Page 14 Part 1

35 22 0
                                    

Rain: Heto na ang una—'Maging Tsino ka man.'

Jorge: For that one, katulad ng 'When Princess Pig Meets the Prince of the Prawn,' nabuo ko ang concept niyan nang dahil sa 'yo, since wala naman ako ni katiting na Chinese blood at may kaunti lang na alam sa kulturang 'yon.

                Tungkol 'yan kay Lily na nag-iisang anak ng mag-asawang restaurant-owner sa Binondo. Nagkasundo ang kanyang Papa at kasosyo nila sa negosyo na siya at ang kaisasahan nitong anak na lalaki—na anak nito sa labas—ay ikasal para sa pagpapatatag daw ng magandang relasyon ng kanilang mga pamilya. Pero umalma sa engagement si Lily, kinausap niya ang kanyang Papa kung ano ang pwede niyang gawin para magbago ang isip nito at 'yon ay sa pamamagitan daw ng isang hamon: kapag napataas niya ang sales ng restaurant nila sa loob ng limang buwan ay lalaya na siya, pero kung hindi, wala na siyang magagawa kundi harapin ang kanyang kapalaran. Tinanggap nga ni Lily ang hamon, siya ang nagpatakbo ng restaurant. Ngunit hindi pala iyon ganoon kadali dahil sa dami ng problema—nariyan ang mga kakompetensiya, kakulangan sa mga empleyedo at maging sa supplier. Pero hindi nagpadala sa takot si Lily, para saan pa ang pagiging cum laude niya sa isang business course? Kaya nahanapan niya ng mga solusyon ang mga hinaharap na suliranin ng resto—in-improve niya ang marketing at menu, naghanap ng agency na makukuhanan ng mga dekalidad na manggagawa at nakahanap din siya ng mga supplier na kung saan mas makakamura. Para sa gulay ang nakuha niyang supplier ay ang nagrarasyon sa Balintawak na taga-La Trinidad na si Luigi Tolentino. Take note hindi lang gulay ang nakuha niya kay Luigi, kundi pati na rin pag-ibig. Sa loob lamang ng apat na buwan, hindi lamang tumaas ang sales ng kanilang resto kundi dumoble pa ito kaya kampante si Lily na maibibigay niya ang puso niya sa taong minamahal.

                 Ok na sana na ang lahat nang isang balita ang gumulat sa kanya, nasunog ang resto na kanyang pakaala-alagaan. At ang insidenteng iyon ang nakapagpabuo sa pasiya ng kanyang Papa na ituloy na ang kasal. Wala nang magagawa si Lily upang baguhin pa ang isip ng kanyang mga magulang dahil sa kanilang naging kasunduan, ngunit si Luigi isang solusyon ang naisip—upang hindi na mabagabag pa si Lily—iyon ay ang itanan siya sa Benguet. Pagkalipas nga lang ng isang linggo, dinala siya ni Luigi sa Bell Church (you know naman na isa 'yong importanteng religious and cultural monument para sa Fil-Chinese Community ng Benguet). Mas lalong kinabahan si Lily ng makita na naroon ang kanyang mga magulang pati ang kasosyo nila sa negosyo na si Mr. Sy at mga taong may kinalaman sa kanya. Akala ni Lily ay isinusuko na siya ni Luigi at hahayaan nang makasal sa anak ni Mr. Sy, at siya nga ay hindi nagkakamali dahil siya nga ay isinusuko na nga nito para maikasal na sa anak ni Mr. Sy na walang iba kundi rin si Luigi.

                Oh ano ok na ba 'yon? Next na?

Beyond The PagesWhere stories live. Discover now