Capítulo Uno

9.8K 118 2
                                    

RODEO UNO: THE ENIGMATIC PROFESSOR

"GIRL, nandiyan na si Sir!" napaangat naman siya sa pagkakasubsob sa armchair niya. Niyugyog kasi siya ng kaibigan niya. Obviously, nakatulog siya. She yawned.

"God! Ang guwapo niya talaga!" tila naging hugis puso naman ang mga mata nito. Nangalumbaba pa na parang timang. Nakatingin ito sa harap, naroon kasi ang professor nilang kakapasok lang at nagre-ready na ng projector nito.

Hinampas niya ang braso nito dahilan para matigilan ito sa pagdi-daydream, muntik pang masubsob sa armchair. Magkatabi lang silang dalawa.

"Grabe ka, Tash, ha!" her lips pouted.

"Tumigil ka nga sa kakapantasya mo, Khai. Para kang timang." she jestingly said to her. Inaayos niya ng kaunti ang nagulong buhok.

"Eh. Kasi naman girl! Look mo oh! Hindi ka ba naguwa-guwapuhan kay Sir?" pabulong nitong sabi. Lumapit pa ito ng bahagya sa kanya. Pa-kiyeme pa nitong tinuro ang guro sa harap na may binubuntinting sa laptop.

Sinundan niya ng tingin ang tinuro nito. Tinaas niya kaunti ang kaliwang kilay na parang nanunuri. The guy was not smiling. Clean-cut and a perfectly carved face, prominent eyebrows, arrogant nose and a strong jawline, a reddish sexy lips. He stood like a cowboy and looked like a billion dollar businessman, like those of fictional characters portrayed in romance novels. He's tall and had a very athletic body. Does she find him guwapo?

"Hmmm...Nope. Mas guwapo pa rin si Nikko ko." natawa pa siya ng manipis.

Tila nainis naman ito at mahina pa siya nitong pinalo sa braso. "Hmp! Hanggang tingin ka lang naman d'un eh." tuya nito.

"Siguro. Pero single pa siya. Hindi tulad niyan," she pouted to their professor na ngayon ay nagroroll-call na, "..taken na. Wala ka ng pag-asa diyan, Khai. Tsaka mas matanda sa atin 'yan no!"

"Ano ka ba, Tash! Seven years lang kaya ang tanda sa'kin niyan. Age doesn't matter naman when it comes to love. Tsaka 'wag ka ngang nega..." inulit naman nito ang ginawa kanina,"...magbi-break din naman 'yan." Mala-demonya pa itong ngumiti.

Nangiwi naman siya sa sinabi nito. Napa-iling-iling na lang siya."Ewan ko sa'yo, Khai. Maluwang na talaga ang turnilyo mo sa utak."

Magsasalita pa sana ito ng tinawag na ang pangalan nito.

"Muaza, Khaireen Jaye?" their prof called without looking to Khai's direction.

"Present, Sir!" sigaw naman ng katabi niya na nakalulon yata ng megaphone.

"Lacsamana, Natasha Gail?" this time, nakatingin na ito sa kanya.

She raised her right hand. "Present, Sir!" bumalik ang tingin nito sa papel. Hindi niya alam kung dinadaya lang ba siya ng mata niya o talagang nakita niyang bahagya itong ngumiti?

"WHOO!!" sigawan ng mga classmate niya ng marinig ang bell. Tanda na tapos na ang huling subject sa araw na iyon.

Napailing-iling naman siya. She's also happy, though . Siyempre lahat naman ng estudyante talagang masisiyahan kapag nakakabagot ang huling subject niyo, para pang may lamay kung magsalita ang Prof niyo. Hindi na nga siya katalinuhan tapos dadagdagan pa ng Prof niyang lutang rin kung magturo.

Nililigpit na niya ang gamit niya. Nabigla naman siya ng sinukbit ng kaibigan niya ang kamay nito sa braso niya. Sumandig ito sa braso niya patagilid.

"Meryenda tayo, Tash." anito.

Inalis niya naman ang kamay nito at hinarap. "Khai... alam mong hindi ako pwede ngayon. May duty ako, 'di ba?" hinawakan niya ito sa kamay. "Next time na lang, hmm?"

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon