Page 14 Part 2

31 19 2
                                    

Rain: Oo ok na, heto na ang susunod na title—'Why Doug Hates Kat?'.

Jorge: Because Doug loves Kat. He hates her because she cannot see that—that's the answer to that question.

               Isang veterinarian si Katrina. Maagang nabyuda ng asawang sundalo at dahil wala silang naging anak kaya tanging aso lamang ang iniwan nito sa kanya. During her free time, para na rin hindi niya maramdaman ang sakit at pangungulila, nagvo-volunteer siya sa isang non-government organization na nagre-rescue ng mga hayop na walang nagmamay-ari at pagala-gala sa lansangan. Sa organisasiyong iyon nag-krus ang mga landas nila ni Douglas, isa ring volunteer at palagi niyang nakakakontra sa halos lahat ng bagay maliban lamang sa pagmamahal sa mga hayop.

              Computer programmer during weekdays si Douglas at bago siya pumasok ng trabaho idinadaan niya muna sa clinic ni Kat tuwing umaga ang kanyang adopted cat na mula rin sa kanilang mga na-rescue—na si Pingpong—para doon ilagak pagkatapos ay babalikan na lamang niya sa hapon. Siyempre dahil tila aso't pusa rin sila ni Douglas, naisip ni Kat na baka pamwi-mwisit lang sa kanya iyon ni Douglas, pero bilang animal lover rin hindi niya iyon natanggihan lalo na at walang magbabantay sa pusa sa tuwing nasa trabaho ang amo nito. Mga ilang linggo ang lumipas sa ganoong sitwasyon, napalapit ang dalawa sa isa't isa. Hanggang isang araw namatay ang aso ni Katrina na si Pochi dahil sa katandaan. Muli na namang pinagsakluban ng langit at lupa si Kat, pero sa moment na rin na 'yon nalaman din niya ang feelings sa kanya ni Douglas—nagtapat ito sa kanya na simula pa lamang noong una silang magkita ay na-fall na ito sa kanya. Hindi lamang ito nagpahiwatig dahil sa takot na mareject dahil sa kamamatay pa lamang noon ng mister ni Kat. Kaya humanap siya ng paraan para makalapit sa kanya at iyon nga ay sa tulong ng in-adopt nitong si Pingpong. Gaya nga ng inaasahan ni Doug, hindi pa handa si Kat na magkaroon ng panibagong relasyon dahil binubuo pa lang niya ulit ang kanyang sarili. Willing namang maghintay si Douglas dahil para sa kanya 'yon ang pagmamahal—naghihintay.

               That's it! Sa gan'on ko inendingan ang story para hindi cliché and balak ko rin sanang gawan 'yon ng book 2 na ang title ay 'Why Kat loves Doug?' kaya lang hindi ko na siya magawan ng kakaibang twist kaya ayon hinayaan ko na lang na gan'on, pumatok naman eh.

Beyond The PagesWhere stories live. Discover now