Capítulo Treinta y uno

2.2K 38 0
                                    

NGUMUNGUYA SIYA SA burger na binili ni Marcos sa isang sikat na fast food nang basagin nito ang katahimikan.

"Sama ka sa'kin after exams." Tumaas ang kilay niya habang sumisimsim ng soft drinks na kasama sa binili nito.

"Gusto mo ba?" tanong nito bago sumubo ng fries. Magkaharap sila nitong naupo sa backseat, nilipat na rin nila ang pagkain at inumin na pinagigitnaan nilang dalawa. Nakapagbihis na rin silang parehas.

Nilunok niya ang natirang nginuya. "Saan?"

"Gusto kang makilala ni Mamala," he answered  that made her stunned.

Hanggang sa inihatid na siya nito sa harap ng boarding house niya ay tuliro siya. Nagpasalamat na lang siya ng lihim nang hindi ito nagtanong kung bakit siya biglang nagkagano'n.

"Love," agaw nito sa atensiyon niya.

"Hmm?"

"Ayos ka lang?" Tumango siya bilang sagot kahit hindi naman nito nakikita.

Hindi rin niya alam bakit siya biglang kinabahan base naman sa mga kuwento nito sa kan'ya mukha namang mabait at maunawain ang abuela. Hindi naman ang mga magulang nito ang gusto siyang makilala kundi ang abuela lang nito. Mas kakabahan siguro siya kapag ang ina ng kasintahan ang gusto siyang makilala.

She heard him let out an audible sighed. "Kinakabahan ka na naman ba?"

Nakagat niya ang labi. Wala pa siyang tulog magmula kagabi. Makatulog man siya ay sobrang babaw niyon hanggang sa maisipan niyang magreview na lang. Ngunit wala rin siyang naiintindihan sa binabasa kaya itinigil niya na at maagang naligo.

"Don't be, love. Hindi ka naman bibigyan nu'n ng sampung milyon para layuan ako, " tatawa-tawa pa nitong biro sa kabilang linya.

"Ewan ko sa'yo! Hindi nakakatawa." Salubong ang kan'yang kilay.

"At kung mangyayari man 'yun, papayag ako, 'no. Who-you ka na agad sa'kin!" dugtong pa niya na mas ikinalakas ng tawa nito.

Umayos siya ng upo kama nang lumabas sa banyo si MJ, nakalapag naman ang mga reviewers niya sa kobre kama.

"Kay-aga-aga tawagan agad. Parang hindi nagkita kagabi, a." Pinusod nito ang basang buhok gamit ang tuwalya. "Nagre-review pa  'yan, Marcos, uy! Maawa ka, tumigil ka sa kahayukan mo! Baka mamaya niyan mag-SOP pa kayo!" singhal nitong sabi na pinaparinig talaga sa binata.

Tawa lang ang sinagot ng binata sa kabilang linya. "Gawain siguro nila ni Jake," anito na parang binulong sa kan'ya, kinagat niya ang dila para pigilan ang namumuong pagtawa.

"Tumahimik ka nga muna," mahina niyang saad. Hindi ito nagsalita pero may narinig siyang may nagbulungan sa kabilang linya, waring nag-uusap na nagbabangayan.

"Kayo ng mga kaibigan mo, ang sasarap pag-untugin! Pagbira nang bira, ang tatapang! Pero kapag obligasiyon na, ayun, putol ang buntot! Duduwag!" dugtong pa nito habang nagsusuklay ng basang buhok. "Makaalis na nga!"

Walang paa-paalam itong umalis at ibinagsak ang pinto. Nangiwi siya sa nakakabinging pagsara niyon. "May problema ba si ate MJ at Jake?" tanong niya sa kasintahang wala ring imik pero narinig niya paminsan-minsan ang bungisngis na ikinataka niya dahil hindi iyon kay Marcos.

"Hayaan mo sila—"

"Thanks, brod!" Tumaas ang kilay niya sa boses na iyon. Sigurado siyang boses iyon ni Jake.

"Nand'yan si Jake?!" taas-kilay niyang tanong.

Malalim na buntong-hininga ang narinig niya. "I want you here, love."

Nagbukas-sara ang bibig niya. Kakakita lang nila kagabi! Hindi na nga siya makapag-rewiew nang maayos dahil bukod sa kabado siya sa paghaharap nila ng abuela nito, nangangalay pa ang hita at binti niya. Baka hindi pa nag-uumpisa ang exam week ay baldado na siya!

"Magre-review pa ako," labas sa ilong niyang sagot.

He snorted, like he's saying that it's a lame excuse. "Makakapagreview ka naman dito, e. Tutulungan pa kita."

"Ayoko nga!" mariing niyang tanggi. "Ibang review ang mangyayari kapag magkasama tayo."

"Promise, love. Review lang," he assure. "Please?"

Bakit ba ang rupok niya kapag nagpi-please ito?

TRUE TO HIS WORDS, review lang talaga ang ginawa nila buong weekend na nasa bahay siya ni Marcos. Paminsan-minsang nanglalambing at nanghahalik pero hindi umaabot sa puntong magniniig sila.

Marahil busy at naka-focus silang pareho sa  kan'ya-kan'yang ginagawa. Hindi siya nito pinapunta sa library na nagsilbing opisina nito. Ang dahilan? Hindi raw ito makapag-focus sa ginagawa kung laging nakalantad ang hita niya sa harapan nito. She used to wear short shorts and an oversized shirts. Minsan nga ay wala pang bra kaya lantarang tinataboy siya nito. Natatawa na lang siya, hindi niya alam kung anong mayro'n sa hita at leeg niya. Kahinaan daw iyon ng kasintahan. Hindi naman gaanong kagandahan ang legs niya. Sapat lang din ang kinis at hindi naman siya gaanong maputi kaya siya nagtataka.

Napaigtad siya nang may pumulupot na braso sa tiyan niya mula sa likod, ibinaon pa ang ulo sa leeg niya. Sumamyo sa ilong niya ang mabangong amoy ni Marcos kaya siya napapikit, ninamnam ang amoy nito. Napatigil siya pagbabalot ng baon nila at pinakiramdaman ang binata.

"Let's have lunch together later. H'wag mo 'kong i-indiyanin. Ibabagsak talaga kita." Mahinang natawa siya sinabi nito, napamulat na rin siya ng mga mata at hinarap ang kasintahan.

Dinampian niya ng halik ang tungki ng ilong nito. "Yes, sir!" nakangiti pang aniya.

Malamlam ang mga mata nitong tumitig sa mga mata niya. Napasinghap siya nang buhatin siya nito at ipinatong sa dining table. Kahit mataas ang mesa halos magkapantay pa rin sila.

"Anong height mo?" wala sa sariling tanong niya.

His eyebrows frowned but answered, "Six-one, bakit?"

Umiling siya. Alam naman niyang matangkad ito subalit nabigla pa rin siya. Kung six footer na si Marcos, paano pa kaya si Hezekiah? Sa lahat ng kaibigan ng binata na nakilala niya, si Hez ang nakita niyang pinakamatangkad.

"Si Hez?" hindi niya mapigilang itanong. She tight-lipped when he stare at her with a deadly eyes. Gumalaw-galaw pa ang panga na parang iigkas.

"Hindi ko alam," kimkim ang ngiping anito. "Bakit? Mas gusto mo ba ang mga kasing height ni Hezekiah?"

"Hindi, a!" she gestured her hands like she's telling it's a not what he think it is. "Napansin ko lang kasi, siya 'yung pinakamatangkad sa inyong lahat. K-kaya ko natanong."

Marcos made a facial expression like he's convinced. "Hindi mo pa nga pala nakikita si Frank at Max."

"Si Frank iyong tinatawag ninyong Master, 'di ba?"

Tango lang isinagot nito bago itinukod ang mga kamay sa mesa, napapagitnaan nito ang katawan niya. "And Max. Busy sa pamilya niya kaya hindi masyadong nakakasama. Soon, you'll meet them."

Tango na lang din ang isinagot niya bago nilamon ng malalim na pag-iisip.

Soon. Ibig sabihin, gusto nitong makilala niya ang iba pang ang mga kaibigan nito? Ibig din ba nitong sabihin, gusto pa nito na mas lumalim pa ang relasiyong maryoon sila?

Ipapakila ka nga sa lola, 'di ba? Sa mga kaibigan pa kaya?, aniya sa isipan.

"Love?"

"Po?" napamulagat na aniya.

Her eyes immediately glance to his ears, namumula iyon na parang nagba-blush.
"Ba't namumula ang tainga mo?"

"Nothing," he pant before planting soft kisses on her lips.

"Marcos."

"Po?" May ngiting sumilay sa kan'yang mga labi dahil sa sinabi nito. Napagtanto niya ang dahilan kaya namumula ang tainga nito kanina dahil ganu'n rin ang naramdaman niya.

Bumaba na ang mga labi nito sa leeg niya, sumisinghot na naman doon.

"Ipapakilala mo rin ba ako sa parents mo—ay!" napatili siya nang mariin nitong kinagat ang balat ng leeg niya.

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon