Capítulo Dieciséis

3.5K 67 4
                                    

Unedited

-----

MALAGKIT at malalim ang tinging ipinukol niya kay Marcos nang sandaling lumabas ito ng banyo. Nagpupunas ito ng basang buhok gamit ang tuwalya. Naka-sweatpants ito na kulay abo pero walang suot na pang-itaas. Naglakad ito palapit sa kanya, nakaupo naman siya sa gilid ng kama

Hinawakan nito ang baba niya saka iniingat, napa-angat naman ang tingin niya rito. "Nakakatunaw naman ang tingin mo." hinaplos nito ang pisngi niya, malamyos naman siyang ngumiti.

Niyakap niya ang baywang nito.
"Bakit hindi mo sinabi sa'king birthday mo ngayon?"

Gulat na tiningnan siya ni Marcos. Masuyo nitong hinaplos-haplos ang pisngi niya. Umuklo ito at pinagdikit ang kanilang mga noo. "Does it matter to you?"

"Siyempre. Nakakatampo, akala mo ba? Hindi tuloy ako ang unang bumati sa'yo." pag-amin niya.

Hindi na siya magpapakipot pa. She doesn't want to hide her feelings anymore. Mas mabuting sabihin na niya lahat ng gusto niyang sabihin sa binata, kaysa sa itatago niya ng itatago na mas lalo lang siyang mag-iisip.

"Wala pa akong natatanggap na pagbati mula kanino. Probably, you'll be the first kung saka-sakali."
hindi naman niya maiwasang ngumiti sa pakunswelo nito.

Humigpit lalo ang yakap niya sa baywang nito. Mas lalo niyang idiniin ito sa katawan niya.

"Come on, love." kumawala ito sa kanya saka lumuhod sa harap niya. Ginagap ang kanyang kamay, naghihintay sa sasabihin niya.

"Happy birthday, love" mahinang usal niya.

May ngiti sa labi nitong binasa ng dila ang pang-ibabang labi. "Thanks, love..." hinalikan nito ang likod ng kamay niyang hawak nito. "Can I get my gift now?" pilyo pa nitong dugtong, malagkit na tinapunan ng tingin ang dibdib niya.

"Loko-loko!" natatawang singhal niya kay Marcos.

"It's my birthday, love. Walang man lang akong regalo galing sa'yo?"

Umingos siya. "Baliw... Wala kang kasawa-sawa sa'kin, a."

Sumeryoso naman ang mukha ni Marcos ngunit bakas pa rin ang kapilyuhan sa mga mata nito. "I won't ever get enough of you, love. Never."

Lumambot naman ang puso ni Tasha, parang siyang yelong natutunaw sa pakiramdam niya.

Marahan niyang tinamnan ng magaang halik ang noo nito. "You'll get your gift later. Kailangan muna nating kumain."

"That's a promise."

Natatawa niyang naitirik ang mata. "Promise."

May excited na ngiti ang sumilay sa labi nito.

"Library lang ako. I still have a lot of things to do." mabilis siya nitong hinalikan sa labi saka tumayo.

Napapailing naman siyang lumabas ng kuwarto nito. Pababa siya ng hagdan nang sunod-sunod na doorbell ang narinig niya sa front door. Madali siyang nanaog ng hagdan at pinagbuksan ng pinto ang nag-dodoorbell.

Isang maganda, maputi, at sopistikadang babae ang nabungaran niya. The woman's face was surreal. She is a real beauty and has an evocative body. Pupusta siyang ang bag pa lamang nitong sukbit sa kamay ay milyon na ang halaga! Ano pa kaya ang halter blouse, dyed dark blue jeans, at ang high heels nito? Bigla tuloy siyang nailang sa mumurahing shorts at t-shirt niyang suot.

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon