Capítulo Veintisiete

2.1K 42 2
                                    


BLAD'S NOTE:  Hindi ko alam kung other universities ba e nagkakaroon o nagsasagawa ng mock exams before the midterms or final examination. But in my former university, sometimes we do. So, I included it here. Kaya please, don't ever comment like; "we don't that" or "bakit sa'min wala" and so on, okay po? Thanks. Happy reading! 💙



LAST SUBJECT NA nila sa araw na 'yun. Nakaiwas man siya kay Marcos kanina alam niyang may kalalagyan siya pag-uwi sa bahay nito.

Ang halos buong araw ay ginugol nila sa mock exams. Bakas na rin ang stress at pagod sa mga kaklase niya. Na dinagdagan pa nang ang kilalang terror na prof ang mga magiging instructor nila sa huling mock exam nila ng araw na 'yun.

"Eyes on your paper!" pabulyaw na sabi ni Sir Escolar.

Binalewala iyon ni Tasha at nagfocus sa pagsasagot. Paminsan-minsan, nahuhuli niyang nakatitig sa kanya ang prof na nagpapakabog ng mabilis ng puso niya sa sobrang kaba.

Three minutes before five nang pabulyaw na naman itong nagsalita. "Time is over! Pass your papers to your front without making a noise." He's eyeing them. "And miss Lacsamana?"

Gulat na napakurap si Tasha. "Sir?"

"Collect all the papers," malumanay lang na pagkakasabi nito.

Tasha nodded as she slowly stand up. Nang makolekta ang lahat ay ibinigay niya iyon sa professor.

"Thank you." Naiilang si Tasha sa titig nito kaya naman napaiwas siyang tumango sa professor.

"You may go home now."

Iyon lang at lumabas na ito. Narinig naman niya ang ilang buntong-hininga ng mga kaklase niya na waring nakaligtas sa isang mabangis na hayop.

"Grabe! Hindi ko talaga kayang makipagtitigan kay Sir Escolar! Pakiramdam ko aatakehin ako sa puso!" Bulong ng isang kaklase niyang babae.

"Nagiging pamilyar na sa mga professors natin ang pangalan mo, mah-friend." Tukso sa kanya ni Khai.

"Tumigil ka nga! Parang maiihi na nga ako sa takot kanina, e!" Irap niya sa kaibigan.

Khaireen just lightly laugh.

"HIMALA YATANG PINAKAWALAN ka ng Marcos na 'yun?" tanong ni MJ habang kinakalas ang butones ng blouse ng scrub suit nito.

Tasha sniggers after swallowing a piece of popcorn. "Nag-text siya kaninang gagabihin siya ng uwi. Hindi niya alam na hindi ako uuwi sa bahay niya ngayon."

Tumawa lang din ng patuya si MJ saka tumalikod para kumuha ng kamison sa sariling kabinet nito. "Ah. Oo nga pala. Rodeo's forty-fifth anniversary after midterms. Kaya siguro busy sila."

I-pi-nause niya ang pinapanood, nakalapat sa kandungan niya ang lumang laptop niya. "Anniversary?" takang tanong niya.

"Oo. Agriculture student ka, di ba? Hindi mo alam?" tanong nito habang isinusuot nito ang pang-itaas.

Umiling si Tasha. "Wala naman kasi ako gaanong alam sa fraternity nila."

"Well... now you know," salita nito at pabagsak na humiga sa kama nito, pagod na tumalikod pahiga.

Bumalik ang mga mata niya sa laptop pero nawala na isip niya ang pinapanood. Nang hindi na nag-i-enjoy sa panonood ay pinatay na lamang niya iyon at nag-ayos ng sarili. Kumuha siya ng makapal na jacket sa sariling kabinet bago pinatay ang ilaw at lumabas ng kwarto.

Hindi niya alam kung bakit biglang nakaramdam siya ng panliliit sa sarili.
She and Marcos are in a relationship now. Pero parang may mali at hindi tama sa relasyong mayro'n sila.

One thing suddenly appeared in her mind... masyado itong mataas para sa isang katulad niya.

Saglit niyang nakalimutan ang katotohanang iyon.  For weeks of babysitting Marcos, she never felt that he's out her league.

The whole duration of taking care of him was exhausting but she won't also deny that she's happy being with Marcos. Ni minsan hindi nito pinaramdam na mas mataas ito sa kanya. Na may hindi tama sa relasyon nilang dalawa. Na hindi sila puwede.

Nasa ganoon siyang malalim na pag-iisip nang matanaw mula sa bakal na rehas ng gate ng boarding house nila ang isang nakaparadang kotse na pamilyar na pamilyar sa kanya. Kumabog ng mabilis ang pagtibok ng puso niya. Nais niya sanang ignorahin na lang ang pagpatay-sindi ng headlights ng kotse nito at papasok na ng kwarto nang bumaba naman doon ang binata.

He's wearing a denim jacket with a black cap and and a black mask. Sumandal ito sa sasakyan at mga mata ay nakatutok sa kanya. Tasha gritted her teeth.

"Hindi talaga nag-iingat!" asar niyang bulong.

She don't have time to change her clothes, so she quickly went down from the second floor wearing only her silk pajamas and a jacket. Maingat niyang binuksan ang gate, palingon-likod rin siyang tumingin-tingin sa paligid kung may nakakita ba.

Marcos removed his black mask and smirked at her. Nakuyom niya ang mga palad sa asar.

"Get in," mariin niyang utos. Umikot naman siya saka pumasok na rin ng sasakyan.

"What are you doing here?!" singhal niya rito nang parehong makapasok sa loob ng sasakyan. Amoy na amoy niya ang amoy ng alak sa loob pero binalewala niya muna iyon.

"Ikaw? What are you doing here? Hindi ba dapat nasa bahay ka ngayon?" balik nitong tanong sa tanong niya.

"Sinabi ko na sa'yo, two weeks is enough!"

"Pero hindi ka pa rin nagpaalam sa'kin!"

"Bakit, papayagan mo ba ako? Hindi naman, di ba? And I told you, we need to be careful! Paano kung may nakakita sa'yo dito, huh?" nawawalan na ng pasensyang sabi pa niya.

Marcos let out a deep sigh. Waring sumusuko ka na. "Damn." Sumuko na rin ito sa pakikipagsukatan ng tingin sa kanya at dumiretso ng tingin sa harap.  "Hindi talaga ako nananalo sa'yo, love," mahinang bulong nito na dinig naman niya, ngingiti-ngiti pa ito.

She copied what he did, she face front and crossed her arms. "Amoy alak pa 'tong kotse mo. Paano kung madisgrasya ka na naman? Hindi ko alam kung gusto mo lang talaga magpa-babysit o balak mo na talagang magpakamatay, e."

"Hindi ako pa ako p'wedeng mamatay. Hindi pa kita nasisingil sa hindi mo pagsipot sa'kin kaninang lunch," he said while turning on the engine of his car.

Nag-panic naman bigla si Tasha. "Marcos! Itigil mo! Ayokong sumama sa'yo!"

He smirked and cocked his right brows. "No can do, love." Pinasibad na nito ang kotse.

"Marcos, please! Stop the car!"singhal niya dahil medyo napabilis ang pagtakbo ng sasakyan.

"Huwag ka munang maingay at isuot mo ang seatbelt mo," utos nito.

Kumibot-kibot ang labi niya. Binalingan siya nito ng tingin nang hindi siya natinag sa kinauupuan.

"Wear your seatbelt please, love." naramdaman niyang medyo bumagal ang takbo ng sasakyan. Palabas na sila ng street ng boarding house niya.

Nang makitang dagsa na naman sa night market na malapit sa restobar na pinapasukan niya ay sumuko na siya.

"Sasama ako sa'yo pero iuuwi mo ako mamaya," sabi niya habang sinusuot ang seatbelt.

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon