Capítulo Nueve

5.1K 86 1
                                    

NAKANGITING nilapitan ni Marcos ang nakatalikod na si Tasha. Niyakap niya ito mula sa likuran. Ibinaon pa niya ang kanyang ulo sa balikat at leeg nito. Naramdaman niyang nanigas ang dalaga.

"Nate-tense ka rin kapag ganito ako kalapit ako sa'yo, hindi ba?" sabi niya sa mababang tono.

"Hindi ko sasabihin." ismid nito.

He just chuckled. Pinaharap niya ito sa kanya. "Okay, fine. 'Wag kang umamin. I can feel it, anyway." he said before pressing her against the closed door.

He closed his eyes the moment he brushed his lips to Tasha's forehead. Bumaba iyon sa ilong ng dalaga hanggang sa iminulat niya ang mata at tinitigan ito na parang ito ang nagbibigay liwanag at saya sa buhay niya.

Yes. Tasha is his light and happiness now. Napapasaya siya nito kahit wala pa itong ginagawa. Ramdam niyang mas malalim pa roon ang nararamdaman niya. Ngunit ayaw niya munang pangalanan.

He can see and feel that Tasha feels the same way too. Kasi kung hindi, hindi siya nito hahayaang gawin ang mga pahaplos at halik niya rito. Maybe she's thinking also the same way he's thinking.

Bumaba ang tingin niya sa labi ni Tasha. Masuyo niyang tinitigan ang labi ng dalaga. His Tasha' sweet and soft lips. Nakaawang mga iyon. Sa totoo lang, gusto niyang lagi iyong angkinin. He feels like drowning everytime he kiss her lips. At handa siyang magpakalunod matikman niya lang nng paulit-ulit ang labi nito.

Mabining niyang tinamnan ng maliit na halik ang labi ng dalaga. Automatikong pumikit ang mga mata nilang dalawa. Naramdaman niyang gumanti rin ito sa halik niya. Ginagap niya ang pisngi nito at muling ginawaran ng masuyong halik sa labi.

He kissed her passionately and purely. Walang pagmamadali, walang hinahabol. Tila nanlalambing na halik iyon. At napagtanto niyang mas masarap pala kapag gano'n lang. Mas nararamdaman nila ang isa't-isa.
Mas kakaibang init ang naramdaman niya kaysa sa init ng pagnanasang palagi niyang nararamdaman kapag hinahalikan ito.

Hindi niya alam kung gaano iyon nagtagal. Naghiwalay lamang ang mga labi nila ng tumunog ang cellphone niya.

Bago pa man maghiwalay ang mga labi nila naramdaman niyang ngumiti ito sa labi niya dahilan para mapangiti rin siya.

Wala siyang choice kundi ang bitawan muna ito.

"Istorbo."maigkling sabi niya pero nakangiti pa rin bago hinugot ang cellphone niya sa bulsa.

Mahina namang natawa si Tasha. "Sagutin mo na."

Tiningnan niya ang caller. "Tss. Si Bryle. Ka-brod ko rin." paliwanag niya.

"Okay?" patanong na sabi ng dalaga. Aalis sana ito sa pagkakasandig sa pinto ngunit pinigilan niya iyon. "Sagutin mo kaya muna 'yan."

"Mangungulit lang 'to, e."

"Paano mo naman nasabi? Malay mo importante ang itinawag niyan."

"Fine." sabi niya bago sinagot ang tawag. "Evangelista, speaking." sinagot niya ito ng hindi inaalis ang tingin kay Tasha. Wala sa loob na nilalaro-laro niya sa daliri ang dulo ng buhok nito.

"Hoy, Marcos! Wala ka na nga sa Bachelor's party kagabi ni Rigo, mukhang mali-late ka pa ngayon!" bungad kaagad sa kanya ni Bryle.

Napakawalanghiya talaga nitong kaibigan niya. Parang hindi respetadong engineer kung umasta.

"Shut up, Salome! Baka gusto mong bumalik sa testosterone ng tatay mo?!" gigil niyang sabi.

Nakita niyang na-a-amaze na tiningnan siya ni Tasha.

"Easy ka lang, brod. Ang sinasabi ko lang naman, pumunta ka na dito. Ikaw na lang ang wala. Kahit si Clay na lulubog-lilitaw e, nandito na." tumatawa pa nitong sabi sa kabilang linya.

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon