Capítulo Treinta y cuatro

1.9K 34 0
                                    

BLAD'S NOTE: I'm not quite sure if I've mentioned Nikkolo (Tasha's crush) surname  or full name from the previous chapters! Tell me if I did! Thank you in advance! 💙

IT WAS Nikkolo Jan Herez. Her first crush!

Anong ginagawa nito rito?!

Agad na lumipad ang tingin nito sa kaniya. Wala iyong bahid ng pagtataka, ni gulat nga ay wala!

"Oh, the second favorite is here!" ani ng kambal.

Nikko passed on to them. Nagmano ito sa abuela'ng malawak ang ngiti. "NJ, híjo. You're looking good, apo." Nakangiti nitong pinasadahan ang apo mula ulo hanggang paa.

Namula naman ang pisngi nito bago napakamot sa batok.

"Hindi naman, ho, mamala," he said like a mousy boy.

Hindi niya alam na tutok na tutok ang mga mata niya sa binata. He's really cute, blushing like a teenage boy. Lumabas pa ang dimple nito sa kanang pisngi.

Tikhim ni Marcos ang nakapagpabalik sa kaniya sa pagkakamaang.

"Kuya Marcos." It was Nikko. Kaagad na bumaling ang tingin nito sa kaniya. "Tasha, right?"

Tumango siya bilang sagot. "It was Natasha for you, NJ."

Hindi pa rin napalis ang ngiti nito. "You're Khai's bestfriend, right?"

"Yes." Si Marcos ang sumagot para sa kaniya. "And you may sit now and join us for breakfast."

Lumapat ang palad nito sa tiyan."Busog pa ako kuya, e. Kumain na kasi ako on the way here." Binalingan nito ng tingin ang abuela. "Gusto ko sanang maglibot-libot kasama si Mamala." Kinindatan pa nito ang abuela.

Parang namang teenager na ngumiti ang abuela. "Makakapaghintay ka ba, NJ? Maliligo muna ako pagkatapos kumain."

"Sure, mamala! Akyat na po muna ako sa kuwarto."

Nakasunod pa rin ang tingin niya rito hanggang sa makaakyat na ito. Nang magtama ang tingin nila ng kasintahan ay hindi maipinta ang mukha nito.

"Someone's jealous, Mamala!" Malakas na tumawa ang kaharap niya.

"Kier, tulungan mo akong umakyat," sabad ni donya Maritta pagkatapos magpunas ng labi nito.

"At your service, Mamala!"

Nang mapag-isa na lang sila ng Marcos saka ito nagsalita. "Stop ogling, Natasha Gail," diin na wika nito.

"What?" taka niyang tanong.

Masama ang tingin nitong ipinukol sa kaniya. "Halos maglaway ka kakatitig mo kay Nikkolo."

Inosenteng ngumisi siya. "Can't help it. He's adorable. And—"

"He's your crush."

Namilog ang mga mata niya. "How did you know about that?"

Binatawan nito ang kubyertos at handa ng umalis. "I overheard you and your bestfriend talking about him." Iniwan siya nito sa hapagkainan.

Kaagad niyang sinundan ang binata, lumabas ito sa likod na bahagi ng mansiyon . Sinundan niya ito nang sinundan hanggang sa pumasok ito sa isang open type na nipa hut at naupo sa kawayang upuan habang nakatanaw sa mga taong dumaraan sa hindi kalayuan. May ibang kumakaway kapag nakikita ang kasintahan na kinakawayan din naman nito pabalik. Natilihan siya nang hilain siya nito paupo sa kandungan nito, akma kasi siyang uupo sa tabi ni Marcos.

Yumapos ang mga bisig nito sa kaniyang baywang pagkatapos ay idinantay ang baba nito sa balikat niya.

"Never look at other guys how you look at me, love," mahinahong wika nito.

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon