Capítulo Trece

4K 55 0
                                    

NAKAKAKABA at nakakaintrigang titig agad na mukha ni Khai ang nabungaran niya pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa kwarto nito. Nakaupo ito sa gilid ng kama at nakapahalukipkip pa.

She glanced nervously to her. "Khai.."

"Okay! I know wala akong karapatan na manghimasok sa buhay mo... Pero, Tash... a-at least as a friend,.. gusto ko lang maliwanagan, okay?"

Marahan siyang ngumiti sa kaibigan. "Alam ko. Nakakabigla, 'di ba?"

"Yes!" nanlalaki ang matang wika nito at napatayo pa sa kama. "A-ang ibig kong sabihin.. p-paanong ikaw a-at si Sir Marcos..." marahan itong nagpakawala ng buntong-hininga nang hindi maituloy ang sasabihin.

"It's started last sem," nahihiyang siya napayuko. "Noong binagsak niya ako." nakagat ni Tasha ang labi at mariing pumikit nang maalala ang pagsisinungaling sa kaibigan.

"Ang akala ko ba, mali lang iyong in-encode niya?"

"I lied. Nasabi ko lang iyon kasi b-baka pandirihan mo ako. A-ang totoo talagang kapalit nang hindi niya pagbagsak sa'kin e ... 'y-yong katulad rin ng muntik mo ng makita k-kanina." iminulat niya ang mata ngunit kagat pa rin ang labi paliwanag niya.

Napasinghap ito. "Oh my God, Natasha Gail!" tutop ang bibig na sambit nito.

"I'm sorry, Khai. I'm sorry if I lied to you... Hindi naman sa hindi kita pinagkakatiwalaan... Nahihiya din kasi ako... dahil ... pumayag rin naman ako sa gusto niya, e." pupusta siyang sing-pula na ng kamatis na hinog ang mukha niya sa sinabi niyang iyon.

"Bakit ka pumayag?"

Natameme siya sa tanong nito. Bakit nga ba siya pumayag? Dahil ba no'ng gabing nagpunta siya sa bahay ng binata ay halos makita na niya itong hubad? Dahil nakakapanghina ang mga muscles nito? Dahil gusto niya? Dahil naku-curious siya? O baka kaya siya pumayag dahil noon pa man, alam niya sa sarili niyang may namumuo siyang atraksiyon para kay Marcos ngunit hindi niya lang maamin?

Posible nga ba?, anang maliit na isip sa utak niya.

"Hindi ko alam." wala sa loob niyang sambit.

Khaireen walks and stepped up to her. "Baka naman... may crush ka rin kay Sir Marcos noon pa? Pero si Nikko lang ang lagi mong sinasabi sa'king crush mo para kunwari hindi ka nga attracted kay Sir?" wika nito habang naglakad paikot sa kanya, nakapangalumbaba pa.

"Hindi ko nga alam, Khai." laglag ang mga balikat na wika niya nang sandaling tumigil ito sa harapan niya. "Ang nasa isip ko lang no'n, kailangan kong makapasa sa subject niya. Hindi ako pwedeng bumagsak ng gano'n-gano'n na lang kasi kung babagsak ako, kailangan ko na namang ulitin ang subject niya tapos... tapos may prerequisites pa. E papaano 'yun? Ine-expect na ni Mama na ga-graduate ako next year. Kaya pumayag ako sa deal niya."

" Na I'm sure hindi lang iisang beses ninyo ginawa." she said in a nuisance tone, raising an eyebrow at her.

Natigilan si Tasha sa sinabi ni Khaireen. Nag-init ang magkabilang pisngi. "Matanong lang kita... May nararamdaman ka na ba para sa kaniya?... Mahal mo na ba?"

Muli siyang hindi umimik sa tanong ni Khaireen. Alam niyang attracted siya kay Marcos. Pero ang sabihing, mahal na niya ito? Hindi niya alam.

"Alam mo, Tash. Aminin mo na kasi na attracted ka rin si Sir Marcos noon pa kaya ka pumayag na maulit-ulit ang nangyari sa inyo... O baka nga mas malalim pa." patuloy nito ng hindi siya nagsalita.

Malalim siyang suminghap ng hangin. "Sa totoo lang, Khai. Hindi ko talaga alam! Okay, aaminin ko attracted ako sa kanya o crush ko siya pero hindi ako sigurado na mahal ko na siya.... agad?" balisa niyang sabi. Naglakad siya patungo sa kama ni Khaireen at umupo roon. "Kung iisipin kasi mahigit dalawang buwan pa lang naman e. Hindi nga halos dalawang buwan iyon, e! Pagkatapos noong unang... m-may nangyari sa'min, wala na. This week na lang ulit kami nagkita at," she paused "..n-nangyari ulit iyon no'ng s-sa boardinghouse ko." kagat niya ang labing tumingin sa kaibigan.

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon