Page 24

11 2 0
                                    

[Date: November 14, 2019]

Habang papalapit na ang Disyembre, papadami na ang mga turistang umaakyat ng siyudad para mamasyal sa may kalamigag lugar. Kaya hindi lang si Jorge ang magiging abala, pati rin si Rain na sasamantalahin ang pagkakataong kumita sa pagtu-tour guide ng mga bisita.

Noong nakaraang taon lamang nang sumailalim siya sa training at naging miyembro ng isang samahan na naglalayong makalikha ng ekstrang pagkakakitaan ang mga kagaya niyang walang regular na trabaho.

Buti na lamang ay—kahit papano—panatag na siya na iwanan nang mag-isa sa unit niya si Jorge. Bukod sa tiwala siya sa kanya, tiwala rin siya na kung sakali mang magbago ito ng pagkatao ay hindi na iyon ganoon magiging mahirap dahil bukod sa karakter na si Joyce ay maari na lamang itong maging ang popstar na si Genevive o ang restaurant owner na si Lily na natatansiya niyang madadali lamang ding kausap.

Habang hinihintay ang kliyente niya para sa araw na iyon na ililibot niya sa Burnham Park, ay hindi maiwasang maisip ni Rain ang karakter na si Joyce. Hindi niya pa rin matanggap na hindi siya nagtagumpay sa kanyang plano rito at ngayon ay may nararamdaman pa siyang pangungulila para sa kanya. Sa kanyang palagay iyon ay dahil siya ang pinakamatagal niyang nakausap at nakasama sa mga persona ng kaibigan.

'Hay! Rain, hindi ka na nasanay ganyan ka naman palagi sa tuwing katatapos mo lang basahin ang isang librong nakakabitin.' Napapailing na lamang si Rain sa sarili na nasasabik sa isang taong kathang-isip lamang. 'Lilipas din 'yang nararamdaman mo gaya ng pagka-miss mo sa mga karakter ng nabasa mo dating mga libro.'

---‐----------------------------------------------------

[Date: 11/29/19]
Lumipas ang mga araw, ngunit hindi ang nararamdamang pangungulila ni Rain na kanya na ring napagtantong hindi lang para sa karakter na si Joyce kundi sa kabuuan ng pagkatao ng kaibigang si Jorge. Hinahanap niya ang mga araw na namamasyal sila—dala na lang rin ng kanyang paghihinayang na hindi siya ang kanyang nakasama sa paglibot sa buong siyudad. Sa mga nagdaang araw rin kasi ay hindi na sila halos nakakapag-usap dahil sa pagiging abala nito sa pagsusulat. Maghapon na nga silang hindi nagkikita gawa ng siya ay maagang bumabangon para sa kanyang pagtu-tour guide, sa tuwing kakausapin pa niya ito sa gabi ay puro tungkol pa sa karakter ng sinusulat nitong istorya ang ibibida sa kanya. Naiintindihan naman ni Rain ang kaibigan, ang hindi niya maintindihan ay ang sarili sa naramramdamang 'pagseselos' na idinadaan na lang rin niya sa pasusulat ng kanyang nobela nang sa gayon ay may mapagtuunan din siya ng pansin sa gabi.

‐---------------------------------------------------------
[Date: December 1, 2019]

Sa pasapit ng araw na kanilang pinaghahandaan, maagang gumayak ang magkaibigan para hindi sila tanghaliin dahil pagpunta pa lamang daw ng Nueva Ecija ay bibilang na ng mahigit apat na oras ang biyahe.

Habang naghihintay pa ng pasahero ang sinasakyang UV Express ay dumaing na si Jorge. "Rain kinakabahan ako."

"Kapag kinakabahan ka ang gamit mo ay huminga ka lang ng malalim ng mga tatlong beses."

Ginawa iyon ni Jorge, ngunit mayroon pa ring naiwan sa kanyang dibdib na napansin din ni Rain.

"Kapag kinakabahan ka pa rin ang gawin mo ay humawak ka sa kamay ko. Gaya nito." Kinuha ni Rain ang kanang kamay ni Jorge saka inilusot sa mga pagitan ng nga daliri nito ang kanyang mga daliri. "Dito mo ibuhos ang iyong kaba. Kung gaano kabigat 'yang nararamdaman mo, ganoon din kahigpit ang gawin mong pagkapit. Lagi mong tatandaan na nandito lang ako, 'wag kang matakot dahil kahit ano ang mangyari ay hindi kita iiwan— sasaluhin kita kung sakaling hindi ka nila matanggap."

"Salamat Rain."

Nakompleto na ang mga pasahero kaya sumakay na rin ang driver para paandarin na ang van.

Beyond The PagesWhere stories live. Discover now