Capítulo Tres

7.1K 113 1
                                    


DINAIG PA niya si Michael Angelo at iyong iba pang ninja'ng pagong sa Ninja Turtles, sa suot, kilos at galaw bago niya natunton ang address na pinasa sa kanya ni Mr. Evangelista. Para siyang wanted na terorista sa Pilipinas kung makaiwas sa mga tao. Halos mabali na rin yata ang batok niya sa kakayuko, sa pag-iingat niyang baka may makakilala sa kanya. At kahit mag-a-ala-sais palang ng gabi, hindi pa naman kalamigan, nagsuot siya ng jacket na may hood. Nag-mask din siya.

Hindi niya alam ang isasagot niya nang tanungin siya ng gwardya ng Village. Ano namang sasabihin niya? Na makikipagtalik siya sa isang professor na nakatira sa village na ito para ipasa nito ang grado niya? Kung bakit naman kasi hindi man lang sinabi ng professor niyang mahigpit pala ang security sa village na tinitirhan nito.

Hindi sana siya papapasukin ng gwardya kung hindi lang dumating ang isa pa nitong kasamahang gwardya rin, nasabihan na pala ito ng professor niyang darating ang maglilinis ng bahay nito.

Kung alam mo lang, manong! Sa loob-loob niya.

Walang imik niyang tinungo ang bahay nito. Namangha pa siya sa bahay na nakita. Although, lahat naman ng bahay na nadaanan niya kanina magaganda rin pero mas higit ata ito sa panlasa niya. Dalawang-palapag iyon. Naghahalo ang kulay puti at itim na pintura at marmol na disenyo nito.

Itinulak niya ang gate na hindi naka-lock. Ang sabi nito ay tumuloy lang siya pagkarating niya sa bahay nito, wala kasi itong kasambahay.

Inalis niya ang suot-suot niyang mask at ibinaba ang hood ng jacket niya. Iginala niya ang paningin sa buong kapaligiran. So clean and so green. Clean and green yata ang tema ng bakuran nito. Na sa tingin niya ay hindi nababagay sa kulay itim at puting disenyo ng bahay nito. Parang sobrang dilim naman yata ng bahay nito kaysa sa bakuran nito.

Naglalakad siya habang nagmamasid sa paligid. May swing din siyang nakita. Kahit medyo madilim na ay nakikita niya pa rin ang matatayog na kulay ng mga bulaklak. Ang sarap mahiga sa bermuda grasses doon at mag-star-gazing.

When she finally reached the front door, she extended her arms to press the doorbell button. Inulit niya pa iyon ng ilang segundo na ay wala pa ring nagbukas sa kanya. Tama naman ang address na pinuntuhan niya ng tingnan niya ang cellphone niya. Sa pangatlong beses sanang pipindot siya ay siya namang bukas ng pinto.

Napamaang siya nang sa pagbukas ng pintuan ay nakatuwalya lang ang professor niyang bumungad sa kanya. Droplets of water flowing smoothly from his wet hair down to his moreno chest skin, down to his well-formed abdominal muscles. Tinutuyo-tuyo pa nito ng isa pang tuwalya ang basang buhok nito. Biglang napalis ang kabang nararamdaman niya kanina pa. Para gusto na niyang bumilangkad sa harap nito!

Hindi siya pariwarang babae pero Diyos ko! Hindi ito papatalo sa mga napapanood niyang sci-fi superheroes. Ang sarap maglambitin sa braso nito, sabi pa nga ni Khai.

Hindi niya tuloy mawari kung bakit gusto nitong makatalik siya. E, sa hitsura at nag-uumpugang mga muscles pa lang nito talagang habulin ito ng kababaihan. Ang swerte ng girlfriend nito.

"Good evening, Miss Lacsamana." bati nito sa kanya, sa mababang tono. At hindi niya alam kung bakit sa pandinig niya ay nakakaakit iyon.

"G-good evening po, S-sir." she managed to say kahit yata feeling niya pumulupot ang dila niya.

Mailap ang tingin niya. Hindi alam kung saan titingin kung sa mukha ba nito o katawan. Pinagpawisan siyang bigla.

"Come on in." niluwagan nito ang bukas ng pintuan.

Tumalima naman si Tasha. Sa paglampas niya sa lalaki, naamoy niya pa ang panlalaking amoy nito. Hinding-hindi siya magsasawa kapag araw-araw ganito lagi ang maaamoy niya. Ang sarap lang papakin!

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon