Page 27

7 2 0
                                    

[Date: December 21-22, 2019]

"Rain bukas na ang Alumni Homecoming namin," bungad ni Jorge sa kadadating na kaibigan na ilang araw na namang hindi umuwi sa unit nito.

"Kaya matulog tayo ng maaga at madaling araw tayo aalis," payo naman ni Rain habang isinasara ang pinto at ikinakandado. "Kumain ka na pala?"

"Kumain na ako. Ikaw ba?"

"Kumain na rin." Pagkasagot kay Jorge ay dumiretso naman si Rain sa kwarto para magpalit ng damit. Nang makabihis, naghihikab siyang lumabas ng kwarto. "Matulog na tayo. Ilang araw na rin na wala ako halos tulog. Alas singko tayong gagayak."

"Ok." Na-miss ni Jorge ang kaibigan kaya naisip niya munang biruin ito bago sila matulog. "Pero I have to clarify something about our bet?"

Napakunot ng noo si Rain na inaalala kung ano ang kanilang napagpustahan, ngunit wala siyang mahagilap sa kanyang memorya. "Anong bet?"

"'Yong pustahan natin kapag dumating na ang araw na ito. Ang pusta ko ay hindi ka ma-fa-fall sa akin at ako din sa 'yo kaya hindi mo ako pipigilang uma-attend sa Homecoming namin o babakuran kay Angelo at pagkatapos n'on ay hahayaan mo na akong umuwi sa Maynila dahil maayos na ang aking kalagayan. Did I win in our bet?"

"Oo, Jorge, ikaw nga ang nanalo," pagdedeklara ni Rain na walang emosyon ang mukha pagkatapos ay tumalikod kay Jorge para pumunta sa banyo habang bumubulong. "Mas mainam nang aminin ang pagkatalo kaysa ipagtulakan ko pa ang sarili ko."

Napatulala si Jorge sa naging tugon ng kaibigan na may pananamlay ng timpla at sa narinig din naman niyang binulong nito. Pakiramdam ni Jorge ay tila may mali sa kanyang mga nasabi. Pakiramdam niya ay may mali sa kanilang naging pustahan—hindi siya ang nanalo. Hindi rin naman si Rain ang nanalo. Wala sa kanilang dalawa dahil parehas lamang silang talo.

Pagkalabas ni Rain ng banyo ay hindi naiwasang tanungin siya ng naguguluhang si Jorge. "Rain...tapatin mo nga ako. Na-fall ka ba sa akin?"

"Hindi." Diretsong tanong ni Rain na seryoso pa rin ang mukha. Pumasok ulit ito sa kwarto para kuhanin naman ang mga gamit sa pagtulog saka bumalik sa dining area para ilatag ang mga iyon sa sahig "Matulog na tayo."

Hindi mapalagay si Jorge sa gaanong pakikitungo ng kaibigan, hindi maganda ang nararamdaman niya. "Eh bakit ganyan ang reaksiyon mo?"

Mahihiga na sana si Rain nang matigilan sa pangungulit ng kaibigan. "Jorge, pwede ba? Pagod ako! Matulog na nga tayo?"

"Pero..." Pakiramdam ni Jorge ay hindi niya magagawang makatulog hanggang hindi niya nalalaman kung ano ang mali.

Dahil ayaw lang ring lumubay ni Jorge sa pangungulit at natatantiya niya na hindi lang rin siya makakatulog ng maayos hanggang hindi nailalabas ang kikimkimin na damdamin—nakikita na iyon ni Rain na tamang pagkakataon upang ihayag ang mga gusto niyang sabihin sa kaibigan. "Bakit Jorge kapag sinagot ko ba ang 'Oo, gusto kita' magiging masaya ka ba? Mamahalin mo din ba ako gaya ng pagmamahal mo sa kanya? Hindi, 'di ba? Kaya makuntento ka na sa sagot kong 'hindi' dahil hindi ko rin kayang magmahal ng taong hindi kayang ibigay ang buo niyang pagkatao sa akin."

Sa mga diin ng pananalita ni Rain, nasasagap ni Jorge ang sakit na ikinukubli nito. "Sorry, Rain."

"Para saan?"

"'Cause I felt sorry." Tumulo ang mga luha ni Jorge sa mata. "I felt guilty, I felt that I've hurt you..even though it was unintentional...I am sorry."

Pinagsawalang bahala lamang ni Rain ang pag-iyak at paghingi ng tawad ng kaibigan dahil para sa kanya: "No, Jorge, mas masakit kung magbubulagan ako sa katotohanan na siya ang prince charming mo at hindi ako. I am just a supporting character here and not the leading man in your non-fiction story. You can love me fictional but not in real life 'cause for you, I am just a 'fictional charater.' He makes your host personality which is you, and the principal alter personality of yours which is Joyce, satisfied. Kahit na mahalin ako ni Bernadette, Zelena, Katrina, Genevive, Blest, Patricia, at Lily, kung ikaw at si Joyce na may hawak ng malaking parte ng inyong memorya ay hindi, maliwanang na ako nga ang talo."

Hindi na nagawang sumagot ni Jorge na nagpatuloy na lamang sa pag-iyak dahil may punto ang mga sinabi ni Rain—hindi niya kayang kalimutan si Angelo lalo na ngayon na konti na lang ay maaari na silang magkita sa Alumni Homecoming ng kanilang paaralan. Kung gagawin man niyang kalimutan siya, ay malaking bahagi nga niya ang magproprotesta at masasaktan dahil niloloko na lamang niya ang sarili nang lagay na iyon.

"Matulog ka na rin," utos ni Rain na nakahilata na sa mattress at nababalot na ng kubot ang katawan. "Gisingin mo ako kapag gagayak na tayo baka hindi kasi ako magising sa alarm ko. Paki patay ang ilaw bago ka matulog."

Tumayo na ang humihikbing si Jorge para pindutin ang switch ng ilaw, saka siya pumasok ng kwarto at nahiga na rin.

Akala niya makakatulog siya kapag nalaman niya kung ano talaga ang nararamdaman ng kaibigan, ngunit mas lalo lang pala na hindi dahil dumagdag pa iyon sa kanyang iniisip. Sanay naman siya sa mga pabirong hirit ni Rain sa kanya dahil alam niyang impossibleng mangyari na mahulog nga ito sa kanya, pero ngayon ramdam na ramdam niya sa pagkaseryoso nito ang pinakawalan nitong damdamin. Nakokonsensiya siya, pero naisip din niya na wala naman siyang kasalanan kung magkagusto man ito sa kanya. "Bakit kasi hindi siya nanligaw?"

Umiisip ng dahilan si Jorge kung bakit hindi iyon ginawa ni Rain, at napagtanto niya na hindi lang rin naman niya kasi siya sasagutin.

"Siguro nga mas mainam na lang rin ito na hindi na lang namin bigyan ng tiyansa ang isa't isa dahil tama siya si Angelo ang magpupuno ng kakulangan sa amin ni Joyce, masasaktan ko lamang siya," bulong ni Jorge na mas lalo lang nakapagpaagos ng luha sa kanyang mga mata. "Mas mahihirapan siguro ako kung diretsa siyang umamin at pinaglaban ang kanyang nararamdaman dahil hindi ako papayag na angkinin niya ako dahil kay Angelo pa rin ito titibok."

....................................

Alas kwatro na ng madaling araw nang humupa na ang pag-iyak ni Jorge na nagdesisyon nang gumayak para sa dadaluhang Alumni Homecoming. Hindi na niya ginising si Rain dahil sa hiya matapos ang pag-uusap nila kagabi.

Pagkatapos gumayak ay sinulat niya sa isang papel ang kanyang mensahe para kay Rain bago siya lumabas ng pintuan.

...................................................

Alas sais na ng umaga nang makaalis ng istasyon ang sinasakyang UV Express ni Jorge papuntang Nueva Ecija.

Wala nang kamay na mahahawakan kundi ang sa kanya na lamang at wala na ring balikat na masasandalan—haharapin na muli ni Jorge ang reyalidad nang walang kasama.

'Hindi pala magiging Bulalakaw ang Tala. Nanatili siyang isang talang nagniningning sa langit para hintayin ang pagdating ng Haring Araw. Hawak ang pag-asa na sila ay magsasayaw.'

Beyond The PagesWhere stories live. Discover now