Capítulo Diez

5K 80 3
                                    

WALA PANG alas-quatro ng hapon ay nakarating na silang dalawa ni Marcos sa venue ng kasal.

Mahangin ang lugar at nililipad ang dark blue dress na suot niya na hindi bababa sa hita niya. Paakyat rin ang lugar na iyon, parang burol. Inalalayan siya ni Marcos sa pag-akyat. Nginitian niya ito ng pasasalamat. Buti na lang talaga at naka-cowboy boots siya. Matapos silang kumain kanina ay ibinigay ng binata iyon sa kanya, pati na rin ang dark blue dress na suot-suot niya.

Namangha siya nang sa wakas ay maka-akyat sila. Napakaganda ng lugar. Hindi niya mawari kung western o country wedding style iyon. An outdoor aisle of dreams made with rustic wooden crates, lanterns and a sweetest floral arch. Hay bale seats na pinatungan ng makapal na puting tela na ginamitan ng tangkay at sanga ng puno bilang panali. Napapalibutan ang lugar ng iba't-ibang kulay ng bulaklak at mga kumukuti-kutitap na mga maliliit na bombilya. Nabanggit nga ni Marcos na may kinalaman sa technology ang trabaho ng groom. Masarap sa mata ang mga kislap niyon, makulimlim na rin kasi ang langit kaya halata iyon. At tama nga si Marcos. Pribado ang kasal na ito, kakaunti lang kasi ang silya na nakalaan para sa mga bisita. Sa tantiya niya hindi sosobra sa tatlumpong ka-tao ang bisita.

"Marcos!" pasigaw na bati kay Marcos na papalapit sa kanila, na sa wari niya'y ka-brod nito sa fraternity. Tulad ni Marcos ay naka-Slate Blue Tuxedo rin ito at naka-cowboy hat.

"Jake." ganting bati ni Marcos.

Nag-manly hug naman ang dalawa. "Kamusta brod?" Tanong nito.

Tinapunan siya ni Marcos ng tingin. "Ayos lang, brod."

Tiningnan rin siya ng lalaking nagngangalang Jake. "So, sino 'tong kasama mo, ha? Siya na ba 'yun?"

Natawa ng mahina si Marcos. Ginalaw-galaw pa ang panga. "Ah.. She's Tasha. Tash, si Jake. Brotherhood ko sa Rodeo."

Inalahad naman ni Jake ang kamay nito sa kanya. Tinanggap rin naman niya ang pakikipagdaupang-palad sa lalaki.

"Nice to meet you, Tasha." malawak ang ngiti nitong sabi.

"Nice to meet you rin." magalang na sagot niya at marahang ngumiti.

Inilapit ni Marcos ang bibig nito sa tainga niya. "Huwag kang lalapit diyan. Mabait lang ang mukha niyan pero babaero rin iyan."

Nabigla siya ng mahinang sinuntok ni Jake ang kanang balikat ni Marcos. Napaigik naman ito pero nakangiti naman.

Ganito ba talaga ang mga lalaki kung umasta kapag magkakasama?

"Gago ka rin talaga, Evangelista! Sinisiraan mo pa ako ito sa magandang babaeng kasama mo e." natawa lang si Marcos.

Binalingan siya ni Jake. "Don't believe in him, sweetie." akma nitpong hahawakan ang kamay niya ng malakas iyong tabigin ni Marcos.

"Back off, Jake." maangas na wika ni Marcos pero alam niyang hindi iyon galit.

"Chill ka lang, brod." nakataas ang kamay na wika ni Jake.

Magsasalita pa sana si Marcos nang may magsidatingan pang ibang lalaki. Matatangkad ang mga iyon at hindi rin naman maipagkakailang may mga ipagmamalaking gandang lalaki at mukhang mababango. Katulad rin ni Marcos at Jake, pare-parehong naka-tux ang mga lalaki at naka-cowboy hats.

Rodeo. Sa loob-loob ni Tasha.

Napahawak siyang bigla sa braso ni Marcos nang ang isa sa mga ito ay matalim siyang tinutukan at nakangisi pa. Napatingin naman si Marcos sa kanya.

"Brod Marcos." Bati ng lalaking nakatutok sa kanya kanina-kanina. Naramdaman siya ng kakaibang tensiyon.

"Umayos ka nga, Salome! You're scaring her." rinig niyang may diing wika ni Marcos.

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon