Capítulo Cinco

6.7K 116 4
                                    

NAGHIHINTAY sila ng first subject nila ni Khai ng umagang iyon. Balik eskwela na naman pagkatapos ng halos dalawang buwan nilang bakasyon.

Iyong iba nilang kaklase nagpapasikatan na naman kung saang lugar ito nagsipagbakasyon ng dalawang buwan.

Samantalang siya ay halos puro summer-job ang inatupag.

Kahit inaantok ay mataman pa rin siyang nakikinig kay Khai sa mga escapades nito nu'ng bakasyon. Minsan talaga nakakainggit maging mayaman.

"Gosh, Tash. I'm so excited talaga! Under na naman kasi tayo kay Sir Marcos! My God! Araw-araw ko na naman siyang makikita."

Sukat doon ay nawala ang antok niya. Napatingin siya sa kaibigan. "H-hindi nga?!"

Nagulat naman si Khai sa pagtaas ng boses niya. "Oh,yes,Tash!" nakangiting sabi na nito ng makabawi sa pagkagulat.

Napansin siguro nito ang pagkabalisa niya. "H'wag ka ngang mag-alala. Hindi ba pumasa ka naman sa kanya last sem?" tanong nito.

Marahan siyang tumango. "Hay... Hindi ko alam na kahit ang perfectionist na tulad ni Sir Marcos ay nagkakamali rin pala minsan." anito.

Oo nga pala. Ang sinabi niyang rason dito kaya siya pumasa ay nagkamali ng pag-encode ng grades niya ang professor nila. Sauna hindi ito naniniwala sa sinabi niya. Napaka-perfectionist nga naman kasi ng professor nila tapos sa pag-encode lang namali ito? Him and his known soaring high-standard.

She knew it's too lame. Pero wala kasi siyang ibang maisip na rason. Hindi niya naman pwedeng sabihin dito ang nangyari.

"Tash!" singhal nito sa kanya.

"Bakit?" sabi niya ng makabawi sa malalim na pag-iisip.

"Wow! Kanina pa ako salita ng salita hindi ka naman pala nakikinig." nakairap nitong sabi. "Ano bang nangyayari sa'yo, ha? Palagi kang tulala."

"Wala 'to. Inaantok lang ako." nagdududang tinitigan siya nito. "Hindi kaya..."

Malakas niyang hinampas ang braso nito. "Tigilan mo nga 'yan. Inaantok lang talaga ako."

Umusli naman ang nguso nito saka hinimas-himas ang brasong pinalo niya.

"Mapanakit ka na!" hiyaw nito.

Naiiling siyang ngumiti. "Kasi naman po ang titig mo masyadong judgmental." sabi niya.

"May itinitago ka sa'kin! Nararamdaman ko!"

"Judgmental. Napaka-dudadera mo talaga!" nakangiti niyang sabi.

"Ha! Malay ko ba kung anong nangyari sa two months! Ni hindi nga ako nakareceive ni isang reply man lang sa mga texts ko sa'yo!"

"Busy ako sa summer-job ko, Khai. Alam mo 'yan." wika niya saka tumayo.

"Saan ka pupunta?" tanong nito.

"CR lang ako."

NASA pintuan na siya ng comfort room nang may bigla may tumakip sa kanyang bibig at hinila siya nito papasok ng storage room.

Malakas siyang nagpupumiglas sa kamay ng kung sinomang damuhong humatak sa kanya pero mas malakas ito. Wala pa man ding dumadaang estudyante.

Ni-lock nito ang pinto kapagkuwan ay isinandig siya nito sa matigas na pader.

"Shh... Calm down. Ako 'to."

Si Mr. Evangelista!

Napatigil siya sa pagpupumiglas at nanlalaki ang mga matang tinitigan niya ito. Kahit madilim pinilit niyang maapuhap ang mukha nitp.

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon