Capítulo Diecisiete

3.4K 60 5
                                    

MAGTATATLONG linggo nang pilit niyang iniiwasan si Marcos. Kahit ang makatitigan ito ay talagang todo iwas siya.

Tama lang naman naman ang ginagawa niya, iyon ang sinasabi niya sa sarili. Subalit, traydor ang kanyang puso. Kahit anong pigil niya ay hinahanap-hanap pa rin nito ang presensiya ni Marcos.


"Oh? Ano naman 'yang mukhang 'yan?" wika ni Khai, ng mapansing nakatulala na naman siya sa kawalan.

Nasa boardinghouse nila ito ngayon, mag-k-kdrama marathon para raw maalis sa isipan niya si Marcos-na sa tingin niya ay parang wala ring silbi. Nakasalampak silang tatlo sa sahig na nilatagan ng makapal na comforter.

"Kuuh! Si Complicated na naman 'yan!" wika naman ni Mj na lumalamon ng chichirya habang nakaharap sa laptop. "Hindi tinablan ng finger heart ni Park Bo Gum."

Naiinis na umismid si Tasha. "Tigilan niyo nga ako!"

"Friend... Sinabi ko naman sa'yo kausapin mo ulit si Sir. Hindi iyong nagmumokmok kang parang pinagtaksilang girlfriend d'yan! Aray!" binatukan ito ni Mj.

"Isa ka pang malantod, e. Bakit mo ba kinukunsinti 'yang kaibigan mo? Dapat nga pinapagalitan mo mo 'yan sa katangahan niya!" nakasimangot namang kakamot-kamot ng ulo si Khaireen. "Kuuh! Kayong dalawa, ang sarap niyang pag-untugin!"

Parehas naman silang nakasimangot at hindi umimik ng kaibigan. Kung sasabat sila ay mas lalo lang magmamaldita si Mj. Sa maigkling panahon ay kilala na nila ito kapag naninermon.

Tumayo ito at pumuntang mesa, nagsalin ng maiinom. "Kung hindi niya kayang bumitaw du'n sa isa, h'wag ka ng makisawsaw pa. Kung gusto ka naman pala niya, bakit hindi niya pa rin binibitawan 'yung isa? Ibig sabihin lang nu'n, may nararamdaman pa talaga siya du'n!" wika nito na nakatingin sa kanya, bago uminom ng tubig.

"Malay nga natin Ate Emz, kung may dahilan naman 'yung tao kaya hindi pa mabitaw-bitawan iyong isa, 'di ba?" singit naman ni Khaireen.

"Alam mo, ikaw ang isang example ng matalino pero bobita pagdating sa pag-ibig!" singhal nito sa kaibigan.

Ngumuso naman si Khaireen sa sinabi nito.

"I'm telling you, Tasha. Walang patutunguhan ang ginagawa niyo ni Complicated kung hindi pa rin siya nakabitiw du'n sa isa. Kaya kung ayaw mong masaktan, itigil mo na 'yan... Well, it's just my advice. Been there, done that... you know." sabi nito bago muling sumalampak sa comforter.

Mga ilang sandaling katahimikan ay nag-ring ang cellphone ni Tasha. Sabay silang tatlong napalingon sa ibabaw ng kama niya, doon kasi iyon nakapatong. Hindi pa man ay alam niya kung sino ang tumatawag. Sino pa nga bang nangungulit sa kanya sa nakaraang tatlong linggo? Kinabahan siya bigla.

Si Khai ang kumuha ng cellphone niya, para siyang nanigas sa kinauupuan.

"Tasha... " alam na niya ang tinging iyon.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi.

"Amina!" bulalas ni Mj. "Dapat sa lalaking 'to... pinapatayan." nanggigigil na pinatay nito ang phone niya.

"Ate Emz nama-"

"H'wag kang sumabat, Khaireen!" pinandilatan nito ng mata ang kaibigan.

"Paano nga sila magkakaunawaan niyan?! Kakainis ka naman, e."

Kahit siya ay nainis sa ginawa ni Mj. May parte rin sa kanyang tama lang ang ginawa nito, pinipigalan lang nitong tuluyan siyang masira dahil sa karupukan niya.

"Aba't isa't kalahating marupok ka rin 'no?... You should be the one concern of your bestfriend's feeling tapos ikaw 'tong mas marupok pa pala?"

Parang tutang yumuko si Khaireen.
"E... Ayoko lang namang pigilan ang magiging lovelife ni Tasha." mahinang saad nito.

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon