Capítulo Quince

4K 58 2
                                    


MALILIIT na halik ang gumising kay Tasha kinaumagahan. Dahan-dahan naman niyang iminulat ang kaliwang mata. Nakangiting mukha ni Marcos ang bumungad sa kanya. Nakatihaya siya samantalang ito ay parang tukong nakakapit sa gilid niya. Kapwa silang balot ng makapal na kumot. Umungol siya sa iritasiyon at marahang iwinaksi ang mukha ng binata na hinahalik-halikan siya sa labi, tainga, pisngi at leeg niya. Bantulot na tumagilid si Tasha sa kama.

Nakapikit ang mga talukap na naitirik niya ang mga mata nang hindi man lang ito bumitaw sa kanya at batok naman niya ang hinalik-halikan nito.

"Marcos, ano ba!" singhal niya rito.

"Good morning, love." he whispered against her nape skin.

She looked at the clock in the bedside table. It's nine in the morning. Marcos' hug tighten, she can feel his arousal behind her.

Not again!

Madaling araw na nga silang nakatulog sa pinaggagawa nilang dalawa. Para itong leon na ilang linggo ng gutom kung panabikan siya kagabi. She couldn't even imagine that Marcos can talk dirty while having sex! And she couldn't believe she liked it! Good God!

"Huwag muna, Marcos, please?"

Mahina itong bumungisngis. "Still sore?" wika nito habang iginagapang ang daliri papunta sa kaselanan niya sa ilalim ng kumot.

Kaagad niyang pinagdiin ang kanyang mga hita at ginagap ang kamay nitong naglalakbay. "Nakikiusap ako sa'yo, Marcos. Huwag muna.... mahapdi pa." ibinulong niya ang huling sinabi.

Ang bungisngis nito ay nauwi sa tawa. Kagat naman niya ang labi sa hiya.

"Don't worry. Masasanay ka rin dito." mas lalo nitong idinikit ang pagkalalaki nito sa likuran niya, nasagi pa ang pisngi ng kanyang pang-upo.

"Marcos!" kinurot niya ang likuran ng palad nito na hawak niya. Malutong na tawa naman ang iginanti nito sa kanya. Maya-maya pa ay humihina na ang tawa nito.

"Just a cuddle then." ipinihit siya ni Marcos paraharap rito. Sinalubong naman niya ito ng yakap at ibinaon ang mukha sa dibdib nito. Masarap yakapin ang mainit nitong balat. Ewan niya kung ramdam ba nito ang nunurok na tuktok ng dibdib niya.

Sa kabila niyon, mahigpit lang siyang niyakap ng binata. "Tash..."

"Hmm?" wika niya ng nakasubsob pa rin ang mukha sa dibdib nito. Dinig na dinig niya ang kabog ng puso nito.

"Promise me, you'll stay with me whatever happens."

Nag-isang linya ang kanyang kilay.

"Promise me, Love."

Iniangat niya ang mukha, sinalubong naman siya nito ng tingin. "May problema ba?"

Marahan itong ngumiti sa kanya. "Nothing." hinalikan nito ang noo niya.

"Marcos..." mahinang wika niya bago umupo sa kama. Tinatakpan niya ng bedsheets ang dibdib. "... bakit mo nasabi 'yun?"

Bumangon rin ito at naupo sa kama. "Just promise me, you'll stay with me." hinaplos ni Marcos ang kanyang pisngi.

Batid ni Tasha na hindi ito magsasabi ng totoo sa kanya.

"Okay! Pero sa isang kondisyon."

May munting ngiting nakapaskil sa labi nito bago idinikit ang ilong sa kanyang pisngi. Marahan nitong ikiniskis ang tungki ng ilong nito sa pisngi niya.

"Ang hilig mo sa ganyan." puna niya. Mahinang tawa lang ang isinagot nito sa kanya.

"What is it?" hinapit siya nito sa kanyang baywang, padikit sa hubad nitong katawan.

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon