Capítulo Veintidós

2.6K 55 3
                                    

ALAS NUEBE y medya na ng umaga matapos silang kumaing dalawa. Alas diez ng balikan sila ni Jeff sa kwarto para kompirmahing pwede ng lumabas kinabukasan ang binata. Pagkalabas ni Jeff ay siya namang tayo niya sa visitor's chair.

Lumapit siya sa binata at inayos ng kaunti ang higaan nito. "Aalis muna ako." paalam niya rito.

"What?" kunot ang noong tanong ng binata sa kanya.

"May pasok ako ng alas-onse."

Salubong pa rin ang kilay ni Marcos. "Who will look after me?"

Siya naman ang napasalubong ng kilay. "Anong gusto mong gawin ko? Hatiin 'yung katawan ko?" sarcastiko niyang tanong. "Marcos, baka nakakalimutan mo, estudyante ako. Kahit pa sabihing 'di ako katalinuhan pero kailangan ko pa ring um-attend sa klase ko 'no." dugtong niya ng mapansing nawala ata sa mood ang binata.

"That's not what I meant. What I mean is,.." tigil nito na parang hinahanap pa ang mga salitang dapat sabihin nito. "Can't you at least consider my situation, right now?" he look at her with plea in his eyes. "May pilay at sugat ako. Paano kung gusto kong magbanyo? God, Tash! I haven't even take a shower!"

Tumaas ang isang kilay niya. May pilay at sugat pero nagawa mo ngang makipagbakbakan kagabi!

"Marcos, please! It's wasn't the time for you to act like a child! You have to consider me too!" her voice raise a bit.

"You think, I'm childish?" he scoffed. Couldn't believe to what she said.

"No! I'm sorry." napabuga siya ng kaunti.  "You can call your parents or your friends, you know?"

Matalim naman ang tinging iginawad sa kanya ni Marcos. "I don't want them. I don't want anybody. It's you who I only want here!"

"Marcos naman... hindi naman pwedeng gano'n. May buhay rin naman ako."

"Fine. Go! Leave me here. Parang hindi ka naman na talaga mapipigilan, e." palatak pa ng binata saka ito humiga patalikod sa kanya. "Go!"

Here we go again. Tuwing nagtatalo sila ay daig pa nila ang mag-asawa.

She frustratingly brush her hair. "Hindi naman kita pwedeng iwan na ganyan ka...  na galit ka!"

"Who said I'm mad?" sarcasm written in his voice.

"The last time na nag-usap tayo nang hindi maganda,.. ayan! Na-aksidente ka!"

She could still remember the nervousness she felt ng malamang na-aksidente ito. She doesn't want to feel the feeling of fear and worry, thinking what might have happened to him!

He didn't make a sound. Nanatili lamang itong nakahiga at ayaw pa rin siyang harapin. Hinila niya ang upuan at umupo ru'n.  "Babalik naman ako mamaya e." suyo pa niya rito kahit pa nakatalikod ito.

"What time will you come back?" sa wakas ay sagot nito.

"Pagkatapos ng gig ko." she answered.

"Anong oras 'yun?"

"Nine in the eveni–"

"Make it seven." he cut her off.

"Marcos, six-thirty nagsta-start 'yung gig ko." mariin niyang ipinikit ang mata sa ka-artehan nito.

"Edi 'wag ka na lang pumunta. Wasn't my situation enough a valid reason para um-absent ka?"

"Hindi naman 'yun e." rason pa niya.

Mabilis itong humarap sa kanya. "Then what?"

Nahilot naman niya ang sentido. "Walang papalit sa'kin. Nakakahiyang ngayon pa ako magpa-paalam kay miss Zither."

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon