Page 5

67 26 21
                                    

[Date: November 2, 2019]

Matapos makita ng doktor na maayos na ang kondisyon ni Jorge, pumayag na ito na makalabas na siya ng ospital at pagkalipas ng tanghali ay tuluyan na siyang na-discharge. Sa halip na sa condo ni Rain dumiretso para makapagpahinga pa nang ilang araw, dahil sa pagpupumilit ni Jorge na makauwi na sa Siyudad ng Taguig, walang nagawa si Rain kundi pumayag na sa terminal ng bus na sila ibaba ng taxi driver.

Pagdating sa terminal—dahil katatapos lang ng undas—kapansin-pansin ang pagdagsa ng mga paseherong tulad ni Jorge na Maynila rin ang destinasyon. Napatigil sa paglakad si Rain para tanungin muli si Jorge. "Jorge sigurado ka na ba talaga? Baka hindi mo pa kayanin ang biyahe? Bukas ka na lang lumuwas."

Napahinto rin si Jorge para harapin si Rain. "Rain salamat. Salamat sa lahat. Sabi ng doktor ok na ako 'di ba? Rain wala na akong panggastos! Pati nga ipon ko nagagalaw ko na kaya kailangan ko na talagang umuwi para tapusin ang 'Love at First Shot' na pinapaapura na sa akin ng Roseate Publishing. At para mabayaran na rin kita."

"Hay bahala ka!" Isang writer din si Rain kaya kahit papano ay nakakaunawa siya sa sitwasyon ni Jorge. "Huwag mo munang intindihin kung paano kang makakabayad sa akin kahit naman saka na 'yon."

"Basta kapag na-publish na ang 'Love at First Shot' promise babayaran kaagad kita." Paggarantiya ni Jorge na pilit kinukublihan ng ngiti ang hiyang nadarama. "Pero salamat muna ang maibibigay ko sa ngayon ha."

"Oh sige. Pero bago ka umalis—" baka sakaling mabago pa ni Rain ang isip ng kaibigan, naisipan niyang mag-aya muna sa isang convenient store na malapit sa terminal para makapag-usap pa sila, "—mag-7/11 muna tayo? Bumili muna tayo ng pagkain, sa haba ng pila riyan at sa tagal ng biyahe baka magutom ka."

"Uy, ok lang ako." Tugon ni Jorge na hindi na nakatuon ang paningin sa kausap. "Busog-pa-ako..."

"Anong ok?! Jorge nakikita mo ba ang mga pasahero, sa dami niyan baka hindi ka masakay kaagad tapos ilang oras pa ang biyahe? Anim! Kapag hindi ka pumayag hindi rin ako papayag na umalis ka!" Pagkatapos magbanta ay napalingon na rin si Rain sa direksyon kung saan naka-pako ang mga mata ni Jorge na halatang hindi nakikinig sa kanyang mga sinasabi. "Ano ba ang tinitignan mo? Jorge ha'yon ang mga pasehero na tinukoy ko, hindi riyan!"

Hindi pinansin ni Jorge si Rain, sa halip ay lumapit ito sa basurahan at dumampot ng isang berdeng rosas sa bouquet na nasa ibabaw niyon. "Uy tignan mo parang esmeraldang rosas lang ni Zelena oh."

"Jorge baka madumi na 'yan? Kagagaling mo lang sa ospital, gusto mo bang bumalik ulit? Bitawan mo nga 'yan!" Kunot-noong nagpaalala si Rain na hindi masikmura ang ginagawang pamumulot ni Jorge ng basura.

"Uy, hindi ah! Nakita ko katatapon lang nito. Wala pa 'tong germs 'no, wala pa namang 5 minutes." Inamoy ni Jorge ang bulaklak at saka inilagay sa kanyang tainga. "Uy, bagay ba?"

Napangiti si Rain, hindi dahil nakakatawang tignan si Jorge, kundi hindi niya maitanggi sa sarili na mas lalong gumanda si Jorge sa kanyang paningin. "Halika na nga lang sa 7/11!"

Habang papuntang convenient store, nauuna sa paglalakad si Rain sa nababagalan niyang si Jorge na manghang-mangha pa rin sa rosas.

"Jorge kung hindi kita mapipigil—" sa takot na baka kung ano ang mangyari sa kaibigan habang nasa biyahe, nagdesisyon na si Rain, "—sasamahan na lang kita."

Hindi umimik si Jorge.

"Hoy! Jorge hindi ka na naman nakikinig!" Nang wala pa ring bumalik na reaksyon sa kanyang mga sinabi, nilingon na ni Rain ang kausap . "Jorge asan ka na?!"

Beyond The PagesWhere stories live. Discover now