Capítulo Catorce

4.1K 73 1
                                    

KAHIT NA tinatamad at walang gana ay pinilit pa rin ni Tasha na pumasok sa restobar. Ilang araw na siyang absent. Baka mawalan pa siya ng trabaho't customer dahil lang sa pag-iinarte niya. Oo, inamin na niya sa sariling nag-iinarte siya dahil sa pambabalewala sa kanya ni Marcos. At hindi pwede ang ganoon. Hindi siya pwedeng ma-distract dahil lang kay Marcos. Kung ayaw nitong kausapin siya, e di wag! At kung maaari buburahin muna niya sa isipan si Marcos.

Alas diyes na ng matapos ang gig niya sa restobar. Malapit-lapit lang naman ang resto sa dorm kaya niya naisipang maglakad-lakad na lang.

Tahimik na ang gabi at wala na ring masyadong nagdaraang mga tao. Hindi naman siya natatakot, halos kasi kilala na niya ang mga tao sa lugar na iyon. Sanay na rin siyang naglalakad pauwi kapag hindi naman siya sobrang pagod.

Nakapansak ang isang earpiece ng earphone niya sa isang tainga at mahina siyang sumasabay sa kanta. Paliko na siya papuntang kanto ng boardinghouse niya nang may maramdaman siyang sumusunod na kotse sa kanya. Napakunot ang kanyang noo ng tumigil ito sa kanyang likuran. Kinabahan siya, hininaan niya ng kaunti ang volume ng cellphone at nagmatyag. Malay ba niya kung masamang tao ito at bigla na lamang siyang kaladkarin kung saan.

Binilisan niya ang lakad ng maramdamang sinusundan nga siya nito! Sa pagmamadali ay natisod siya, bago pa man niya mahalikan ang malamig at maalikabok na kalsada ay may humigit na sa kanyang baywang at pinihit pa siya paharap rito.

"Damn it, Natasha Gail!" mahinang singhal nito sa kanya. Nakatulong ang malamlam na ilaw ng poste para maaninag niya kung sino ito. Naka-sumbrelo  ito at naka-sunglasses, at kung bakit ito naka-sunglasses sa dis-oras ng gabi ay hindi niya alam!

"What were you doing, huh?!" dagdag pa nito. Isang dangkal na lamang ang layo ng mukha nito sa mukha niya. Marahas nitong tinanggal ang sunglasses na suot.

May kung anong bumikig sa kanyang lalamunan at bigla ay gusto niyang maiyak ng mag-sink-in sa utak niyang si Marcos nga ang kaharap niya. Nawala lahat ng inis at galit niya sa binata. Aaminin niyang sobrang na-miss niya ito, hindi na niya idi-deny 'yun.

"Bakit naman kasi pabigla-bigla ka na lang kung sumulpot?!" asik niya rito kahit ang gusto niya talagang gawin ay yakapin ito ng mahigpit. Bahala na kung ano mang dahilan nito kung bakit hindi ito nagpakita ng halos isang linggo.

"You told me to be careful. That's what I'm doing." pinatayo siya nito ng maayos at ginagap ang pisngi niya't pinakatitigan siya. "Are you okay?" malamlam ang mga matang tinitigan siya nito.

Marahan niyang inalis ang kamay nito sa pisngi niya. "Ayos lang ako." aniya. "Sinabi kong mag-iingat tayo pero hindi ko naman sinabing sumulpot ka ng gano'n. Ang o.a lang naman kasi ng get-up mo. Akala ko tuloy kung sinong herudes na ang sumusunod sa akin kanina." pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa.

"I'm sorry." napatingala siya sa mukha nito. "I thought it's a good surprise."

"Bakit?" aniya.

"Anong bakit?" balik na tanong nito sa kanya.

"Bakit kailangan mo pa akong i-surprise?"

Bahagya itong ngumiwi at napahimas sa batok. "Sa hindi ko pagpaparamdam ng halos isang linggo?"

"Bakit ka nga ba hindi nagparamdam ng halos isang linggo?" hindi na niya maiwasang itanong. Bakit pa siya iiwas? Kung willing naman itong sumagot.

Marahan itong nagbuga ng hangin. "I have a valid reason, okay? But for now kailangan muna nating umalis dito. Baka may makakita pa sa atin, e."

"Okay." aniya bago sila naglakad muli pabalik sa kotse nito kung saan nito ito itinigil.

DALAWANG bahay mula sa dorm niyang tinutuluyan, inihimpil nito ang kotse nito.

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon