Capítulo Veintiuno

3K 50 3
                                    

INAASAHAN NA ni Natasha na maraming bibisita sa binata kinabukasan kaya plinano niyang umalis nang maaga ngunit dahil sa pagod, hindi na niya inakalang napahimbing ang kanyang tulog at nagising na lamang siya na may tatlong kapreng nakapalibot sa loob ng hospital room ni Marcos. Gusto niyang sabunutan ang sarili sa katangahan niya!

Agad niyang kinapa ang sarili, napahinga siya ng maluwag. Mabuti na lamang at naisipan pa niyang magbihis kagabi kahit na sobrang pagod siya sa nangyari. Mabilis siyang bumangon para sana um-exit ngunit pinigilan siya ni Marcos sa kanyang braso, nakahiga pa rin ang binata ngunit halatang kanina pa gising. Ba't hindi niya ako ginising?!, maktol ng isip niya.

"I can smell the smell of an after-sex." tamang hinala na wika ni Bryle. He's giving her a grin.

Makita ka ba namang nakahiga sa dibdib ng professor mo? Hindi ka ba paghihinalaan?

"Stop it, Bryle! You're making her awkward." pagtatanggol ni Marcos sa kanya.

Hindi naman naalis ang mapanuksong ngisi sa labi nito. "Well, brod. Hindi mo 'ko masisisi,.." humalakhak pa ang mokong, "...nagsumbong ba naman sa 'min si Jeff kagabi." tinuro pa nito ang kaibigang doktor na naka-polo shirt na itim at fitted jeans na lang.

"It's okay, brod. Sa GC ko lang naman binalita, 'yung mga mokong lang naman ang nakakaalam." sabay pang nagtawanan ang dalawa.

"Todo support pa nga sa'yo si Jake e! Sabi, sana raw h'wag na dumami lahi mo!"

"Sabi rin ni Ken huhulihin ka raw niya sa salang child abuse!" nag- fist bump pa ang mga gunggong, lumakas pang lalo ang halakhak ng dalawa.

"Tapos– t-tapos reply naman ni Hez, 'Hindi naman na under age 'yung estudyante. Gawan n'yo na lang ng article tapos ang headline 'Ang sex-addict na Professor nakipagsex sa kanyang estudyante sa loob ng comfort room ng ospital!" walang pakundangang kwento ng dalawa na as if wala siya sa harapan ng mga ito!

"Ba't ba ang hilig n'yo 'kong pag-piyestahang mga gunggong kayo?!" iritado namang singhal ni Marcos.

"Kasi nga pikon ka!" chorus pa ng dalawa.

"Put-ngina n'yo! Anong tingin n'yo sa'kin bata?!" singhal uli ng binata na binato pa ng unan ang dalawa nang masama.

"Hindi ka na nga bata pero tinitira mo bata!" dahil sa sinabi ni Bryle dalawa na sila ngayon ni Marcos na masamang tiningnan ang dalawa. Mabuti na lang talaga 'di siya pikunin kung hindi baka nasabunutan niya na ang lalaki, medyo mahaba pa naman ang buhok nito.

"Huhuy!" singit naman ng isa pang kapre na nakatutok lang sa cellphone nito kanina, inakbayan nito si Bryle. "Pasensya ka na Miss Natasha. Ganito lang talaga bibig nitong si Bryle, parang babae kung pumutak." genuine na paumanhin nito sa kanya.

"Heto na naman ang alien!" palatak ni Bryle, marahas na tinanggal ang braso ng lalaki. "Alam kong mas matangkad ka sa'kin pero pucha brod! H'wag mo kong akbayan! Ayokong mahawaan ng pagka-alien mo!"

Ngumiti lang si Rome. "Hindi na talaga kita  aakbayan! Ayoko ring mahawaan ng kabaklaan mo!"

"Hindi ako bakla! Tado ka! Paramihan pa tayo ng naka-sex e."

Umawat naman si Jeff. "Tama na nga 'yan. Lagpas bente-singko na mga edad n'yo pero kung magbangayan kayo para pa rin kayong mga bagong tuli."

"Coming from a fucktard." singit ni Marcos na ikinatawa niya, pigil naman ang tawang tinitigan siya.

Inalis niya ang tingin kay Marcos saka tinapunan ng tingin ng nakakaloko si Bryle. "Akala ko ba si Marcos ang pikunin? May naliligaw yatang bata na nagpapanggap lang binata." tumaas-baba pa ang kilay niya.

Para namang batang lumabi si Bryle saka pinukol ng tingin si Marcos. "Ilayo mo sa'kin 'yang babaeng 'yan!"

"Grabe ka naman. Wala pa nga 'kong masyadong sinabi." pa-inosente namang wika niya.

"Nakikinita kong kasapi ka ng sadistang si Samantha!" saglit siyang napa-isip kung sino ang tinutukoy nito.

"Shit!" malakas na mura ni Jeff sabay tumingin sa wrist watch nito. "Speaking of Samantha. I have to go. May schedule ng check-up ang mama niya ngayon. I need to go, bye!" nagmamadaling umalis.

"And how about you two?" tanong ni Marcos sa mga kaibigan.

"Huh! Tingin mo mananatili ako rito kasama ang babaeng 'yan? No way!" sagot ni Bryle saka parang batang nag-walk out.

Si Rome na lamang ang natitira. "And you?"

"Actually, double purpose kung bakit ako nandito." Sabi nito na parang may ibig ipahiwatig. "May pinapasabi si Master."

Marahan siyang umalis sa kama saka nakayukong at naiilang na nagpaalam para magbanyo. Kasi naman kung makatitig 'yung Rome para siyang hinuhubaran e. Ang guwapo din naman kasi!

Landi mo, Natasha Gail! Hinuhubaran talaga? Maghunos-dili ka nga! Baka sipain ka ni Marcos sa pinag-iisip mo!, Kutya niya sa sarili bago humarap sa salamin na kina-kunot ng kanyang noo.

Doon niya na-realize na hindi siya parang hinuhubaran kung tingnan ni Rome. Sino ba namang hindi titig sayo kung puno ka ng chikinini sa leeg?!


PAGLABAS niya ng comfort room ay wala na si Rome, naabutan naman niyang kasalukuyang hawak ni Marcos ang cellphone niya. Wala iyong password kaya nabuksan nito iyon. Hindi siya kinabahan kasi wala naman siyang tinatago. Sanay na rin naman siyang parating hawak iyon ni Khai.

"Anong ginagawa mo?" tanong niya sa binata habang lumalapit sa hospital bed.

Kahit pa alam nitong nakita niyang hinahalungkat nito ang cellphone niya ay hindi pa rin nito iyon binaba. Para bang komportable itong hindi niya ito kakagalitan. "Nothing. Checking what you've been up to the past weeks."

"Wow, ha! Ako pa talaga?" nameywang pa  siya sa harap nito.

Apologetic na tiningnan soya nito at binaba ang cellphone niya. "No, no, I mean. Gusto ko lang malaman kung anong mga ginawa mo."
sinuklay nito ang buhok ng nagagalaw nitong kamay. "Honestly... hindi ko alam kung saan tayo pwedeng magsimula ng pag-uusap."

Umismid siya. "Pwede mo namang tanungin sa'kin, e."

She saw how he coyly smiled to her. "Talaga?" kinagat pa nito ang pang-ibabang labi.

Nangingiti siyang umiling saka dumukwang para kunin dito ang cellphone niya. "Yes. Pero bago 'yun kumain muna tayo ng breakfast at may iinumin ka pang gamot."

"Game!"

"Good!"

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon