Capítulo Treinta y ocho

1.9K 29 4
                                    

"WHAT'S THIS?" takang tanong niya nang may isuot ito sa daliri niya. It was a ring.

"It was a knot ring," anito sa mababang tono, nilalaro nito ang daliri niyang nilagyan nito ng singsing.

"Bakit mo ako binibigyan nito?" She asked, unconsciously.

"Well," he let out a sigh, para bang nahihirapang ipaliwanag sa kan'ya ang sasabihin. "Sabi sa pinagbilhan ko, knot ring symbolizes a knot that's not quite tied yet but has all the intentions of being tied or to be tied. It's a promise ring," he whispered the last sentence.

"Gusto mo na ba akong itali?" hindi niya maiwasang itanong.

Napakamot ito sa batok at may alangang ngiti. He's cute, ngayon nakikita na niya ang pagkakahawig nito at ng pinsan nitong si Nikkolo. "It's not like that, for now. I know you're not ready yet kasi alam naman nating nag-aaral ka pa. And I want you to finish your study's first and achieve your dreams in life and in your family. Hindi naman ako magpapaka-selfish at ipagdadamot na makamtan mo lahat 'yun—"

"Diretsahin mo na, Marcos," putol niya rito.

She saw him exaggeratedly exhaled before clicking his tongue. Ginagap nito ang mga kamay niya, bigla namang bumilis ang tibok ng puso niya. "I'm considering, no— All I'm saying is, I want to spend the rest of my life with you, love."

Hindi lang bumilis ang tibok ng puso niya, para na iyong tinatambol ngayon. "Marcos...  nagpo-propose ka na ba?"

Marcos chuckle. "Silly," marahan nitong pinitik ang noo niya."Hindi ka naman yata nakikinig sa sinabi ko kanina, e."

Ngumuso siyang kinakamot-kamot ang noo niya. "Ang dami mo naman kasing sinasabi, puwede mo namang diretsahing gusto mo akong itali sa tadyang mo."

Mas lumakas lalo ang tawa nito. "Hindi pa puwede, e." Hinawakan nito ang baba niya at tinamnan ng maliit na halik ang labi niya. "Soon, love, soon."

"Uh-hmm," aniya bago nilaliman ang halik na iginawad nito sa kan'ya. Awtomatikong lumandas ang mga palad niya sa batok nito.

Natuwa siya kung paano ito magpigil sa gustong gawin. Hindi naman sa hindi siya sumasang-ayon sa gusto nito, saglit din niyang naisip na what if nga kung pagbigyan niya itong itali na siya? Siguro mas masaya, mas malaya sila. Hindi na kailangang itago. Ngunit naisip din niya, paano nga kung matatali na siya rito, paano ang pag-aaral niya? Ang pangarap ng mama niyang makapagtapos siya at makatulong sa pamilya? Hindi siya puwedeng maging makasarili dahil sa gusto na niyang maging kan'ya na ng tuluyan si Marcos. Pihado ring sasaya sila kapag naging makasarili sila. Tama na muna iyong ganito sila. Nag-i-enjoy habang parehong may ginagawa sa mga pangarap pa nila.

"Hmm," rinig niyang ungol nito. Pinipigilan ang kamay niyang dumaosdos pababa sa pantalon nitong may umbok na.

Napabitaw tuloy siya sa labi nito. "May mali ba sa ginawa ko? Sorry," hinihingal pang aniya.

He chuckled again. "Nothing." Dinampian nito ng halik ang noo niya. "Baka kasi makalimutan mong may pasok pa tayong pareho at ako ang prof mo sa klaseng 'yun." Kinuha nito ang kamay niya at pabiro iyong pinalo. "Bad hands! Laging nakasakmal agad, e."

Malakas siyang natawa. "Tara na nga," aniya, nakangiti pa ring tumango ito. Kagat ang labing binuksan niya ang passenger's door.

"I love you," mahinang sambit nito na mas lalong ikinadiin niya sa pagkagat ng kan'yang labi. Marahan siyang lumingon sa binata.

"I love you too," hindi niya alam kung nasabi ba niya iyon ng maayos. Malambong kasi siya nito nitong tinitigan, na tulad din niya ay kagat-kagat ang pang-ibabang labi.

"Mauuna na ako," paalam niya bago ito muling dinampian ng halik ang labi nito at mabilis nang lumabas ng kotse nitong nakaparada sa likod ng department nila. Ililibot naman nito sa harap ang sasakyan kung nasaan ang parking lot at doon na ito lalabas para walang makahalatang magkasama sila sa iisang sasakyan.

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon