Page 14 Part 5

27 18 0
                                    

Rain: May isa pa pala, itong 'Mutual Understanding Series,' hindi pa sa akin gaanong malinaw ito.

Jorge: 'Yan? Pano na nga? Ganito...ang Book 1 niyan na 'Me&U' ay epistolary even the book 2 may part na epistolary rin. Ang 'Me&U' kaya siya epistolary dahil umikot ang story niyan sa diary ni Joyce. Actually, it is her lecture notebook for the subject Filipino, dahil meron namang pamphlet at librong 'El Filibusterismo' kaya hindi 'yon masyadong nagagamit. Para hindi naman masayang ang mga bakanteng pages (dahil hindi naman tsinetsekan ng teacher nila) ang likuran n'on ginawa niyang—hindi naman totally diary—sabihin nating 'scratch' na sinusulatan niya ng kanyang pang-araw-araw na nararamdaman. Sa ganoong way ko rin 'yon sinumulang isulat, lecture notebook na wala halos lecture na dahil sa panghihinayang unti-unti kong nasulatan ng story sa tuwing bored ako.

                  Then, ang Filipino Notebook ni Joyce na 'yon, nang magpi-periodical exam na sila, hiniram nang kaklase niyang si Angelo na simula first year pa lang ay crush na niya. Sa pagkaaligaga sa dami ng mga tamad na kaklaseng nagkukumahog manghiram kay Joyce ng mga lecture notebook (dahil may pagkamasipag mag-lecture itong si Joyce) nawala na sa kanyang isip na ang hiniram ni Angelo ay ang kanyang pakaiingat-ingatan at restricted kay Angelo na Filipino dahil sa mga nakatala doong mga mumunting lihim tungkol sa kanyang pagtingin sa binata. Ayon, dahil sa natuklasan ni Angelo sa notebook, nagkalakas siya ng loob na magtapat din ng nararamdaman kay Joyce kaya sa halip na 'scratch/diary' lang iyon since wala pang fb that time ay naging chatbox na rin nila. Dahil strict ang parents ni Joyce, kahit ligaw ay hindi siya nagpaligaw at iyon ay naintindihan naman ni Angelo dahil sapat naman na sa kanya na malaman na mahal din siya ng babaeng minamahal niya kaya ipinangako niya na hihintayin niya ang tamang panahon para sa kanila at hinding hindi titingin at ibabaling ang puso sa iba.

Rain: Eh si Jerah? Tama ba ako may kakambal si Joyce?

Jorge: At talagang pati si Jerah nakilala mo 'no.

Rain: Nang malaman ko kasi ang pangalan ng persona mo na si Joyce, tinanong ko sa kanya kung kapatid ka niya, ang sabi niya wala daw siyang kapatid na Jorge, Jerah daw. Ano ngayon ang role ni Jerah? Bakit kailangan maging kambal si Joyce?

Jorge: Ah wala lang, ginawa ko lang 'yon para magkaroon ng twist ang story. Si Jerah kasi ang batch salutatorian nila. During their graduation day, pagkatapos na pagkatapos ng ceremony habang abala sa pagpapa-picture ang lahat, si Jerah naunahan si Joyce na pumuga, at ikwinintas pa sa kanya ang mga medal. Eh samantalang si Joyce at Angelo ay may usapan na magkikita sila sa kanilang classroom right after the graduation ceremony para ibigay ang graduation gift ni Angelo which is ang pagsagot sana kay Jorge kahit pa hindi naman niya ito nililigawan dahil nga bawal pa. Kaya pagdating ni Angelo sa classoom ang inabutan niya si Jerah at Roel na naghahalikan at inakala niya na si Jerah ay si Joyce. Nadurog ang puso ni Angelo sa kanyang nasaksihan. Pakiramdam niya ay pinaglaruan lang siya ni Joyce at sa pagkamuhi ay nilisan niya ang iskwelahan at tumakbo papunta sa sementeryo na kung saan wala sa kanyang makakakitang umiyak maliban lang sa puntod ng kanyang ina. Sa sobrang galit ayaw na niyang marinig pa ang mga sasabihin ni Joyce kaya ibinalibag niya ang kanyang cellphone. Kaya si Joyce na walang kamalay-malay sa mga nangyari ay hindi na ma-contact si Angelo. Takang-takang hindi mahagilap ito, gustuhin man niyang puntahan ito sa bahay—na kalapit lang ng iskwelahan—ay hindi niya nagawa dahil kasama nila ang parents nila na nag-aaya nang umuwi.

Rain: Eh paano namang naging mayaman ang kumag na si Angelo ha? At naging katulong naman niya si Joyce?

Joyce: Noong araw ding iyon nakilala ni Angelo ang kanyang tunay na ama—ang guest speaker ng graduation nila na si Arturo "King Arthur" Urdaneta na may-ari ng Kingdom Hotel na siyang pinamalaking hotel dito sa Baguio. Hindi naman na kailangan ng DNA Test para mapatunayan na mag-ama nga sila dahil magkawangis sila. Pero para na rin makasiguro minabuti na ni King Arthur na magpa-DNA Test sila nang may katibayan siya. At nang lumabas na ang resulta ng DNA Test, kumpirmado si Angelo nga ay isang Urdaneta. Ayaw mang iwanan ni Angelo ang kinalakhak pamilya ng tito niya, pero wala siyang magagawa maging ang kanyang mga kamag-anak dahil mas may karapatan sa kanya ang kanyang ama. Kaya napilitan na rin si Angelo sa gusto ng tatay niya na doon na tumira sa puder nito kasama ang pamilya nito para bigyan na rin ng pagkakataon na makilala pa.

Beyond The PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon