Capítulo Treinta y cinco

1.9K 31 0
                                    

"I LOVE YOU."

Hindi alam ni Tasha kung tama ang pagkakarinig niya. Kasabay kasing nagsalita si Marcos at ang pagsabog ng kung ano.

"Ano 'yun?" takang tanong pa niya nang may makitang may maitim na usok sa kalangitan. Parang may nasusunog sa hindi kalayuan. Napatayo siya at iginilid ang gitara.

She heard Marcos let out a deep sighed. "Ang gandang timing, Nikier," bulong nito na hindi niya narinig.

"Balik na tayo sa mansiyon, love." Dinampot na nito ang gitara sa damuhan saka iniabot ang kamay niya. Mukhang wala ito sa mood.

Magkapanabay sila nitong naglakad. Siya ang may gustong maglakad na lamang sila tutal naman ay malapit-lapit lang ang lawa sa mansiyon. Gusto niya kasing pagmasdan ang paligid nang hindi nagmamadali at suminghap ng sariwang hangin.

"Ano kaya 'yun sa tingin mo?" Nag-aalala pa rin siya.

Marcos shrugged his shoulders. "Kagagawan na naman ni Nikier." Hindi pa rin maipinta ang mukha.

Pinagsalikop niya ang mga daliri nila saka humarang sa harapan nito. "Bakit ba bigla kang nawala sa mood, hmm?"

Salubong ang kilay na tinitigan lang siya nito. The word handsome won't give justise to this man. And this man is hers now.

"May sinabi ka kanina, ano nga ulit 'yun?"
May kaba niyang tanong. Paano nga kung tama ang dinig niya? Na sinabi nito ang tatlong salitang inaasam-asam niyang marinig mula rito?

"I was just saying that I really love your ...v-voice..." he said, his gaping.

"T-talaga?" Umasa lang ba talaga siya?

He nodded, not looking straight at her.

Assumera ka kasi, e! Her subconscious mocked her.

MULA sa front porch ng mansiyon, tanaw niya ang mga nagkukumpulang trabahador kausap ni Marcos. Apologetic na nakayuko ang ibang magsasaka habang nagsasalita si Marcos... wala siyang ideya sa kung anong nangyayari basta ang alam niya walang kinalaman si Nikier sa insidenteng pagputok ng harvester na kasalukuyang gagamitin ng mga ito sa pag-aani ng palay. Mabuti na lamang at wala namang nasaktan.

Dati pa niyang alam na nakakapagpatunaw talaga ng buto kapag nasa doomy mood ang kasintahan. Na binansagan pa ngang 'the ever enigmatic professor' ng department nila. But this time is different, there was something sinister about him. Ang pagkawala nito sa mood kanina ay medyo nakakabahala sa kan'ya. Habang naglalakad sila pabalik ng mansiyon kanina ay hindi siya nito kinakausap. Kung hindi pa siya magtatanong ay hindi ito magsasalita. Tumahimik na nga lang siya dahil ramdam niyang paunti-unti nang naiinis siya sa ma-i-ikling sagot nito sa mga tanong niya na kung minsan pa ay tango lang at iling ang sagot.

"A penny for your thoughts?" Boses iyon ni Nikko, mahiyain itong ngumiti sa kan'ya.

He's really cute, like a sixteen year old shy boy.

"Baka naman matunaw na si Kuya sa kakatitig mo sa kan'ya."

Siya naman ngayon ang nahihiyang ngumiti. Ganoon ba siya katutok sa pagmamasid kay Marcos?

"You love him, right?" Napa-angat siya ng tingin dito. Hindi pa rin nawawala ang ngiti nito.

"I-uhm..." Wala siyang maapuhap na isasagot. Bukas-sara ang kan'yang labi.

"Hindi mo naman kailangan sagutin. It's written all over on you. Hindi mo siguro napapansin..." Lumapit ito sa kan'ya ngunit ang tingin ay wala sa kan'ya. "Pero iyong mga tinginan n'yo tuwing nakikita ko kayo sa university, masyadong malagkit. Bulag at manhid lang ang hindi makakakita at makakaintindi sa tinginang iyon."

Her heart hammered her chest. Was they that obvious? Pero nag-iingat naman sila, a?

"Please don't tell anyone." Nangangatal ang kamay at tuhod niyang pakiusap.

She slightly blushed when he patted his head like a scared little kitten. "Mouth zip close, Tash," he said before leaning forward to her side, his lips directly whispered on her ear. "Naniniwala ka bang nakakamatay ang tingin?"

"Huh?" aniya na salubong ang kilay.

Nakakaloko lamang itong ngumiti bago pasipol-sipol na pumasok ng mansiyon, nakasunod lang ang tingin niya sa binata.

He used to be her crush. How come she didn't feel any awkwardness talking with him?

Napakislot siya nang maramdamang may mahigpit na humawak sa kan'yang braso.

Animosity was visible on his gorgeous face.
Nakakapagtakang sa kabilang ng galit nitong ekspresiyon ay hindi man lang siya natakot.

She smiled widely. "Love," she sweetly utter.

Biglang nabura ang galit sa mukha nito at kaunti pang umaliwalas, lumuwag din ang pagkakahawak nito sa kan'yang braso. She bit her lower lip as she watch his Adam's apple moving up and down.

Parang ang sarap no'ng ipaloob sa bibig niya.

Bakit ba siya biglang nanggigil dito? Samantalang kanina lang ay naiinis siya sa pagiging cold nito sa kan'ya?

Ah, marupok nga pala siya pagdating dito.

Pinagsalikop niya ang mga daliri nila. "You look tired. Gusto mo bang magpahinga muna? May snacks na inihanda sina manong Guds."

He didn't say a thing, he just scanned her face.

"You want me to massage you?"

She heard him utter a cussed before pulling her waist and claiming her light open lips, it made her tightly shut her eyes. The way he kissed her was so truculent yet sweet that she got swayed and respond to his kisses and, good Lord, she felt her knees slowly melting!

Naging mapaghanap ang mapusok na labi at dila nito, bahagyang kinagat ang ibabang labi niya dahilan para mapaawang ng kaunti ang bibig niya, mahinang lumabas ang ungol niya mula roon. Hindi pa ito nakuntento at gigil na sinipsip ang dulo ng kan'yang dila. Her hands trailed up to his nape and unsubtly enjoying sparring with his lips. It was so good that she couldn't break the kiss nor she couldn't even stop him.

"Ay, Ginoo!" bulalas ni manong Guds ang nakapagpatigil sa kanila sa pakikipag-boxing ng labi sa isa't-isa.

Namumula ang mukha niyang ibinaon ang mukha sa dibdib ng kasintahan habang ito ay hindi pa rin binibitawan ang baywang niya.

Oh God! Bakit naman kasi sa front porch pa talaga sila naglaplapan!

"Pasensya lang gid señorito kung naistorbo ko kamo. Ginapatawag abi kamo ni donya Maritta," muli nitong mabilis na bulalas. (Pasensya na po señorito kung naistorbo ko kayo. Pinapatawag po kasi kayo ni donya Maritta.)

"Susunod na po kami manong Guds. Salamat." Nanatili siyang nakasubsob sa dibdib ni Marcos. Hindi siya aalis sa posisyong iyon hangga't hindi niya nasisigurong umalis na si manong Guds.

"Sige, Sir." Nang akala niya ay umalis na si manong Guds mabilis siyang kumalas sa pagkakayap kay Marcos pero nagkamali siya.

"Hinay-hinayi man, Sir. Basi diri pa kamo sa gawas makahimo bata bala haw," nakakalokong pahabol nito bago pumasok na ng tuluyan sa loob.

Alam niyang kasing pula na ng hinog na kamatis ang mukha niya sa sinabi nito.

"Gawa raw tayong baby rito sa labas, love," bulong nito na ikinadagdag ng pagkapula niya.












BLAD'S NOTE: This erratic update of mine is brought to you by my laziness. Charot!😅 Pasensya na po, nag-writing/reading detox muna for a week, I think. Due to some readers doesn't have that wide reading comprehension, and still had the guts to leave a comment that's so irrelative regards with the story. I wonder if they ever read the 'SADDLE UP!' part that I added on this story. 
Disseminating blue hearts! 💙

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon