Page 14 Part 3

30 19 0
                                    

Rain: Ok. Next is....'Blessing in Disguise'.

Jorge: Katatapos ko lang noon isulat ang 'Zelena' nang ma-tempt ako to try something different—'yong corporate world naman ang theme, makiuso lang ba sa trend ng mga stories sa Writepad. From pure Tagalog ng isang ancient centauride, I dare myself sa English-an naman. That was my only story na pure English, kaya ngayon pa lang binabalaan na kita.

Rain: Kung English-an lang, yakang-yaka 'yan!

Jorge: If that so...I think you are ready to face Blest Janson/Grace Jose the only daughter and heiress of Don Victorino Janson—the owner of the second to the top real estate company in the country, Janson Land Inc..

Ang mortal naman nilang karibal ay walang iba kundi ang nangungunang MonDevCo which stand for Montecarlo Development Corporation na pagmamay-ari lang naman ng pinakamayamang mamayan ng bansa na si Homer Montecarlo. Para malaman kung ano ang sikreto sa pag-angat ng kalaban at upang mapabagsak na rin 'yon, isang plano ang naisip ni Blest—ang magbalatkayo bilang isang ordinaryong tao na kikilalanin bilang Grace Jose nang sa gayon ay makapasok siya sa MonDevCo sa pamamagitan ng pag-aapply bilang board secretary.

Ngunit lingid sa kaalaman ni Blest na ang plano niyang 'yon ay nabuking kaagad ni Jab Montecarlo—COO ng MonDevCo at anak ni Homer Montecarlo—kaya sa halip na board secretary ang nakuha niyang trabaho bilang Grace Jose ay personal assistant nito. Sinamantala na rin ni Blest ang offer na 'yon sa pag-aasang mas makakakuha siya ng impormasyon. Ang hindi niya alam siya pala ang mahuhulog sa bitag ni Jab. Naging kontrolado siya nito at pinahirapan nang husto. Pero hindi papatalo si Blest, nilaro lang niya ang mga hamon ni Jab hanggang sa nalaman na talaga niya ang sikreto ng MonDevCo sa pag-unlad at iyon ay ang magandang pakikitungo, hindi lamang sa mga kliyente, kundi ang pagpapahalaga sa bawat empleyado—walang tinatangi maliit man o malaki. At siya rin mismo ay naranasan iyon sa COO ng kompanya dahil hindi rin naman naglaon ay kusa nang bumukas para sa kanya ang tunay na ugali nito—maalalahanin, mabait at hindi matapobre—kaya hindi tuloy naiwasan na mahulog ang loob niya sa binata.

Hindi rin nagtagal ay hindi na rin napigil ni Jab ang damdamin kaya binunyag na niya ang kayang lihim—lihim na alam nito ang tunay na pagkatao ni Grace at sa kabila ng lahat ng pagpapanggap ni Blest ay nagawa pa rin niya itong ibigin. At 'yon, binigyan siya ng pagkakataon ni Jab na makilala pa bilang Blest Janson. Nagdate sila. Naging sila. Kinasal sila and they live happily ever after dahil ang dating dalawang magkatunggaling kompanya ay naging isa na. 

Beyond The PagesWhere stories live. Discover now