Capítulo Cuarenta

1.9K 31 0
                                    


"TITIRAHIN NA BA NATIN? Bilis na! Kating-kati na 'kong sumuntok, mga brod!"
Minsan, gusto na niyang puwersahang busalan ang bibig nitong si Bryle, panghabangbuhay na busalan.

"Just for a minute, Bryle, please, shut up!" pikon na niyang singhal. Hindi siya makapag-concentrate sa planong gagawin. Tinawagan niya ang mga ito sakaling may gawing kahangalan ang talunang Escolar na 'yun. Hindi naman lingid sa kan'yang may pagka-halang ang bituka nito. He needed back-up. Ngayon, sising-sisi siyang tinawagan niya ang mga gunggong na 'to.

"Tang-nang Escolar 'yan!" palatak ni Max. "Hindi pa rin ba siya nakaka-move on na ikaw ang naging summa sa batch n'yo at top notcher sa LEA? Sagad na talaga sa buto ang ka-insecure-an ng hayop na 'yan!"

"At sa dinami-dami pa nang gagawing back-up ng hayop na 'yan, grupo pa ng Douglas the aw-aw na 'yan!" Palatak na rin ni Rigo.

Marcos released a frustrated sigh. "Isang minuto lang! Tangina, manahimik kayo!"

The three shutted up... Marunong naman palang sumunod ang mga tarantado. Now, he have to think kung anong mas nararapat gawin. Ang sumugod na lang basta sa kuta ng numero uno at hindi madala-dala nilang karambulan mula pa college sila o ang mahinahong pumasok sa loob ng gusaling iyon. Kung kagustuhan lang niya ang masusunod, binalatan na niya ng buhay ang talunang Escolar na 'yun. But no. He have to think and consider the consequences. He have to think Tasha's safety.

"Tapos na ang isang minuto ko!" biglang hiyaw ni Bryle matapos ang ilang segundong pananahimik. He didn't pay attention to him. "Ano na, Marky baby?! Susugod na ba tayo?"

"Walang susugod, Bryle." Marahas na kinalas niya ang seatbelt. "Baka kalbuhin ako ni Tasha kapag umuwi akong may pasa."

"Hindi mo pa nga asawa, takot ka na," tuya nito. Isa-isa pa silang tinapunan ng masamang tinging tatlo.

Rigo and Max shrugged, like they're telling what-can-they-do. Pareho na kasing may asawa ang dalawa.  "Ano pa palang ginagawa ko rito? Sumama na lang sana ako kay Hez mag-racing! Tangina n'yong tatlo! Magsama-sama kayo, buwisit!" Pinukpok pa nito ng isang beses ang manibela ng kotse niya.

"You'll get it, Bryle. Once you find the one," Rigo said with a grin on his lips.

Umakto namang parang nandidiri ang loko. "Never in a million years!"

Max patted Bryle's shoulder. "H'wag magsalita ng tapos, brod. Baka kainin mo 'yang sinasabi mo."

"Gago! Paano ko kakainin kung in-ebak ko na?!"

"Eh di kainin mo ulit!" tatawa-tawang sabad na Rigo.

"Kadiri talaga ng pagkatao mong gago ka!"

Mariin niyang ipinikit ang mga mata at minasahe ang sentido. Ewan ba niya bakit ang tatlo pang 'to ang tinawagan niya. Kung kailan kailangan niya ng seryosong kausap at kasama saka naman busy ang iba nilang kaibigan. "Fucktards," Marcos whispered. He admit, these three make him calm despite the situation. He looked at his wristwatch. Two minutes before six.

Ipangako mo sa'kin na hindi ka gagawa ng bagay na makakasakit sa'yo.

Tasha's voice echoed inside his head.
Mukhang malabo, love. Naibulong na lang niya saka binuksan na ang passengers seat. "Let's go."

"A'right! Bring it on!"


"HEY, TASH!" Napaigtad si Tasha sa tawag sa kan'ya ni MJ. "Aba'y kanina pa ako nagsasalita rito. Hindi ka naman pala nakikinig!"

"Sorry," nakangiwing aniya. Paano'y nalamon na naman siya sa malalim na pag-iisip at pag-aalala.

"What is it? Kanina pa hindi mailarawan 'yang mukha mo. Kahit ako, hindi ko kayang ipinta 'yang mukha mo," anito na pinag-ekis pa ang mga braso.

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon