Capítulo Cuarenta y cuatro

6.9K 112 125
                                    

HUMAHAMPAS SA MUKHA niya ang malamig na ihip ng hangin, ikalawang linggo na rin kasi ng Disyembre.

Yakap niya ang sarili habang binabagtas ang pavillion ng exit gate ng university. Sa mga ganoong panahon mas gusto niyang maglakad-lakad at magmuni-muni— sa ganoong panahon din niya hinahayaan ang sarili na isipin at alalahanin si Marcos.

Masyadong siyang fixated sa trabaho niya nitong mga nakaraang araw kaya nawala sa isip niya ang sinabi sa kan'ya ni Sir Conrado. At ngayon lang niya naalalang muli ang tungkol doon.

Marahan siyang suminghap. Over the years, hindi siya nagtagumpay na kalimutan ito kahit saglit lang. Sinasakal at inaabala niya ang sarili sa ibang bagay para h'wag lang itong sumagi sa isipan niya. Pero kaunting kibot, may nagpapaalala sa kan'ya rito. At kapag nangyayari iyon, hindi niya mapigilang maluha, kung minsan pa ngang may pagkakataong mag-isa lang siya hindi lang luha, hagulgol. Ni-hindi nga niya siguro kung mahal pa ba siya ni Marcos.

Iyon ang isa sa pinakatatakot niya. Baka hindi na pala siya nito mahal. Baka may iba nang nahanap na babae iyon doon kaya hindi man lang makuhang magparamdaman kahit isang beses pagkatapos siya, heto, naghihintay kailan ito babalik.

She trusts him, but it is the time and fate she cannot trust.

Napakislot siya at napamura pa nang makarinig ng pagbusina, nagtaka siya kung bakit, eh hindi naman siya tumatawid o lumagpas sa kalsada.

She throw a gaze on her back, she saw a white modern type of a car. Tasha wrinkled her eyes and ready to shout and scold the driver of the car. Nang ibinaba nito ang window shield handa na ang lalamunan niyang sumigaw, ngunit naudlot iyon nang makita kung sino ang tao sa passenger's seat. Nikier, at ang driver ay kakambal nitong si Mikier.

"Kahit naman pala papaano may makikita akong maganda bago matapos ang araw na ito," nakangising anito. "Long time no see, Tash." He winked, nakababa na sa matangos nitong ilong ang  sunglasses na suot. Matipid naman ang ngiting kinawayan siya ni Mikier.

Tash secretly rolled her eyes. Ang akma niyang pagsigaw kanina ay naudlot. "Hi," she plainly greeted.

Hindi naman na bago na makita niya ang kambal sa university, miminsan ang mga itong nagri-racing sa abandoned road malapit sa likod ng agriculture department. Hindi nga lang siya gaanong napapansin ng mga ito.

"Saan ang punta mo?" tanong nito na mas nilawakan ang bukas ng bintana.

"Uuwi na," sagot niya. Hindi na siya nakaisip nang anumang itatanong.

Sandaling naramdaman niyang tila may pader na nakaharang sa pagitan nila. When Marcos left, kasabay din niyon ang ramdam niyang paglayo sa kaniya ni Nikko at Nikier. Hindi naman niya mawari kung bakit, inisip na lang din niyang sandaling panahon lang naman silang nagkakilala baka ganoon na talaga ang magkakapatid noon pa man.

Tumatango ito ngunit hindi naman na nakuha pang magtanong.

"Ihahatid ka na namin," nag-aalangan pang anito. Sinulyapan niya si Mikier, diretso lang ang tingin nito sa daan.

Tasha secretly sighed and force herself to smile in from of these guys. "Ayos lang. May dadaanan pa rin naman ako," pinilit niyang ngumiti sa pagkakasabi.
Gusto na lang talaga niyang umuwi. Para kasing may anghel na dumaan nang hindi na naman ito nagsalita agad. What an awkward moment...

"A'ight!" He then adjusted his sunglasses. "See you around, Tasha baby."

Marahang na nitong itinaas ang windshield. Mabigat namang napabuntong-hininga si Tasha nang magsimula na muling umandar ang kotse. Nakasunod lamang ang tingin niya sa sasakyan hanggang sa tuluyan na itong makalabas ng exit gate ng university. Paliko na ang sasakyan ng kambal nang may maalala siya, marahas siyang suminghap at natataranta kung tatakbuhin ba niya at hahabulin ang kotse.

"Sa-sandali! Sandali!" Nagkukumahog siyang tumakbo at hinabol ang kakaliko pa lamang na kotse ng kambal. Hindi niya alintana ang mangilan-ngilan niyang nakakabangga, panay na lang ang paumanhin niya sa mga ito.

"Nikieeer! Sandali!" halos mapugto na ang hiningang sigaw niya. Hindi niya pinansin ang mga estudyanteng nakatingin sa kaniya at ang pagbusina ng mga sasakyan. Nang manginig ang tuhod niya ay tumigil siya at napauklo na lang, ipinatong niya ang mga palad sa tuhod. Hinabol niya ang hininga.

Napakislot siya nang marinig ang isang pito mula sa malapit, kaagad na lumipad ang tingin niya sa traffic enforcer na nakasuot ng shades at traffic uniform auit na kulay orange. Pamilyar sa kan'ya ang lalaki, hindi nga lang niya matandaan kung sino ito dahil sa shades nitong suot. Ngunit kung tatanggalin nito iyon ay alam niyang makikilala niya ito. Sunod-sunod ang pagpito nito dahilan para bumagal ang takbo ng sasakyan ng kambal.

"Salamat, kuya!" bulalas niya saka muling hinabol ang sasakyan ng kambal. Hindi na niya nakita ang pag-ngisi ni Ken.

Hingal kabayo siya nang maabutan ang kotse ng kambal, mariing lumapat ang palad niya sa windshield ng sasakyan. Kaagad iyong ibinaba ni Nikier.

"Tasha! What are you—"

"Tell me—" kumuha siya ng hangin, "—kailan ang uwi ng kuya Marcos ninyo?"

Nikier's mouth literally dropped. "Unbelievable! Hinabol mo kami para lang itanong 'yan? You could've hit!"

Suminghap siya nang sobrang lalim. "Hindi lang 'yun! Hindi 'yun nila-lang lang! Sabihin mo sa'kin kung kailan uuwi si Marcos! At kung may balak pa ba siyang umuwi!" halos sigaw na sunod-sunod na wika niya.

Akmang bubuka ang labi nito nang magsalita siyang muli. "H'wag kang magkakamaling iwasan o iligaw ang tanong ko! Because all these years, akala n'yo ba hindi ko napapansin?! Iniiwasan n'yo akong magkakapatid, pati na ng Rodeo! At hindi ko alam kung bakit!" Hindi niya sinadyang duruin ito ngunit iyon na nga ang nagawa niya. "Kaya sabihin mo sa'kin, kailan uuwi ng kuya Marcos n'yo!"

Wala siyang pakialam kung magtunog bastos siya sa harapan ng mga pinsan ni Marcos, pero hindi siya aalis sa kinatatayuan hangga't wala siyang nakukuhang sagot sa katanungan niya.

"This afternoon, Tash,"  sagot ni Mikier na ikinalingon niya. "Actually, papunta na kami sa Hacienda. May inihandang salu-salo sa asyenda para sa pag-uwi ni kuya Marcos. You can come with us if you want."

Humugot siya nang malalim na hininga at walang pagdadalawang isip na nagdesisyon. "Sasama ako," aniya saka binuksan ang backseat.

"Tol, seryoso ka? Mali-lintikan tayo kay kuya niyan!" rinig pa niyang protesta ni Nikier

"H'wag kang mag-alala. Makikipag-usap lang ako kay Marcos," aniyang nagpunas ng pawis niya gamit ang tissue'ng iniabot sa kan'ya ni Mikier. She made sure she sounds emotionless.

Frustrated na napakamot si Nikier sa buhok nito bago marahas na suminghap. "Look, Tash." Humarap ito sa kan'ya. "I'm really sorry if you felt like lumalayo kami sa'yo. Hindi namin sinasadya 'yun. It's just that—" makahulugang tumitig ito sa kakambal. Parang wala namang tumitig lang si Mikier sa kakambal. "We thought... you two broke up..."

Naningkit ang mga mata ni Tasha. "Sinabi ba niya 'yun?!"

"No. No. No!" Nanlalaki pa ang mga mata nitong pagtanggi.

Nikier glance at his twin before releasing a sigh. "Akala namin magkahiwalay na kayo nang malaman naming may dini-date siyang babae sa Spain."




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon