Capítulo Dos

6.9K 101 3
                                    

SA CANTEEN ng school nila siya dinala ni Khai, matapos niyang ibinuhos lahat ng luha niya.

Tulala siya sa kawalan at naninikip pa rin ang dibdib niya. Mahapdi na rin ang kanyang mga mata buhat sa pag-iyak.

"I suggest, you should talk to Mr. Evangelista, Tash. Baka maagapan pa naman. Two weeks straight ka lang namang absent, aside from that, wala na. Kompleto ka naman sa lahat ng activities, e." wika nito na nagpabaling ng tingin niya rito mula sa pagkakatulala. "Atsaka, bukas pa naman ng tanghali ang deadline ng submission of grades."

"P-paano kung wala na talaga? Paano kung ayaw niya?" nababahalang tanong niya. "Khai... hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Mama... Baka atakihin uli sa puso si Lola." kasabay noon ay tumulo na naman ang luha niya.

Lumipat ito ng upo sa tabi niya. "Ano ka ba,Tash. Don't be negative kasi." sabi nito saka hinagod-hagod ang likuran niya.

Pinahid niya ang nabasa niyang pisngi.
"Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, Khai. Every year na lang ganito lagi ang problema at kinakatakot ko. Ginagawa ko naman lahat ng makakaya ko,e. Pero ayaw pa rin akong lubayan ng lintik na takot na 'to!"

Ilang segundo itong hindi nagsalita. Patuloy lang nitong hinahagod ang likod niya.

"Tahan na,Tash. Kakausapin na lang natin si Sir Marcos, okay?" pang-aalo pa nito. "For now, kailangan mo munang huminga,'kay?"

Hindi siya kumibo. Tumango lang siya bilang sagot.

"Let's go home na muna. Balik na lang tayo bukas. Ipahinga mo muna 'yang mata mo. Then, bukas i-ready mo na ang sarili mo para kausapin si Sir Marcos." pinunasan nito ang pisngi niya.

"Kita mo na, halos pumutok na ang mata mo sa sobrang maga,o." tumawa pa ito ng manipis. Napasimangot naman siya. "Halos tatlong oras ka ba namang umiyak ng umiyak."

"Alangang tumawa ako nu'ng malaman kong bagsak ako, 'no?!" palatak niya.

Umirap naman ang kaibigan niya saka siya inayang tumayo.

Hindi niya talaga alam ang gagawin kung wala ang kaibigan niyang 'to. Baka nga hindi lang iyak ang gagawin niya. Baka nga nagpasagasa na lang siya sa truck kanina nang malaman niyang bumagsak siya sa Major Subject nila.

She's always thankful that she met her bestfriend Khai.

NANGINGINIG ang kanyang buong katawan habang papalapit sa teacher's table ng kanyang professor. Nasa faculty's computer lab pa naman ang table nito, dumadagdag pa sa panginginig niya ang lamig ng aircon.

Mataman siya nitong tinititigan, waring isa siyang specimen na sinusuri nito. Nakahalukipkip rin ito.

Mag-isa lang ito doon, nag-iisa lang naman talaga ito doon. Kumbaga itong buong computer lab ay parang opisina na rin nito. Well, wala namang question doon, nag-iisang anak ba naman ng Dean nila.

"What can I do for you, Miss Lacsamana?" he said emotionless.

Itong-ito agad ang tanong nito sa kanya ng makalapit siya sa table nito. Nanginginig ang kanyang tuhod at mga kamay hindi dahil sa lamig ng aircon kundi dahil sa kabang nararamdaman niya.

"Ahm... S-sir..?" nalunok rin 'ata niya ang kanyang dila! Hindi niya alam ang sasabihin—hindi niya alam paano sisimulan ang sasabihin.

"Yes, Miss Lacsamana?" he raised his eyebrow at her.

Napayuko siya sa ginawa nito. Alam nito kung anong pakay niya!

"S-sir, g-gusto ko po sanang i-clarify 'y-yung grade ko po." pigil ang hiningang sabi niya.

"Are you saying na may problema sa pagkakasolve ko sa grade mo, Miss Lacsamana?" walang emosyong wika pa rin nito.

Napataas siya ng tingin dito.

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon