Page 21

20 2 0
                                    

Sa takot na baka wala na namang mapala sa paghahanap ay hindi na kumontra pa ang karakter na si Joyce sa pagsama sa kanya ni Rain.

"Saan tayo mauunang maghanap?" tanong ni Rain na nakaakbay pa rin sa balikat niya.

"Ah...siguro dito na muna..." ang naitugon ng natatarantang si Joyce na hindi mapalagay dahil sa posisyon nila ni Rain.

"Dito sa Mall na ito kita nakita 'di ba?" Naalala ni Rain ang isang gabi na hindi niya inaasahang makikita niya ang kaibigan sa Mall na iyon at ito'y hinimatay nang kanyang lapitan.

Tanging pagsang-ayon lang ang nasisigurong sagot sa tanong ni Rain, tumango lang si Jorge na ang katauhan ay ang katulong na si Joyce.

"Eh ano ang ginagawa mo dito n'on?" pag-uusisa ni Rain sa kagustuhang malaman ang sagot na hindi masabi sa kanya ni Jorge na ngayon ay masasagot na ng katauhan nitong si Joyce.

"Edi ano pa, hinahanap ko noon 'yong café nila Sir."

Naging interesado sa kwento ni Joyce, inaalis ni Rain ang braso sa balikat nito para harapin ito. "May nahanap ka naman?"

"Wala." Matabang na tugon ng karakter na si Joyce. "Pero gusto ko ulit maghanap dito para makasiguro... parang may hindi kasi ako napuntahan dito."

"Ok, sige." Taliwas man sa kanyang pagtutol kanina, sumang-ayon na rin si Rain nang sa gayo'y kanya mismong malaman kung paano ang buhay ng karakter na si Joyce. "Kahit na alam kong wala naman tayong mahahanap, tutulungan pa rin kita ng mapatunayan ko na rin na totoo ang sinasabi ko. Ano nga pala ang pangalan ng hahanapin natin?"

"Mr. Salt and Ms. Pepper." Nagsimulang igala ni Jorge ang paningin sa mga kainan na malapit sa kanila.

Nang malaman ang kanilang hahanapin, naging kompiyansa si Rain sa kanyang naging pagtutol noong una. "Pero ngayon pa lang sinasabi ko na–nai-blog ko na lahat halos ng restaurant at café dito–wala akong alam na 'Mr. Salt and Ms. Pepper'."

Walang naging kibo si Jorge sa opinyon ni Rain, naglakad lang ito na sinundan naman ni Rain.

Nilibot ng dalawa ang bawat palapag at bawat sulok ng Mall—tama si Rain na wala ngang ganoong café sa loob n'on. "Oh ano? Sabi na sa 'yo eh. Nakakagutom ding maghanap sa hindi naman nag-e-exist ha. Ano? Tara kain tayo?

"Sorry." Napayuko ang nahihiyang si Jorge sa paanyaya ni Rain. "Wala na kasi akong pera... hindi kita maililibre ng miryenda."

"Ano ko pulubi? Hindi naman ako nagpapalibre! Ang ibig kong sabihin, magde-date tayo." Tumango-tango ang may intensiyong magpakilig na si Rain na natanaw ang isang Siomai stall sa likuran ni Jorge.

"Date ka d'yan!" Naitaas ni Jorge ang ulo para ihayag ang kanyang pagtutol sa alok ni Rain. "Pagsasayang lang 'yan ng oras?"

"Pagsasayang ng oras?" Pigil na tawa ang naging reaksyon ni Rain sa naging tugon ng kausap. "'Di ba pagsasayang na rin ng oras ang paghahanap nating ito dahil binalaan na kita na wala lang tayong makikita?"

Masamang tingin ang binalik ni Jorge sa pangingihuwestiyon ni Rain.

"Bakit saan mo pa ba balak pumunta ha?" tanong ni Rain na nangingiti na lamang sa pagmamatigas ng karakter na si Joyce.

"Hindi ko pa kasi napupuntahan ang Hotel nila Sir," pakli ng karakter na si Joyce.

"Ano ang pangalan ng Hotel? At ano ang address?"

"Kingdom Hotel. Sa Kisad Road."

Napakuha ng kanyang cellphone si Rain para i-search ang mga hotel sa lugar na sinabi ni Jorge. Isa lang ang tumutugma sa mga hotel na nandoon sa 'Kingdom Hotel' na maari ring pinagbatayan ni Jorge.

Beyond The PagesWhere stories live. Discover now