Capítulo Veintiséis

2.1K 44 2
                                    

NAPAHIGPIT ANG pagkakahawak ni Natasha Gail sa naalalang usapan nila ni miss Zither.

"How about one more week? Hindi talaga p'wede?"

Malalim siyang humugot ng hininga saka tumipa ng ire-reply kay Marcos. Nagpupuyos siya sa inis dahil magpahanggang sa oras na 'yun hindi alam ni Marcos ang nalaman niyang ginawa nito.

"NO. SORRY, BUT I THINK TWO WEEKS IS ENOUGH."

All caps na reply niya saka ito tinapunan ng tingin. Prenteng nakaupo ito sa harapan at kunot ang noong nakatutok ang mga mata sa hawak na cellphone gamit ang kanang kamay. Nang mabasa ang reply niya saka ulit ito tumipa, umiwas siya ng tingin ng pasulyap siya nitong tinapunan ng tingin.

Seconds later she felt her phone vibrates, she secretly viewed it.

"Hindi pa magaling ang mga sugat ko." He sent it with a puppy eyes emoji.

Tasha bit her tongue inside her mouth, pinipigilang umalwas ang ngiti sa kanyang labi.

Sarap pektusan, aniya sa isipan.

Saan ba nito nalaman ang emoji'ng ginamit nito? Muling nag-vibrate ang kanyang cellphone, patago niya muling binasa iyon.
Nawala na rin sa isipan niya na naiinis siya sa lalaki.

"Hindi ka ba naaawa sa'kin, love?" Ginamit muli nito ang emoji.

Pigil pa rin ang ngiting magri-reply sana siya rito nang tumunog naman ang naka-set nitong alarm for them to know that the exam is over. Ibinulsa niya ang cellphone sa kanyang uniform skirt.

"Time is up. Pass your papers to the front quietly, bring your bags and go out," he said while standing up and leaning his body towards the white board.

Isa-isa namang nagsipagtayuan ang mga kaklase niya.

Diretso lang ang tingin nito sa kanya, tumayo na rin siya at hindi rin inaalis ang tingin sa binata na tila ba nanunukat. Walang kumukurap. Hawak ang exam papers niya at sukbit ang bag na naglakad siya hanggang sa harapan.

"I said, pass it silently," sita nito nang mag-umpisang mag-ingay ang mga kaklase niya ngunit ang mga mata nito ay sa kaniya pa rin nakatutok hanggang sa makalabas siya.

And as usual, huli na namang nagpasa si Khai. Hinintay niyang makalabas ang kaibigan sa gilid lamang ng pintuan ng classroom.

"Check your phone." Napakislot siya nang marinig ang boses ng binata sa gilid niya, mga isang talampakang layo sa kanya. He said it in a low tone enough for her to hear it.

Bitbit nito ang naka-rolyong exam papers nila habang nakapamulsa naman ang kaliwang kamay nito sa pantalong suot.
Then he walk passed to her. Agad naman niyang dinukot ang cellphone sa uniform skirt niya at in-unlock ito.

"See you in my office. Sabay na tayong kumain ng lunch."

Napataas ang kaliwang kilay niya. Anong lunch ba kakainin nila? Pilya niyang naisip.

Nang maramdaman ang presensiya ng kaibigan, ni-lock niya ulit ang cellphone at binulsa ito.

"Haaaay!" mahabang buntong-hininga ni Khai sabay inat kaunti ng katawan. "Nakaka-drain ng utak ang exam! 'Tapos maaalala mong mock exam pa lang 'yun. Argh!"

Inakbayan niya ito. "Reklamo ka nang reklamo, ikaw pa rin naman nakakakuha ng highest score lagi." Inaya na rin niya ito sa paglalakad.

"H'wag mo akong simulan Natasha Gail. Nakita ko mga tinginan n'yo ni sir Marcos kanin-"

Hindi nito natapos pa ang sasabihin nang pwersahan niyang tinakpan ang bibig nito para hindi na makapagsalita pa. Khai gave her a deadly stare while removing her hands.

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon