Capítulo Once

4.6K 72 2
                                    

MAS MAAGANG nagising si Tasha kinabukasan. Nakapulupot sa kanyang katawan ang mga bisig ni Marcos. She turned her gaze to Marcos' face sleeping peacefully next to her. Kalmado ang mukha nito, napakasarap pagmasdan. Parang wala na ang sakit na iniinda kagabi. Hinawakan niya ang sentido nito, tama nga siya. Hindi na ito mainit.

She slowly removed his arms. Nang hindi ito magising ay dahan-dahan siyang bumaba ng kama. Dahan-dahan lang rin ang kilos at galaw niya papuntang comfort room.

Pagkabalik, nakita niyang nakatihaya na ito. Nakapikit pa rin pero nakapatong ang kaliwang braso nito sa pagitan ng noo at mata. Nang maramdam nito ang mga yabag niya ay iminulat nito ang kanang mata.

Nakangiti siyang dahan-dahang lumapit sa nakahiga pa ring si Marcos, nakasunod naman ang tingin nito sa kanya. Kung noo'y naiilang siya kapag nakatitig ito sa kanya, ngayon ay wala na. Ah hindi, kaunti pa pala kapag nakakaloko itong ngumingiti kapag nakatingin sa kanya.

"Ayos na ba'ng pakiramdam mo?" tanong niya ng dahan-dahan makalapit dito at makaupo sa gilid ng kama.

Inalis ni Marcos ang braso sa noo. Patagilid itong humiga nang hindi inaalis ang tingin sa mukha niya.  "Good morning, love."nakangiti nitong sabi sa paos at mababang tono.

Napakasarap niyon sa tainga. Nakagat niya ang ibabang labi dahil sa biglang pagbilis ng kabog ng puso niya. "G-good morning rin."

Tinapik nito ang espasyo ng kama na hinigaan niya. "Higa ka ulit."

Marahan siyang tumawa. "Bakit ba?"

"Please?" he's giving her that looks again.

Bahagyang naitirik niya ang mata bago humiga ulit. Marcos pulled the covers on for the both of them. His arm wrapped around her waist as he pulled her closer to him. Marcos buried his face in her chest while her chin rested on his head.

Ilang sandali rin silang nagtagal sa gano'n.

"Hindi na ba masakit ang ulo mo?" tanong niya rito habang sinusuklay-suklay niya ang buhok nito gamit ang  mga daliri niya.

Umangat ito ng tingin sa kanya. "If I'mma say that I feel better now. Would you make love to me?"

Inirapan niya ito. "Akala ko ba nag-usap tayong next week na?"

"Yeah. But I can't help it whenever you were this close to me." he bit his lip, looking at her lips.

Namumula si Tasha na umiwas ng tingin sa binata."Tss. Tama na nga. Bumangon na tayo." pilit niyang kinalas ang kamay ni Marcos na nakapulupot sa kanya ngunit hindi siya hinayaan ng binata. Kinubabawan siya nito.

"Isang round lang, love. Please?" sumamo nito.

Pinanliitan niya ito ng mata. "Not gonna happen." wika niya bago pilit na umalis sa bisig nito.

"Okay-okay. Just a kiss then! Torrid."

Napasinghap naman si Tasha sa kapursigiduruhan ni Marcos.

"Alam mo, Marcos—"

"Come on, Tash. It's just a kiss!"

Sandali niyang tinapunan ito ng nakakamatay na tingin. "Fine." napabuga na lang ng hangin na sumusuko si Tasha.

Nakakaloko siyang tinitigan ni Marcos. "Masyado mo akong tinatakam." before she could say anything Marcos pressed his lips against her. His soft lips covered hers  in a passionate kiss. He reluctantly kissed him back. A soft moan escape from her lips as he bit her lower lip and his tongue inserted at her mouth. Before she could even response, he pulled away. She gave him a confusable look.

Marcos grinned. "Ngayon alam mo na kung paano ang pakiramdam nang tinatakam?" He raised an eyebrow at her, smirking.

Pinaikot ni Tasha ang mga mata sa inis. "Ikaw itong nagpupumilit diyan tapos isisisi mo sa akin?"

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon