Capítulo Ocho

5.9K 75 2
                                    

SA IKALAWANG pagkakataon nakita na naman ni Tasha ang lungkot na iyon sa mga mata ni Marcos.

At sa ikalawang pagkakataon natigilan na naman siya. Bumalot ang pagtataka at kuryusidad sa kanya. Pakiramdam niya malalim ang dahilan niyon. Maraming dahilan kung bakit gusto siya nitong makasama. Hindi lang dahil sa masaya raw itong makasama siya, dama niyang mas may malalim at marami itong dahilan. He maybe found her as an escape from all of those.

"Tasha?" untag nito sa kanya. Hinawakan nito ang baba niya.

"Hindi ko alam." nahilot niya ang sentido.

"I promise, I'll be careful. Promise." hindi siya umimik. "Tash. Love, please?"

Mahina siyang umungol sa frustrasiyon. "Okay." labas sa ilong niyang sabi.

Subalit kahit na gano'n nakita niyang ngumiti ito. Napangiti na lang rin siya.

Simula ng magkasama sila, palagi na itong nakangiti. Hindi tulad noon na nabibili yata ang ngiti 'to.

"Basta mag-iingat tayong pareho." seryoso niyang sabi.

Mas lalong lumawak ang ngiti nito. "Promise." Yayakapin sana siya nito ngunit pinigilan niya ito malapad sa nitong dibdib.

"Maligo ka na." aniya.

Ngumisi Ito. "Sabay na tayo."

"Ayoko nga!" nanlalaki ang matang tanggi niya.

Malutong na tumawa ito. "C'mmon, love." yayakapin ulit sana siya nito pero umiwas siya.

Kinuha niya ang polo nitong nakasabit sa towel rack upang ibato kay Marcos. Sapol iyon sa mukha ng binata. Natatawang inalis ito ni Marcos.

"Neknek mo no!"

"Why? Nahihiya ka pa ba?" tuya nito sa kanya. "Magaling ako magsabon."

"Ewan ko sa'yo!" pinulot niya ang T-shirt at pajama niyang hinubad nito kanina.

"Makakatipid pa kayo sa tubig." pabirong sabi pa rin nito.

Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Okay lang na magbayad ako ng isang daang piso kaysa sa makasama kang maligo no!"sabi niya habang nagbibihis sa harap nito.

"Wala naman akong nakikitang masama kung maliligo tayo ng sabay, a. Unless, may naiisip kang iba." tinaas baba nito ang parehong kilay.

Nag-init ang pisngi niya. Ngali-ngali niyang batuhin ito ng pantalon nito. "Maligo ka na nga!" hiyaw niya saka mabilis na lumabas ng banyo.

Narinig pa niya ang malutong na tawa nito bago maisara ang pinto. Natawa na lang siya sa pinaggagawa't pinagsasabi niya sa binata.

WALA PANG labing-limang minuto ng lumabas ito ng banyo. Siya nama'y kakatapos lang maghugas ng pinagkainan niya't nagpalit ng bedsheets.

"Wala pa ba iyong roommate mo?" untag nito sa kanya.

"Wala pa. Next week pa darating iyon. First week of school pa lang naman." sagot niya habang naghahanap ng maisusuot sa kabinet niya.

"Tss. Mga estudyante talaga." wika nito habang tinutuyo ang basa nitong buhok. Naupo ito sa kama niya.

Tiningnan niya naman ito. Suot pa rin nito ang suot nito kaninang polo at pantalon. Nakita niyang basa ang bahagi ng tagiliran nito. Napakunot ang noo niya, naalaala niyang inihagis niya pala ito sa binata kanina. Nabasa siguro. Mabilis siyang kumuha ng pamalit nito sa kabinet niya. Mabuti na lang at mahilig siya sa maluluwang na T-shirts. Wish niya lang sana magkasya rito.

"Ikaw naman. Parang hindi ka naman dumaan sa pagiging estudyante." sabi niya habang lumalapit rito.

Inabot niya kay Marcos ang T-shirt. Naunawaan naman nito ang ibig niyang sabihin. Inabot rin nito ang T-shirt.

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon