Capítulo Dieciocho

3.3K 65 9
                                    


KINALUNESAN.

"OY, GIRLS... nabalitaan n'yo na ba ang nangyari kay Sir Marcos?"

Nagpanting ang tainga ni Tasha sa narinig na pangalan.

"Na-aksidente pala siya nu'ng Friday night kaya hindi siya nakapasok kaninang umaga."

Tinapunan siya ng tingin ni Khaireen. Friday night nang huling makausap niya ang binata!

"B-bakit ba daw siya na-aksidente?" si Khai.

Umupo ito sa harap nila, sa itaas mismo ng armchair ni Khai.
"Hayy... Lasing raw kasing nag-drive. Nabangga sa puno iyong kotse niya. Naku! Alam mo sana, okay lang siya 'no? Sana naman hindi napuruhan iyong face niya. Ay! kahit naman mapuruhan iyong face, guwapo pa rin naman siya, e. Mamahalin ko pa rin siya kahit gano'n!" parang kinikiliting wika nito.

"E.. nasaan na ba daw siya ngayon?" hindi makatiis na tanong niya.

"Hmm, he's still in the hospital. Maybe the day after tomorrow uuwi na rin siya." sagot naman nito.

"PUPUNTAHAN mo nga?" ngumunguya pang tanong sa kanya ni Khaireen habang naglalakad sila dalawa papuntang restobar.

May kinakain itong isaw. Siya naman ay betamax.

"Eh .... Sisilipin ko lang naman. Hindi naman ako magtatagal." nilunok niya ang nginunguya. "saka malay ko ba, baka nando'n 'yung ex-girlfriend niya 'no!"

"Sus. Ang sabihin mo nag-aalala ka." sikmat nito.

"Kaya ko nga sisilipin, 'di ba?"

Tinaasan siya nito ng kilay habang kumagat sa isaw na nasa stick. "Sisilipin lang ba talaga?" intregerang tanong pa nito.


"Oo!" singhal niya. "Saka nakaka-konsiyensiya kaya... hindi naman sa nag-a-assume ako pero friday night nang huli kaming mag-usap. Baka alam mo na..."

"Talagang naisip mo 'yun ha!" tumatawa nitong wika.

"Hindi ko naman sinabing gano'n yun e."

"Pero para mo na ring ki-non-clude!"

Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan. "Alam mo, ikaw napaka-judgmental mo talaga!"

"Hindi naman kasi lingid sa'kin ang karupukan mo pagdating kay Sir Marcos, friend." tumawa pa ito ng patuya. Kita niya tuloy ang nginunguya nito.

"Ewan ko sa'yo!" naiinis siyang naunang naglakad.

MATAPOS itanong sa nurse station kung anong room naroon si Marcos, mabilis niyang tinungo 'yun, kulang na lang e, liparin niya ang kuwarto nito!

Subalit, nang nasa pintuan naman siya ay parang tinubuan siya ng isa pang ulo. Ang isa ay nagsasabing buksan na niya at ang isa ay nagdadalawang-isip pa.

Paano kung naroon ang ex-girlfriend nito? O kaya isa sa mga kamag-anak? Kaibigan? Siguradong magtataka ang mga ito.

Pwede mo namang sabihing nagkamali ka lang ng pinasukan, 'di ba?

Tama.

Marahan at nangangatog pang pinihit niya ang siradura ng pintuan, sumilip sa loob kung may tao ba. Nang makitang wala namang nakitang nakaupo sa visitor's chair ay pumasok na siya.

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon