Capítulo Cuarenta y tres

2.2K 43 2
                                    

HINGAL KABAYO si Tasha'ng tumatakbo papuntang graduate school building ng university. She was already fifteen minutes late! Kung kailan naman kasi nagmamadali siya saka naman siya walang masakyang jeep o tricycle man lang.

Kung hindi ka kasi nag-binge watching kagabi hindi ka sana tinanghali ng gising at mali-late!, kastigo niya sa sarili.

Tasha composed herself when she reached the classroom designated for that subject, she opened the door and get in. Two years and half ago she graduated. Right after that, one and half year ago, she take the board exam and she passed! Alam niyang sa isang kagaya niyang average lang ang intellectual capacity, imposibleng pumasa agad siya sa isang beses na pag-take ng board exam. But nothing's impossible when God let it, for her, it was His will. Nakatulong din kasi 'yung mas ginugol na lang niya ang sarili sa pag-aaral habang naghihintay at nag-aabang man lang na magparamdaman sa kan'ya si Marcos.

And now she's on the end of her first sem taking up her Master's degree. And hopefully to finish it, kahit yata madalas siyang late dahil na rin sa trabaho niya. She's working as a research assistant of one of their professors in their department.

She even have to work on weekends!

She's thankful na kahit maliit pa ang sinasahod niya ay hindi naman nagrereklamo ang Mama niya. For four years, pamilya niya ang naging sandigan niya at si Khaireen. Mababaliw kasi siya dahil sa kalungkutan kung hindi siya maghahanap ng ibang pagbabalingan ng atensiyon. Hindi na nga rin siya nagpupunta sa bahay ni Marcos para kahit naman papaano e, makalimutan muna niya ito saglit.

Minsan sumasama rin ang loob niya, sa ideyang paano nito nakakayang tiisin siyang hindi kontakin. Naisip niyang gumaganti ba ito sa kan'ya noong mga panahong pinapahabol niya ito at iniwasan?

"Hindi ako mawawala sa'yo. I'll be waiting for you, love."

Umismid siya sa alaala. I'll be waiting for you, but look! I'm the one who's actually waiting for you!

"It was great pleasure teaching you all and congratulations for passing this sem. I hopeful that next semester ay lahat pa rin kayo magpapatuloy," nakangiting ani ng instructor nila.

"Really hope na isa ka pa rin sa magiging instructor namin next semester, Sir," parang kinikiliti pang sabi ng kaklase niya. May edad na ito, nasa middle forties na yata.

Their instructor shrugged. "I doubt that, Mrs. Paule."

Napailing-iling si Tasha, mapabata o matanda estudyante talaga kapag guwapo ang kaharap na guro kapag maharot, haharot e. Nasa late thirties na rin si Mr. Conrado pero dahil nga sa may itsura at matikas pa rin ang tindig habulin pa rin nga mga babae o binabae, nevermind na lang daw sa age. Dumagdag pa na he's single kaya maraming umaasang eba na sila na ang magiging dahilan para mag-settle down na ito.

"So? I'll leave you now. And break a leg everyone," nakangiting wika pa nito. Nagsipagtayuan at labasan naman ang iba pang kasama nila sa room, ganoon na rin siya.

"Tash, we'll celebrate after this, sama ka?" Tanong sa kan'ya ni Mrs. Paule, nasa likod niya ito kasabay ng dalawang kaklase nilang babae.

"Kayo na lang po siguro, Ma'am. I still have a lot of works to do pa, e," aniya na sinabayan ito ng lakad.

"Hay, Tasha! Kahit kaunting time naman magliwaliw ka. Kay bata-bata mo pa, e! Mamaya niyan mauuna ka pang tumanda sa'min!" Pabiro pa nitong itinirik ang mga mata.

Mahina na lang siyang natawa. Ano bang magagawa niya kung gano'n ang line of work niya?

"H'wag mo nang idamay si Miss Lacsamana sa mga gimik ninyo Mrs. Paule," singit ni Mr. Conrado na nasa likuran na nila.

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon