Page 28

12 2 0
                                    

[Date: December 22, 2019]

Rain,

Sorry umalis na ako. Hindi na kita ginising.
Salamat sa lahat ng tulong mo, tatanawin ko iyon na isang malaking utang na loob.

Huwag kang mag-alala kaya ko ito.

Joyce

P.S.
Baka next year na ako makabayad sa iyo.

.....................................

Tirik na ang araw nang magising si Rain. Tanging ang binasang sulat na lang na iniwan ni Jorge sa mesa ang dinatnan niya.

Hindi niya intensiyon na maramdaman ni Jorge na ipinagtatabuyan niya ito papunta kay Angelo. Ang hindi niya pala kaya ay ang magpanggap na pabor siya sa pagdalo nito sa homecoming nila para magkita sila at hindi na niya rin kinayang itago pa ang pagseselos dahil tao lang rin siya na napapagod at nasasaktan kaya hindi niya napigil ang sarili na maglabas ng hinanakit nang nakaraang gabi.

"Masyado ka kasing madamdamin! Paano na ngayon 'yan Rain?" Sa pagsisi at sa pagkainis sa sarili ay nalamukos ni Rain ang hawak na papel at saka iyon padabog na itinapon sa basurahan. "Kapag may nangyaring masama kay Jorge, kasalanan mo!"

Kahit sabihin pa ni Jorge na kaya na nito at wala na siyang dapat ipag-alala ay hindi pa rin maiwasan ni Rain na mangamba. Maraming posibilidad ang nasa isipan niya:

'Paano kung hindi ang inaasahan niya ang mangyari? Paano kung hindi siya tanggapin ni Angelo kapag nagkita nga sila?
Maaari siyang ma-stress! Maaring mag-trigger ulit ang kondisyon niya. Sino ang tutulong sa kanya doon kung sakali? May nakakaintindi kaya ng kondisyon niya doon? Baka isipin nila na baliw siya? Eh paano ka nga lang kung magawa naman ni Angelo na tanggapin siya? Kakayanin mo ba na makita sila na masaya? Hindi kaya ikaw naman ang ma-broken hearted? Rain pwede ba?! For Jorge's sake, 'wag mo munang isipin 'yang ego mo! Kailangan ka niya ngayon dahil ikaw lang ang talagang nakakaintindi sa kondisyon niya.'

Nakapagdesisyon na si Rain, kahit ano pa man ang mangyari doon, pupunta rin siya ng Nueva Ecija. Para sa kapakanan na lang ng kaibigan at bilang 'kaibigan' hindi rin naman siya mapapanatag hanggang hindi nasisiguro na ligtas ito.

Beyond The PagesNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ