Prologue

207 16 91
                                    

[Date: December 22, 2019]

'Huwag na huwag mong tatakasan ang iyong kasaysayan dahil wala sa kasalukuyan— at mas lalo sa hinaharap—ang hinahanap mong kalutasan ng nagkahiwa-hiwalay mong pagkatao; tanging nasa lumipas na nakaraan lamang.' Bukod sa oportunidad na makita si Angelo, ang naalalang payo na iyon ni Rain ang isa pang nakapagpalakas ng loob ni Jorge na daluhan ang Grand Alumni Homecoming ng kanilang paaralan—nang mag-isa.

Napahawak siya sa kanyang dibdib na kumakabog na nang doble ang pusong nilalaman. Gaya pa rin ng turo ni Rain para mabawasan ang kaba, isang buntong hininga ang pinakawalan ni Jorge bago pumasok ng tarangkahan ng paaralan—hindi man niya kasama ang kaibigan, pero ang mga naitulong pa rin nito ang kahit papaano ay nakapagpakalma sa kanya.

"Kaya natin ito, Jorge." Nabigla sa mga salitang kusang lumabas sa kanyang bibig, napahinto si Jorge at napatanong sa sarili. "Natin? Bakit natin? Eh nag-iisa ka nga lang 'di ba? Kaya dapat 'Kaya mo iyan Jorge!' Hays! Nasanay lang siguro ako na palaging kasama si Rain."

"Jorge, kasama mo kami." Napatulala na lang si Jorge sa mga salitang kusa na namang lumabas sa kanyang bibig dahil sa pagkakataong iyon ay may ideya na siya sa pagsasalita niya ng wala sa kanyang loob—iyon ay dahil sa Psychological Condition na mayroon siya. "Huwag kang kabahan, kung kailangan mo ng tulong handa kaming rumesbak. Ipinaliwag na sa akin ni Rain ang lahat kaya naiintindihan ko na ngayon ang kalagayan natin. Salamat dahil matapang kang bumalik dito sa atin sa Nueva Ecija. Sana makita na talaga natin si Sir Angelo dahil gusto ko nang umuwi sa piling niya."

"Joyce?" Hindi makapaniwala si Jorge na nakaka-usap niya ang isa sa kanyang mga persona nang hindi siya nawawala sa sarili. "Tama ka Jorge. Ako nga."

"Paano? Paano itong nangyari? Na nakakausap kita?" Sa pangamba na baka may nakakakita at sa takot na baka mahusgahan habang kinakausap ang kanyang sarili, kinuha ni Jorge ang cellphone sa bulsa ng kanyang bag para magpanggap na may kinakausap lamang sa kabilang linya habang ipinagpatuloy ang paglalakad.

"Hindi ko rin alam ang kasagutan, Jorge. Siguro dahil pareho na nating nararamdaman na malapit na tayo sa pinapangarap nating happy ending." Paliwanag ng personang si Joyce na nakapagpangiti naman kay Jorge.

"Sana nga dumalo rin siya na ating book spine na siyang pinaniniwalaan kong magbubuklod sa atin upang maging isang buong libro muli tayo."

"Handa na kami Jorge, ikaw?" Hindi lang dahil nasa iisang katawan lang sila, ramdam din talaga ni Jorge ang pagkasabik ni Joyce at pati na rin ang iba pa niyang mga persona.

"Hindi lang handa, excited pa! Oh ano tara na?" Masiglang paanyaya ni Jorge na bahagya nang napawi ang nararamdamang kaba.

Sa halip na sa gymnasium dumiretso, kung saan nandoon ang nagsisimula nang programa, dinala si Jorge ng kanyang mga paa sa kabilang direksiyon—tila sa pagkakataong iyon ay hindi siya ang may kontrol sa mga iyon.

'Ito ang aming canteen na kung saan nilibre ako ni Sir Angelo dati ng paborito kong Choc Nut.' Umaalingawngaw sa isip ni Jorge ang pagkwekwento ng karakter na si Joyce na nagpamangha naman sa kanya—natutuwa lang siyang isipin na may umaalala rin ng mga alala niya noong nasa High School pa siya.

'Hay! Nako, calories na naman!' Nabigla si Jorge sa pagkontrang iyon ng isa pang tinig sa isip niya. Sa tono nito, ang pangalan ng Nutritionist- dietitian na si 'Bernadette' ng kanyang akdang 'Hanni and Ber' ang kanyang nasasaisip.

'Ber, kung paminsan-minsan lang naman at kayang-kaya namang i-burn, okay lang 'no.' Isang persona naman ang pumabor kay Joyce. Gaya din ni Bernadette na masasabing may nalalaman din pagdating sa usapang diyeta, iyon ay walang iba kung hindi ang pinakapaborito ni Jorge—ang beauty queen na si Patricia ng 'When Princess Pig Meets the Prince of the Prawn' at 'Ang Lechon at ang Hipon'.

Beyond The PagesWhere stories live. Discover now