Capítulo Treinta y séis

1.8K 45 2
                                    

SA MGA SUMUNOD na ilan pang araw ay nag-enjoy talaga si Tasha. Kahit papaano ay natuto na rin siyang sumakay sa kabayo nang hindi na kinakailangan pang alalayan. She's been in love with horses, but never got a chance to ride one.

Napatingala siya nang sunod-sunod na may pumatak na tubig sa mukha niya. Mukhang uulan, at base sa kulay ng kalangitan ay tantya niyang malakas ang bubuhos na ulan.

"Hold tight on leash, love," Marcos whispered to her ear. Tumalima naman siya, mahigpit na kumapit sa renda.

Hindi pa man sila nakakalayo ay malakas nang bumuhos ang ulan, unti-unti na rin silang nabasa. Masakit na rin sa balat ang patak ng ulan.

Nagpaling-linga siya palibot na p'wede nilang silungan kahit paano. May nakita siyang kamalig ngunit bago pa man niya sabihin iyon sa binata ay nailiko na roon ng binata ang direksiyon nila.

"Matagal pa bago siguro titila ito," aniya na sinasalo ng palad ang patak ng ulan.

Sapat lang ang laki ng kamalig na iyon, naipasok rin nila si Morgan, a dark brown Spanish Mustang, na sinakyan nila kanina habang papunta sa talon na sa loob pa rin naman ng hacienda.

"You should rest, love." Nilingon niya ito, nakaupo na ito sa sabsaban at pinipilit patuyuin ang sarili. "Upo ka muna rito." Tinapik pa nito ang bakanteng p'wede niyang maupuan.

Mabilis siyang lumapit doon dahil nilalamig na din siya sa ihip ng hangin. "Ang lamig." Niyakap niya ang sarili.

"We should get each other warm then?" he said, a playful smile on his lips.

Hindi naman na siya naive para hindi makuha ang sinabi nito.

"Loko-loko! Wala ka talagang pili e, 'no?" Natatawang aniya na magaan pang sinampal ang labi nitong lumalapit na sa kan'ya.

"I mean, baka matagal pa titila 'yung ulan. Eh, nilalamig ka na, ikaw rin." Nagkibit-balikat pa ito na akala mo naman talaga sinsero ang gusto nitong pagtulong.

"No way! Baka mangati pa tayo, 'no!"

"We can still do it without undressing, you know. Besides, you're wearing a dress. So, easy access," he winked two times after saying those.

Pinaningkitan niya ito ng mata. "Alam mo minsan, iniisip ko para kang kabayo. Lakas ng horse power at stamina mo pagdating sa kahalayan."

"Kung kabayo ako, ikaw naman ang pinakamagaling na cowgirl. Masarap ka mangabayo, e."

"Gago!" Marcos laughter filled with the surroundinga.

Naalimpungatan si Tasha kaya dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Hindi pala nila namalayang nakatulog silang parehas habang nag-uusap ng kung anu-ano ni Marcos. She enjoyed talking to him a lot of things with only a light on her phone in the middle of a heavy rain. And for some reason, she finds it romantic.

Umikot siya paharap sa binata saka dahan-dahang umangat ang isang kamay niya sa pisngi nito, hinaplos niya iyon at dinama ang kakinisan nito. Talo pa siya nito sa sobrang kinis ng mukha, matataas na pilikmata at sa sobrang tangos na ilong. Binasa niya ang labi gamit ang kan'yang dila nang sandaling tumitig siya sa labi nito. Oh, she wanted to devour his luscious lips all night!

"Stop eye-raping me, love," ungol nito, waring nagising na rin ngunit nanatiling nakapikit ang mga mata.

"Tulog ka pa. Hindi pa tumitila ang ulan, that means, mababaw pa lang ang naging tulog natin."

Ang mga braso nitong nakapulupot sa kan'ya ay mas lalo pang humigpit, naramdaman niyang ang katigasan nito sa tiyan niya. Nangangati tuloy siyang hawakan iyon!

"Kung pumayag ka sana kanina, baka bukas pa tayo ng umaga nagising."

Bumungisngis siya bago kagat ang labing nagsalita. "P'wede naman ngayon, e."

Mabilis na nagmulat ito ng mga mata. "Really?" tanong nito na naniniguro.

Kagat pa rin ang labing tumango siya. Mabilis pa sa alas-kwatrong umibabaw ito sa kan'ya at mapusok na inangkin ang labi niya.

As Morgan kicked and neighed, they too both moaning and groaning in wanton... as loud as thunders.

HINDI NIYA MAALIS-ALIS ang kamay ng kasintahan sa hita niya. Kanina pa niya iyon pinipilit tanggalin pero binabalik lamang niyon ng binata. Hindi tuloy siya makakain ng maayos. Sinenyasan niya ang binata na tanggalin na ang kamay nito pero loko-lokong ngumiti lamang ito sa kan'ya. Hindi pa nakuntento, pinisil-pisil pa nito iyon na parang minamasahe. Nagsisisi tuloy siya bakit pa siya nag-bestida.

Tikhim ni Donya Maritta ang nakapagpaayos sa kan'ya ng upo. "Did you enjoy hacienda Evangelista so far, hija?"

She cleared her throat before answering. "Yes po." Sinsero siyang ngumiti.

"Mabuti naman kung ganoon." Gumanti rin ito ng ngiti sa kan'ya. "Nakakalungkot na maiiwan na naman akong mag-isa rito sa mansiyon bukas. I'm hoping one of this days, isa man lang sa mga apo ko ang magsasabi sa'king magiging Lola na ako sa tuhod."

Muntik na siyang mapaubo sa sinabi ng Donya. Kahit wala namang specific kung sinong tinutukoy nito ay kaagad na nag-init ang pisngi niya.

"Ilang apo po ba ang gusto n'yo, Mamala? Baka p'wede ko pang ihabol sa eighty-fifth birthday ninyo," may ngisi sa labing sabi ni Nikier.

"Manahimik ka! Magtapos ka muna ng pag-aaral mo," sikmat ng abuela nito.

"Hindi rin naman malayong mangyari 'yun, Mamala. Sa dami ba naman ng babaeng pinaglalaruan niyan," singit naman ni Marcos. Talagang pinipikon ang pinsan nito.

"Oh, come on, kuya! When will you stop pestering me that? Sabi ko naman sainyo rumors lang 'yun. Paulit-ulit kayo, e. Nakukulili na ako!"

Alam niyang isa sa traits ni Marcos ang pagiging pikunin, pero mukha yatang nasa dugo ng mga ito iyon.

"Titigil kami kung titigil ka rin sa mga kalokohang pinaggagawa mo sa mga babae," singit na rin ni Nikko sa kabilang side ng mesa.

"Titigil ako kung titigil din sila sa kakalapit sa'kin!"

"De, inamin mo rin. Di-deny ka pa, e."

"At least hindi ko ginagawa sa sabsaban, 'no!"

Para siyang binuhusan ng yelo at hindi makagalaw. Kung p'wede sanang lamunin muna siya ng lupa at iluluwa mamaya, talagang nagpalamon na siya!

"Stop it, you three!" sikmat uli ni Donya Maritta. "Don't mind them, hija," anito sa kan'ya.

Tipid siyang ngumiti at uklo ang ulong nagpatuloy sa pagkain.

Donya Maritta once again cleared her throat. "Marcos," tawag pansin nito sa binata. "Quando hai intenzione di sposarti?" [1]

Hindi niya naiintindihan ang sinabi ng Donya pero alam niyang nakakabigla ang tanong nitong iyon dahilan para mapatigil sa pagkain ang dalawa at ang mga mata ay nakatutok kay Marcos.

Marahan munang tumikhim ang binata. "Why, Mamala?"

"Hindi ko gusto ang nangyayari sa inyong ito. So, as soon as possible, i want you to fix it and do the right thing, apo."

Marcos looked at her and held her hands that's on the table. "Soon. Perché non sono ancora pronta per sposarmi." [2]

Titig na titig ito sa kaniya habang sinasabi iyon, may kasiguraduhan sa mga mata nito. Hindi man niya naintindihan ay alam niyang sinsero ito sa mga sinabi. At akala niya sa Hiligaynon na ang pinakamasarap na narinig niyang nagsalita ito, pati rin pala sa lenggwaheng ginamit nito ngayon-ngayon lang!

"Good, apo," malawak din ang ngiting wika ni Donya Maritta. Ang mga pinsan naman nito ay hindi maitago ang ngiti.

"You're soon to be wife is clueless, kuya."

Wait... wife?

[1] "Quando hai intenzione di sposarti?"
Translation: When are you planning to get married?

[2] "Perché non sono ancora pronta per sposarmi."
Translation: Hindi pa kasi handa 'yung papakasalan ko.

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon