Capítulo Veinte

3.5K 65 0
                                    



HIYANG-HIYA siyang dahan-dahang humakbang palabas ng pinto ng cr, samantalang ang damuhong inaalalayan niya sa paglakad ay waring biyernes santo ang pagmumukha.

Nakaabang at naghihintay naman sa labas ang isang nurse at doctor, na kilala niyang kaibigan ni Marcos. Nakita na niya ito sa kasal nina Samantha at Rigo.

Nakangisi at may nakaka-asar na ngiti sa mga labi nito na nagpapalit-palit ng tingin sa kanila ng binata. Ang nurse nama'y pigil rin ang tawa na nakatayo sa gilid ng hospital bed.

Lord, pwede bang bumuka ang lupa at kainin na ako?.

"Bilib din naman talaga ako sa 'yo,  brod." pambu-buwisit pa nito, habang lumalapit sa kanila at inalalayan rin sa paglalakad ang kaibigan. Walang imik at hiyang-hiya pa ring pumagilid siya.

Nakita niyang bumusangot ang pagmumukha ni Marcos. "Tangina kang hayop ka!" nangagalaiting wika pa nito sa kaibigan.

Tawa naman ang iginanti ni Jeff kay Marcos habang inalalayan ito sa pag-upo sa kama.

"Na-aksidente ka na't lahat... put–ngina! Ang libog mo pa rin!"

"Put-ngina ka, Oquias! You'll pay for this. Mark my words, you fvcktard!" Marcos bluntly said.

Natawa naman ng malakas ang huli. "Gago mo! Sana pala pinalagyan ko ng CCTV camera itong buong ospital. 'Di sana may pagpi-piyestahan na naman ang mga mokong! Adik pa naman sa porno 'yung mga gunggong!"

"Mamatay na kayong mga put-nginang n'yo! Bakit ba ang hilig n'yo 'kong piyestahang mga gago kayo?!"

"Kasalan mo rin naman e. Kung hindi ka ba naman pikonin."

"Tanginang mga gago!" mahinang usal ni Marcos.

Gusto ng mahilo ni Tasha, sa mga lumalabas sa mga bibig ng mga lalaking 'to! Naturingang mga professionals pero napakadumi ng lumalabas sa mga bibig!

Ang nurse namang busy sa swero ng binata ay parang binging walang narinig. Sanay na rin siguro sa bunganga ng doctor.

"Hindi pa nga gumagaling ang mga sugat mo... bumabanat ka na naman!" tatawa-tawang binalingan siya ng lalaki. "Masyado ka naman sigurong nagpa-miss dito, Tash. Masamang dina-diet 'to e'!"

Kung nag-e-exist lang ang teleportation, ginawa na ni Tasha. Gusto na niyang mahimatay na lang sa hiya.

"Just do what you have to do, Oquias! Then, get fvcking lost!"

"Oo na, oo na! Masyado ka talang impatient, Evangelista." naiiling na wika nito habang hinahatak ang stethoscope nitong nakasabit sa leeg.

Ngingiti-ngiti pa ring inasikaso nito si Marcos.

"Itikom mo ang bibig mo, Oquias. Kung ayaw mong bigwasan kita d'yan!" pikon pang banta sa kaibigan na ikinatawa lang nito ng malakas.

"LOVE... Ahh..." mahinang ungol ni Marcos habang dahan-dahan siyang tumataas baba sa kandungan nito.

Alas-dose y medya na ng hatinggabi at heto silang dalawa, walang patid at tigil na naglalangoy sa kamunduhan. Pagod na pagod na siya. Nakakailan na ba siya simula ng kalabitin siya nito sa gitna ng kanyang pagtulog? Samantalang ang lalaki ay hindi man lang nakakaisa!

"Ahh! Put-ngina ang sarap!" mahigpit pa siyang hinawakan sa beywang at inalalayan siya sa pagtaas-baba.

Napahawak naman siya sa railings ng hospital bed at bahagyang tumingala.

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon