Page 20

18 3 4
                                    

[Date: November 5, 2019]

Alas nuebe ng umaga nang marating ni Jorge at Rain ang Strawberry Farm sa La Trinidad na kapit-bayan ng Baguio City. Dahil ilang beses na ring nakapunta si Rain sa naturang lugar dahil sa pagto-tour guide—kabisado na niya ito—kaya hindi na kailangan pang umupa pa sila ng tour guide.

"Alam mo ba na sa buwan ng November ay simula na ng panahon ng pagbubunga ng mga strawberries? Kaya tamang-tama itong punta natin."
Iniabot ni Rain ang hawak na maliit na basket kay Jorge. "At simula ngayon hindi ka na bawal mag-daydream everything about your works. Gusto ko mag-daydream ka ngayon tungkol sa 'Maging Tsino Ka Man'. Isipin mo na ikaw si Lily na mamimitas ng strawberries sa farm nila Luigi."

"Ok, Doc," pagsang-ayon ni Jorge na sa singtamis-ng-strawberry na ngiti ay hindi maikubli ang pagkasabik. "Let's go."

"Dahan-dahan ka nga lang at maputik ang daan ha," paalala ni Rain na tinatantiyang mabuti ang tinatapakang may kalubakang daan papapunta sa taniman habang inaantabayanan din ang kaibigang malagpasan ang mga lubak.

"Parang hindi naman ako taga-Nueva Ecija," pagmamalaki ni Jorge na maingat din sa paglalakad na nakasunod lang kay Rain na tumatawid na sa isang maliit na kahoy na tulay.

Nang makatawid na sila sa tulay ay huminto na si Rain sa paglalakad nang matapatan ang isang hanay ng mga strawberry na hitik na hitik sa mapupulang bunga. "Pwede ka na siguro dito."

Nanalungko na ang handa nang mamitas na si Jorge. "Yieee! Ang saya nito!"

"Picture nga tayo? Kahit isa lang." Kinuha ni Rain ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon at saka tumalungko rin ng upo sa tabi ni Jorge. "Say strawberry!"

"Strawberry!" Nakangiti ang may hawak pang strawberry na si Jorge.

Habang tinitingnan ang nakuhang larawan, napansin ni Rain ang pink na t-shirt ni Jorge na may nakaprintang 'I♥Baguio' at bilang pang-aalaska, naisip niyang punahin iyon. "Mahal na mahal mo talaga ang Baguio 'no? Sa damit pa lang hindi mo na maitatanggi."

"Ay true," pagsang-ayon ni Jorge sa dapat sana ay biro ni Rain. Siya naman ang nakaisip ng ipangbabatong biro nang mapansin din ang suot na red and black checkered polo na suot ni Rain. "Oh baka mapagkamalan kitang strawberry sa suot mo, kaya tabi d'yan!"

"May strawberry ba na red at black ang kulay?" Salubong ang kilay ng natatawang si Rain na sinalungat ang panghaharot ni Jorge bago tumayo at muling nagpaalala kay Jorge. "Huwag mong kalimutang mag-daydream Baguio-lover."

Wiling-wili na sa kakapitas ng strawberries ang wala nang naririnig na si Jorge na hindi na lang din pinansin nang abala na sa pagse-selfie na si Rain.

Nang makitang mapupuno na ni Jorge ang basket ay naisipan na ni Raing na magtanong ukol sa katayuan ng katauhan nito. "Lily, ikaw na ba yan?"

"Uy, sorry masyado akong nasiyahan sa pamimitas." Napalingon kay Rain si Jorge na hindi pa rin maalis ang ngiti sa mga labi. "Nakalimutan kong mag-daydream. Ahehe."

"Ay Apo!" Napatutop sa noo ang dismayadong si Rain.

"Uy, puno na 'to." Tumayo mula sa pagkakatalungko si Jorge at iniabot kay Rain ang basket. "Tara na ngang magbayad at baka mahal na ang abutin nito."

Kinuha ni Rain ang basket mula kay Jorge. "Mabuti pa nga."
-------‐----------------‐--------------------------------

Mula La Trinidad, balik ang dalawa sa Baguio City, umarkila naman si Rain ng isang private room sa isang KTV bar na nasa loob ng isang kilalang Mall.

"Ngayon naman for another check sa to-do-list mo ay mag-vi-videoke tayo. Mayroon tayong twenty tokens—tig-sa-sampu tayo ha." Hinati ni Rain sa dalawang bahagi ang mga token at ibinigay niya kay Jorge ang sampung piraso. "Oh hayan masasayahan ka na diyan, sampung kanta na rin 'yan. Siguro naman kasiya na diyan lahat ng gusto mong kantahin—imagine-in mo na ikaw naman ang popstar na si Genevive para ka na ring nag-concert."

Beyond The PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon