Epilogue

33 4 10
                                    

Pagkatapos magdasal ni Jorge, isang pasahero ang umukopa sa katabing upuan ng sa kanya. Ramdam niya ang pagdukdok din nito sa sandalan ng upuan sa harapan nito—gaya ng posisyon niya—saka inabot ang kanyang kanang balikat para umakbay na kanyang ikinagulat, ikinabahala at ikinakaba na tipong hindi niya maigalaw ang kanyang katawan. Nakahinga lamang siya ng maluwag nang magsalita ito na kanyang nakilala ang pamliyar na boses. "Nandito nang muli ang Bullalayaw na handang saluhin mula sa pagkahulog ang Tala na bumalik na naman sa pagiging Bulalakaw."

Ibiniling ni Jorge ang ulo sa kanyang kaliwa upang harapin si Rain. "Ikaw lang pala 'yan, pinakaba mo ako."

"Oh, mukhang kailangan mo nito." Ibinigay ni Rain sa kaibigan ang hawak na panyo ng kaliwa niyang kamay. Kasabay ni Jorge na kinuha ang panyo sa kanya, tumuwid na rin ng upo si Rain. "Bakit hindi mo naman kasi ako ginising? Muntik na tuloy kitang hindi abutan dito, buti na lang wala pang lamang pasehero itong bus."

"Huwag kang mag-alala may epilogue itong istorya na ito kaya makakahabol at makakahabol ka talaga." Natawa si Jorge sa binitawang komento habang nagpupunas ng mga bahid ng luha.

"Ang galing mo talaga! Rainbow comes after the storm nga naman." Inalis ni Rain ang pagkakaakbay ng kanang kamay sa kanang balikat ni Jorge para tumayo upang kuhanin sa bulsa ng kanyang bagpack na nasa luggage rack ang naalalang cellphone ni Jorge. "Heto nga pala nahulog mo sa Filipino Park ng school niyo. Kaya pala doon ako itinuturo ng GPS. Akala ko tuloy nandoon ka pa, kaya doon ako dumiretso. N'on naman pala ay naiwan mo ito doon."

Nakangiting kinuha ni Jorge ang cellphone mula kay Rain saka ipinasok iyon sa kanyang bag. "Salamat, Uy."

"Oh ano tama ako hano?" Hindi direktang tanong ni Rain na nakuha naman ni Jorge ang ibig nitong tukuyin.

"Ayon, hindi nga siya ang 'happy ending' ko."

"Sinasabi ko na nga ba eh!" Sa panggigigil napalagutok ni Rain ang mga kamao. "Kung kasama mo ako kanina, bangas ang mukha ng ungas na 'yon!"

"Pero Uy kahit gano'n ang aming kinahinatnan, nagpapasalamat ako sa nangyari dahil kung hindi baka hindi ko pa siguro malalaman na mas higit sa ninanais kong 'happy ending' ang 'joyful everlasting'."

Kita na sa reaksiyon ng mukha ni Rain na namangha sa sinabi ni Jorge ang paghupa ng pagkabanas nito kay Angelo. "Iba 'yan ah! Ano naman iyon?"

"Well, kanina out of brokenheartedness due to sa nangyaring pagkasuklam sa akin ni Angelo, napagtanto ko na hindi naman siya pala talaga ang makakapagpaligaya sa akin—baka magkahiwalay lang rin kami later on or magkasakitan pa ng damdamin na mas magpadurog pa sa aking lalo. Ang kailangan ko lang naman pala talaga para makumpleto ay walang iba kung hindi ang Panginoon na siyang tunay na dahilan kung bakit mayroong Pasko. He is the greatest gift I have ever received. He wakes me up from my daydreaming to fix my broken heart by His comforting unconditional love for us."

Lumaki sa pamilya si Rain na may dalawang pinaniniwalaan. Kahit na ipinakilala sa kanya ng kanyang ina ang Panginoon dati, mas nangibabaw pa rin ang pinaniniwalan ng kanyang ama sa kanilang pamilya. Gayunpaman, sa paghahanap niya ng sarili, nanatili siyang bukas para sa ibang paniniwala at isa na nga doon ang relihiyong Kristiyano. At ngayon, dahil sa testimonya ng kaibigan, alam na niya kung ano na ang tatahaking landas. "Mukhang Merry ang Christmas natin ngayon ah."

"Merry talaga!" Nakangiting sumang-ayon si Jorge kasabay ng paglapit ng konduktor sa kanila para magbigay ng ticket.

"Ma'am, Sir, saan po sila?"

"Dalawa pong Cubao," pagkasabi ni Rain ay pinunit ng konduktor ang dalawang ticket at ibinigay ito sa kanya.

"Sasama ka sa akin?" tanong ng nasurpresang si Jorge kay Rain.

"Bakit ayaw mo ba? Masyado na kasi akong giniginaw sa Baguio, kaya gusto ko naman 'yong something warm." Kinindatan ng tila nang-aakin na namang si Rain si Jorge.

"Gusto ko." Sagad hanggang tainga ang ngiti ni Jorge habang may panggigil na pinipisil ang dalawang pisngi ni Rain ng kanyang mga kamay. "Gustong-gusto."

------------------------------------------

Sa gabi bago sumapit ang Pasko, naisipan ni Jorge na batiin ang kanyang mga magulang. Tinawagan niya ang kanyang ina gamit ang cellphone at humingi na rin siyang muli ng tawad na hindi inaasahan ni Jorge na ibibigay na nito. Iyon ay dahil napagtanto ng kanyang ina na kung ang Diyos ay nagpapatawad sa mga lumalapit sa Kanya, ganoon din dapat ang mga tao.

Sa tulong ni Rain, nag-empake sila ng kanyang mga gamit para umuwi ng Nueva Ecija sa mismong Araw ng Pasko upang ipagdiwang iyon kasama ng kanyang mga magulang at para doon na manirahan sa piling nila. Sampung taon na ang nawala sa kanila at ayaw na rin ni Jorge na iyon ay madagdagan pa.

At dahil mamumuhay nang muli si Jorge sa kanyang 'non-fiction' na buhay sa kanilang tahanan, panatag na si Rain. Isa sa mga natutuhan niya sa pagtulong niya kay Jorge ay ang magpatawad, kaya naman pagkatapos magdiwang ng Pasko kasama ang pamilya ni Jorge, umuwi na rin siya sa bahay nila sa Baguio upang humingi rin ng tawad sa kanyang mga magulang. Gaya ng nangyari kay Jorge, tinanggap rin siya ng mga ito na binasbasan na ang kanyang naging pasya na pagkuha ng kursong Psychology sa kolehiyo.

---------------------------------------------

Sa pagpasok ng bagong taon, nagsimula na ang paglalathala ng nobela ni Jorge na 'Love at First Shot' sa ilalim pa rin ng Ligaya Publishing at isasapelikula naman ng Stardust Cinema. Iyon ay sa direksyon ng tinaguriang 'Fairy Godmother of Philippine Cinema', Ms. Toni Labini at sa pangunguna ng kinakikiligang loveteam ng kasalukuyang henerasyon—Lucas Mariano bilang ang paparazzi na si John Lester Odra at Orange Chien bilang ang popstar na si Genevive Saldova.

Dahil sa tagumpay ng 'Love at First Shot' nahikayat si Jorge na ipagpatuloy muli ang naudlot na istorya na kanyang kauna-unahang isinulat—ang 'Mutual Understanding Series'. Sa pagkakataong iyon, ikokonsidera niya ang suhestiyon ni Rain noon sa posibleng maging wakas ng kwento na kung saan isa ring nagngangalang 'Raniel Uy' ang makakadaupang-palad ng karakter na si Joyce na kanyang makakatuluyan.

Umaasa si Rain na balang araw ay magagawa rin siyang ibigin ni Jorge sa tunay na buhay—hindi lamang sa mga akda nito bilang inspirasyon sa pagbuo ng mga leading men. Kung gaano niya kamahal si Jorge ay ganoon din kahaba ang kanyang pasensiya dahil gaya ng karakter na si Douglas ng akda ni Jorge na 'Why Doug Hates Kat?', naniniwala rin si Rain na ang pag-ibig ay hindi ipinipilit. At tulad ng karakter na si Sofronio ng istoryang isinulat din ni Jorge na 'Ang Lechon at ang Hipon' ay naniniwala siya na ang pagmamahal ay nakakapaghihintay. 

Napangiti si Rain sa kanyang naisip na kanyang naibulong "Love is beyond the pages."

Beyond The PagesWhere stories live. Discover now