Capítulo Treinta y nueve

1.7K 28 0
                                    

KUNG SI MARCOS ay enigmatic, ang Escolar namang iyon ay ignominious. A disgraceful, low-minded, shameful, dirty, perverted—lahat na ng synonyms ng ignominious gusto niyang i-reflect sa manyakis na iyon!

Saglit siyang natigilan. Bakit noong si Marcos ang umalok sa kan'ya ng indecent proposal hindi naman niya minura ang binata? Hindi rin naman ganoon kapangit si  Sir Escolar. In fact, may ibubuga rin kung sa pisikal lang ang pag-uusapan.

Ah, basta! Halang pa rin ang bituka ng professor na iyon. Mabaog sana siya!, Inis na inis pa ring aniya.

And Marcos is different, attracted na talaga siya sa binata noong una pa lang. But she's in denial kasi nga malabo na na magkagusto ito sa tulad niya. He's too perfect, too mighty and too high for her. Kaya binura niya ang atraksiyong iyon. Kaya rin siguro pinilit niyang magka-crush kay Nikko noon upang tumatak sa isipan niyang hindi siya puwedeng magkagusto sa hindi niya kalebel, sa isang taong mataas ang lebel, doon na lang siya sa sapat para sa kan'ya, iyong medyo abot-kamay niya kahit papaano.

Pero masyado yatang nawili si tadhana sa paglalaro ng buhay niya. Ang akala niyang imposible, na magkakagusto ito sa isang estudyanteng tulad niya ay nangyari, sa hindi man niya inaasahang paraan.

At malay ba niyang nagtago lang pala ang atraksiyon niya para sa binata, hindi naman pala tuluyang nawala.

"Love?" Napamulagat siya. "You're spacing out. May problema ka ba?"

Ibinaba  niya ang tingin sa lunchbox, napangiwi siya nang makita halos machop-chop na niya ng tinidor ang karneng ulam.

Napakislot siya ng ilapat nito ang palad sa kan'yang noo. "Ayos ka lang ba? Are you sick?"

Marahan niyang inalis ang palad nito sa noo niya. "Ayos lang ako."

"Wala ka bang ganang kumain?"

Kanda-iling siyang tumitig sa kasintahan. Gusto niyang sabihin dito ang nangyari kanina kasi inaamin niyang hindi niya alam ang gagawin. At hindi niya kayang mag-isa. Ano bang laban niya sa Escolar na 'yun?
Kung ang ibang babae siguro ang nasa position niya, papatol ang mga ito sa sinabi ng professor niya. Pero hindi niya gagawin iyon, hindi niya maatim na may iba pang makakahalik o makakahawak sa katawan niya maliban kay Marcos.

Hindi man sinabi ng Escolar na iyon na marami itong ebidensyang makakapagbunyag ng forbidden relationship nila ni Marcos, alam niyang may inihahanda at itinatago na ito. Kung wala, hindi ito maglalakas loob na komprontohin siya. At siya marahil ang kinompronta nito dahil akala nito ay mag-aasta siyang bida na ipagtatanggol at poprotektahan ang mahal niya.

Malalim siyang bumutong-hininga. "I have something to tell you, love."

"What is it?" Isinuklay nito sa kan'yang tainga ang ilang hibla ng buhok niyang kumawala sa pagkakatali. Malambong na namang tumitig ito sa kaniya.

Kinagat niya ang labi saka tumikhim. "Sir Escolar knew about us," panimula niya.

Tasha saw him how his jaw clenched. "Go on, love." Dumapo ang mga mata niya sa kamay nitong may hawak na kutsara, halos magsilabasan ang mga ugat nito roon. For some reason, nahintakutan siya.

"Just relax first, please," kapos ang hiningang aniya.

"I'm relax. Just... go on, love," anito bago binitawan ang kutsara saka tumayo, tumalikod ito sa kan'ya at namulsa.

Tasha sharply sighed. "Hinarang niya ako kanina sa back gate. He said, pumunta raw ako sa office niya later afternoon kung hindi, ito na ang huling sem na makikita pa kita," halos bulong na lang na aniya.

Humarap ito sa kan'ya ngunit tagos ang tingin. "That's all he said?"

Mariin niyang ipinikit ang mga matang yumuko at tumango.

Hindi na niya sasabihin pa ang ibang sinabi ng Escolar na iyon baka kapag sinabi niya iyon ay baka ano pang gawin nito. Nahihintakutan na nga siya sa nakikita niya ngayon.

Marcos' a Rodeo! Sanay ito sa rambulan at bugbugan. Na recently nga ay nakipag-rambol kasama ang mga kaibigan nito. Hindi man niya totally nasaksihan, patunay ang ibang mga kaibigan nitong may sugat sa labi at mga pasa sa katawan at mukha na galing ang mga ito sa pakikipag-bugbugan.

"Hey, love." Napamulat siya ng mga mata at sinalubong ang tingin nito, nakalapit na pala ito sa tabi niya. "Wala ka namang pasok sa resto mamaya, 'di ba? Go home after your class, okay?"

Maaliwalas man ang mukha nito ngunit hindi nito maitatago sa kan'ya ang awra nitong may binabalak na hindi niya maintindihan, natatakot siya sa nakikita niya sa kasintahan. "Anong gagawin mo? Please, tell me."

He just smiled and planted a soft kiss on her forehead. "I'll handle everything, okay? Don't worry."

Mahigpit siyang humawak sa braso nito.
"Ipangako mo sa'kin na hindi ka gagawa ng bagay na makakasakit sa'yo."

Mali bang sinabi niya rito ang lahat? Nagsisisi tuloy siya, kung sana ay sinarili na lamang niya.

Kinuha nito ang kamay niya, hinawakan ang daliri niyang may suot na singsing na binigay nito kaninang umaga. He then again planted a soft kiss on her forehead, on her cheeks and lastly on her lips.
"I promise. I love you."

She cupped his face. "I love you too." Pinakatitigan niya ito na para bang ito na ang huling pagkakataong makikita nila ang isa't-isa.

She felt her phone vibrated, saglit na naputol ang titig niya rito nang dukutin niya ang telepono sa bulsa ng kan'yang skirt. It was from an unknown number, kaagad na lamang niya iyong binuksan at binasa.

Tutop niya ang bibig, paano nalaman ng lalaking 'yun ang number niya? "H-he texted me," siyang angat niya ng tingin sa kasintahan. Bumalik na naman ang bagsik nito sa mga mata saka kinuha sa mga kamay niya ang telepono'ng hawak, tumiim ang bagang nito.

"He changed the location. What am I going to do," halos singhap na niyang bulalas.

Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat niya. "You will do nothing, love. Sundin mo na lang ang sinabi ko. I'll call you after I handle everything."

"Hindi! Sasama ako sa'yo!" protesta niya.

"Ako nang bahala. Just follow what did I say earlier. You don't have to worry. Ako ang haharap sa kan'ya—"

"Marcos, I know your capabilities! Hindi ka mapapasama sa fraternity mo kung wala kang kakayahanan. But we don't know what sir Escolar can do too! Love, please? Let me come with you," sumamo niya, hawak-hawak ang isang kamay nito.

Marcos released a heave sigh. "Listen,
love. We've known each other since college. I know what he can do. Tuso ang taong 'yun! Hindi siya magdadalawang isip na gamitin ang lahat ng p'wede niyang gamitin malamangan lang ako o kahit na sino. Do you understand me?" He cupped her face. "I  just want you to be safe. After all, it's all my fault why he's doing this," mahinahong anito.

Nilapat niya ang palad sa kamay nitong nasa mga pisngi niya. "Susundin ko ang sinabi mo pero i-pangako mo rin sa'kin na tutuparin mo ang sinabi ko kanina. Hindi ka gagawa ng bagay na makakasakit sa'yo."

"I will," he said after nodding his head. "H'wag kang mag-alala, kasama ko naman ang mga gunggong. Nothing's bad gonna happen."

"Kahit na," aniya bago ito mahigpit na niyakap. "Hindi pa rin natin alam ang kayang gawin ng taong ang puso ay puno ng panlalamang at paghihiganti."

"THANK YOU, MAX," pasasalamat niya sa lalaki bago bumaba. Ito kasi ang naghatid sa kan'ya pauwi ng boardinghouse niya. Nagulat na lang siya ng businahan siya nito sa labas ng university gate. Kaagad itong nagpakilalang kaibigan ni Marcos at bahagya pang pinakita ang tattoo na simbolo ng Rodeo.

"You're welcome," malapad itong ngumiti sa kan'ya.

Kusa na siyang bumaba, kaagad naman itong pinasibad ang sasakyan. Naiwan siyang tanaw-tanaw ang sasakyang papalayo.

Nothing's bad gonna happen.

She will hold on to that.

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon