Capítulo Doce

4.3K 68 0
                                    



"HINDI ko alam na marunong kang tumugtog ng piano." mahinang sambit niya, namamanghang nakatitig sa mukha ng binata.

Napahimas naman sa batok si Marcos. "Did you like it?" nakangiwing sabi nito.

Malawak ang ngiting tumango siya. "Actually, ang galing mo. Hindi ko alam na may hidden talent ka pala." namamangha pa ring sabi niya, ang binata naman ay mahinang natawa.

"Well, past time ko lang ang pagtutugtog ng piano kapag sobrang stress ako ... At kapag napapagalitan ako ni Mommy noong bata pa ako, sa kwarto ng lolo ko ako agad tumatakbo. Nagkukulong at tumugtog ako para hindi ko marinig ang sermon ni Mommy." natawa ito ng mahina sa sinabi, "...It keeps me calm. Doon lang ako nakakaramdam na malaya ako at walang magmamanipula ng buhay ko. Doon ko lang nararamdaman si Lolo. Kahit wala na siya." malungkot na ngiti naman nito ang nakita niya.

Matagal ng kalat sa university na may pagka-strikta nga si Mrs. Evangelista. Terror. Kung iyon ang ituring siya ng ibang estudyante. Minsan pa nga kapag naglalakad lang ito sa corridors, ang ibang estudyante ay nanginginig na ang mga tuhod, kahit siya. May pagka-manipulative rin. Ngunit, pati ba sa nag-iisang anak nito ay ganito rin ba ang trato nito? Napailing si Tasha. Normal naman sa mga magulang na maging manipulative sa mga anak.

Tinitigan niya si Marcos. "Sa nakikita ko, mahal na mahal mo ang Lolo mo." aniya.

"Sobra. He's my Superman, you know. Lagi akong ipinagtatanggol kay Mommy. Ang Mamala naman ang wonderwoman ko." nagniningning ang matang wika nito.

"Mamala?" tanong niya.

"Yeah. Mamala. My Grandma. Ah! I miss that old lady!" Nailing-iling na wika nito.

Napangiti si Tasha sa nakita. Mahal na mahal talaga nito ang abuelo't abuela nito. Bigla niya rin tuloy na-miss ang lola niya.

"Ikaw? Paano ka nahilig sa music at pagkanta?" untag nito sa kanya.

Binalingan niya ito ng tingin. "Nakahiligan ko ang pagkanta, bata pa lang ako. Frustrated singer kasi ang tatay ko, e." mahina siyang natawa ng maalala kung gaano ka-sintunado ang Papa niya. "... tapos highschool na nang matuto akong gumamit ng mga instruments kasi napasali ako Music club noon... Sumali-sali sa iba't-ibang contests o banda, tapos isang araw naramdaman ko na lang sa sarili ko na ang musika na ang naging buhay ko. Kapag nalulungkot o masaya ako, kumakanta, tumutugtog o kaya ay nakikinig lang ako ng music. Actually, isa talaga sa pangarap ko ang maging isang sikat na singer."

"As I can see, music is your life." maigkling saad nito.

Napatango-tango lang siya. "Music ang escape ko sa napakagulong mundo." nginitian niya ang binata, binalikan rin naman siya nito ng matamis na ngiti.

"Can you sing for me, love?" maya-maya'y untag nito. Nakangiti siyang tumango. Gumanti lang din ito ng ngiti saka muling tumipa sa keyboards.

Habang tumutugtog ito ay sa mukha lang siya nito nakatingin. Napangiti siya, ang dating seryosong mukha nito ay mas lalong nadagdagan. Bago siya mag-umpisa ay tumingin muna ito sa kanya, nakangiti naman siyang nag-umpisa habang nakikipagtitigan rito.

There's a calm surrender to the rush of day
When the heat a rolling wind can be turned away

Inalis nito ang mga mata sa kanya at ibinalik sa keyboard.

An enchanted moment, and it sees me through
It's enough for this restless warrior just to be with you

And can you feel the love tonight
It is where we are
It's enough for this wide-eyed wanderer
That we got this far

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon