandito siya. Sinabi kong h'wag kang lalabas dahil ayokong may masamang mangyari sa'yo. Hindi dahil itinatago kita," paliwanag nito.

"Pero hindi mo pa rin sinabi sa aking magkapatid si Mariemiel at Hezekiah," nakalabing aniya.

Marcos let out an audible sigh before planting a kiss on her forehead and hugged her tight. "I'll explain it later."

Ibinaon niya ang ulo sa dibdib nito at yumakap na rin siya nang mahigpit sa binata.

"Mariemiel and I are best friends since high school. Siguro dahil magkalapit lang kami ng edad, I'm five months older than her. Pinag-aral ako ng lolo sa kabisera nu'ng high school kung saan din nag-aaral si Hez at Miel. Hezekiah is two years ahead than me and I'm a year ahead than Miel. Kaya dalawa kami ni Miel ang natira sa high school pagka-graduate ni Hez. Nu'ng nag-college pare-parehas kaming nag-aral sa university. I was there when she needs me. I became her comfort everytime her mom scolds her and vice versa. Mom was against with everything I do. She manipulated me and my life. We became each other's friend in need.

I was in my fourth year when Miel confesses she liked me and I didn't deny that I had an attraction with her since high school. Then, the said, the rest was history. We treated each other like we're best friends but acted like we're a couple. Until, she graduated. She flew to Europe and pursue her lifetime dream. Our friendship and relationship became on the rocks. She rarely sent me a message or even calls me. Hanggang sa napagod kami parehas, paunahan na lang sinong unang magtetext or tatawag. After passing the licensure exam and got a job, I focused on my work.

I was fairly good for three years when you came into the picture. When I heard you sung my favorite song. Hindi ka na maalis sa sistema ko. Naging stalker mo ako sa social media. I even recorded some of your performance kapag pinapa-intermission number ka every event at pinapakinggan kapag mag-isa lang ako. I became your fan."

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon