Capítulo Veintiocho

2.1K 39 2
                                    

NAGULAT SI TASHA nang itigil ng binata ang sasakyan malapit sa university na walang masyadong dumadaang sasakyan. Mapuno sa lugar na iyon at baku-bako ang daan, sobrang dilim pa.

"Why are we here?" tanong niya rito nang kalasin nito ang seatbelt.

"Hindi ko ba p'wedeng i-date ang girlfriend ko?"

Saglit siyang natigilan sa sagot nito.

Girlfriend.

Hindi pa buong napo-proseso sa isipan niya ang pagiging girlfriend nito. It's still a feeling that she couldn't accustomed.

Marahan siyang tumikhim. "Bakit naman kasi dito sa madilim at tagong lugar mo pa naisipang mag-date?" tanong niya rito, samantalang may inabot ito sa backseat.

"So you want us to date in public? It's fine with me. Ewan ko lang sa'yo."

Can beers pala ang inabot nito at isang supot. Binuksan nito ang isang can at inabot sa kan'ya, hindi niya iyon pinansin.

"Ang akin lang sana umuwi ka na lang. Amoy alak ka na nga 'tapos alak pa rin ang ibibigay mo sa'kin. Idadamay mo pa 'ata ako kapag may nangyari na naman sa'yo, e."

He slightly laughed. She should be annoyed by now with Marcos but she can't also deny that his laugh is such a music to her ears. "Bakit ba ang init ng ulo mo sa'kin, love? May dalaw ka ba?"

"Well, incase you don't know, Sir-" aniya na sinalo ang tingin nito, "hindi ako umiinom ng alak."

Nabitin ang iinumin sana nito. "I'm sorry," he sincerely apologise. "Akala ko kasi umiinom ka kasi nagtatrabaho ka part time sa resto."

Tasha shake her head. "It's fine. Hindi mo naman alam. At isa pa hindi naman tayo gano'n katagal nagkakasama, e," aniya. Kinuha niya ang isang supot na may tatak ng isang sikat na fast food.

"Iyan na lang ang kainin mo," anito, "...or p'wede rin namang ako."

Nagtaas siya ng tingin. "Ang halay talaga ng bibig mo, 'no?"

"Mahalay ba? Bakit hindi mo rin kainin para manahimik?" anito saka tumungga.

Hindi niya alam kung nakainom lang talaga ito kaya masyadong bulgar ang lumalabas sa bibig nito. Hindi naman kasi ito gano'n manalita.

"Nalilib*gan ka ba, Marcos?" prangkang tanong niya.

Nabilaukan ito ng iniinom. "Damn, love," anito sa pagitan ng pag-ubo-ubo.

Dali-dali niyang inabot rito ang tissue na kasama sa binili nito.

He cussed once again. "Why would you ask that?" he unbelievably asked after wiping his nose.

"Ang babastos kasi ng lumalabas sa bibig mo, e!"

His lips forms an 'O', astound by what she said.

"Alam mo iuwi mo na 'ko. Gabi na." Umiwas siya ng tingin dito.

"Later." Hinawakan nito ang baba niya, naramdaman niya ang lamig sa palad nito. "Look at me, Tash."

Sinasalo nito ang tingin niya, pilit siyang umiiwas. "Please, love, look at me."

Nagmatigas siya. "Why are you so cold? Did I do something wrong?"

"Nothing," labas sa ilong niyang sagot.

"Nothing?" he said, not convinced.

Tasha looked down. Natatakot siyang mabasa nito ang mga mata niya. "Iuwi mo na ako."

"I won't. Not until you tell me what's your problem," pagmamatigas nitong sabi.

"Wala nga akong problema." She tight-lipped.

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon