Capítulo Siete

6.2K 96 4
                                    

PAREHO silang nataranta ng marinig ang katok mula sa labas ng pintuan.

Malakas niyang naitulak si Marcos kaya nahulog ito sa kama at napasalampak ng upo sa sahig. Nahugot tuloy ang pagkalalaki nito sa kanya. Lumikha iyon ng basang ingay.

"Shit!" daing naman nito parang nasaktan. Galit siya nitong binalingan.

Nangiwi naman siya ng mapagtanto ang ginawa.

"Sorry." hingi niya ng paumanhin sa mahinang tinig.

Sunod-sunod na katok ang narinig uli nila sa labas. Sabay silang napatingin sa nakasaradong pinto.

"Tash? Tash." boses iyon Khai. Sigurado siya.

Sinenyasan niya si Marcos na huwag itong gagawa ng kahit na anong ingay. Mabilis na tumayo ang lalaki sa pagkakasalampak sa sahig, hinilot pa ang pang-upo na siguro ay kumikirot.
Hindi niya tuloy maiwasang mapatingin sa pagkalalaki nito na kanina lang e, na-enjoy niyang hawak-hawakan. Kung hindi lang siya pinatigil nito baka malayo pa sa hawak ang nagawa niya. Ipinilig niya ang ulo. Ano bang pinag-iisip niya sa ganitong sitwasiyon nila? Nag-angat siya ng tingin sa mukha ng binata.

Naguguluhan siya nitong tiningnan. Maski siya ay hindi alam ang gagawin.

Mabilis siyang bumangon sa kama at pinulot ang mga damit nito. Iniisip kung saan itatago ang lalaki. Hindi naman pwedeng magpakita ito. At mas lalong hindi niya pwedeng hindi labasin si Khai, magtataka ito.

Bahagya niyang itinulak si Marcos papasok sa CR na nasa loob lang rin ng kwarto nila. Walang tutol naman itong sumunod. Isinalampak niya sa dibdib ng lalaki ang mga damit nito. Bago pa man niya maisara ang pinto'y pinigilan nito iyon.

"Bakit?" mahina pa ring sambit niya.

"Hindi pa tayo tapos."

Umawang ang kanyang bibig. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Sa ganitong sitwasiyon, iyon pa rin ang iniisip nito?

Mariing naglapat ang kanyang labi. "Fine."

Tatalikuran niya na muli ito nang pinigil muli nito ang pintuan.

Naitirik niya ang mata. "Ano na naman?!"

"Mag-T-shirt ka." ininguso pa nito ang leeg niya at ngumisi ng nakakaloko.

Pinanlakihan niya ito ng mata, alam na niya ang ibig sabihin niyon. Malamang may marka na naman doon. He just cocked his head and chuckled. Ito na rin mismo ang nagsara ng pinto ng banyo.

Tumakbo siya papuntang kabinet niya at naghanap ng maisusuot. T-shirt na makapal at pajama ang nabunot niya. Hindi na siya nag-abalang magsuot ng panloob. Inayos rin niya ang kama niyang nagulo sa ginagawa nila ni Marcos kanina at tinago ang suot niya kanina. Nag-spray rin siya ng pabango.

Sunod-sunod na katok pa rin ang naririnig niya sa labas. Tila walang balak sumuko si Khaireen.

"Sandali!" pasigaw niyang sabi habang naglalakad papuntang pinto.

Nang buksan ang pinto ay ang nakasimangot na mukha ni Khaireen ang bumungad sa kanya.

"Bakit ang tagal mo?" maktol nito.

"Pasensiya na, Khai. Pagod ako, e. Nakatulog ako."

Saan ka napagod, Tasha? buska niya sa sarili.

Nakita naman niyang nagliwanag ulit ang mukha ng kaibigan. "Okay."

Marahan nitong itinulak ang pinto saka pumasok. Wala naman na siyang nagawa. Sanay na silang kaibigan sa gano'n. Sinundan na lang niya ito. Naupo ito sa kama niya.

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon