Capítulo Cuarenta y uno

1.8K 37 0
                                    

"NABABALIW KA NA ba, Marcos?!"

Mrs. Evangelista voice echoed around the house. Humihingal pa ang kan'yang ina matapos itong sumigaw. Galit itong pumunta ng bahay niya nang malaman nitong nagresign na siya sa university. His father knew about it already, hindi lang niya sinabi sa ina. Dahil alam niyang kokontra ito sa gagawin niya.

"Ganoon ka na ba kabaliw sa babaeng 'yun?" Napipilan siya. "Akala  mo hindi namin malalaman? Pinaglagpas ko na ang kalokohang pinaggagawa mo sa estudyante mong iyon. But not this one! Kahibangan na itong nangyayari sa'yo! All for that woman!"

Hindi siya nagsalita at nagpatuloy sa pagligpit ng mga gamit niya. Wala rin namang patutunguhan kung kokontrahin niya ang ina. Galit itong namaywang at palakad-lakad sa harap ng pinto ng kan'yang silid habang ang kan'yang ama ay nakatayo lamang doon habang nakamasid sa kanilang mag-ina.

"At pagkatapos anong balak mong gawin sa buhay mo, huh?! Uuwi ka ng hacienda? Magpapagamit ka sa abuela mo? Huh, jokes on you!" Sarcasm was in her voice.

Kung mayro'n man siyang hindi gusto sa ina maliban sa pagiging manipulative nito, iyon ang pagiging twisted nito.

"Isn't that what you want noon pa? Na sa'kin ibibigay ng Mamala ang lahat ng karapatan sa asyenda? Kaya n'yo nga ako iniwan noon asyenda, 'di ba?" Hindi niya na napigilan isumbat. Naputol na kasi nito ang pisi ng pasensiya niya.

Lumaki siya sa puder ng abuela't abuelo niya nu'ng nasa elementarya pa lamang siya hanggang mag-high school. Para raw umano kunin ang loob ng abuela't abuelo niya. Ngunit nang mamatay ang kan'yang abuelo at malabong maipasa agad sa kan'yang ama ang lahat ng karapatan sa asyenda dahil malakas pa naman ang kan'yang abuela, nagbago ang isip ng kan'yang ina, sumama ang loob nito at kinuha siya sa asyenda. Sa mga magulang niya, it's his mom who wear the pants for the family. Desisyon nito ang nasusunod at sunod lang nang sunod ang ama niya sa lahat ng gusto nito.

"Darling, huminahon ka muna," alo ng kan'yang ama.

"No, Marcelo! Kaya lumalaki ang ulo ng batang 'yan because of you! Pinagbibigyan mo kasi sa lahat ng bagay kaya, 'yan! Hindi na nakikinig."

He tightly close his eyes, pabagsak din niyang binitawan ang hawak na libro. "Ikaw ang hindi nakikinig, Mom! For once, listen to us! Hindi 'yung sarili mo lang ang pinapakinggan mo!"

"Marcos, anak. Please, h'wag mong sabayan," sumamo ng ama niya.

"No, Dad. This has to end. I had enough—"

"And I had enough with your bullshits too," putol ng kan'yang ina. Namumula na ang leeg nito sa galit. "First, you broke up with Mariemiel without letting us know. And now this? Magre-resign ka para lang sa babaeng 'yun! Lahat ng ito para sa estudyante mong 'yun?! Anong makukuha mo sa lahat ng ginagawa mong 'to? What, Marcos?"

"Love, mom. Love."

Natigilan ang kan'yang ina, nagbukas-sara rin ang labi na parang may gustong sabihin ngunit mas piniling mariing itikom iyon. Ang kan'yang ama naman ay nagulat din ngunit alam niyang hindi iyon kagaya ng kan'yang ina.

He frustratedly released a sigh and brushes his hair using his hands. "Why can't you just support me with everything I do? Bakit kailangan mong kontrahin lahat?"

Sakal na sakal na siya sa ina. He tried not to grimaced but he couldn't just hide it. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman niya. And a word from his mother was the last thing he wants. His mother's face firmed before she strode out of the room. Naisabunot na lamang niya ang buhok at mahinang napamura.

"Let her breathe, son," wika ng ama niyang nakalapit na pala sa kan'ya, tinapik pa ang balikat niya. "Ito ang unang beses na sumagot-sagot ka sa kan'ya. Hindi pa lang siguro niya napoproseso nang maayos."

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon