Page 14 Part 6

43 19 3
                                    

 "Jorge kung may ipapamagat ka na lang sa kwento ng buhay mo, ano? Parang sa MMK, anong bagay ang magrerepresenta sa kwento ng buhay mo? Kung ang mga naisulat mo nga mayroon, for sure mayroon ka ring naiisip para sa 'yo. Hindi 'yon kumpleto kung naisulat mo lang 'di ba?"

"Thank you for that beautiful and significant question. I believe if I'm going to put a title for my life's story, I believe that is 'Pages'."

"Hmmm...sounds interesting. Bakit?"

"Tulad na rin ng sinabi mo na ikinulong ko ang sarili ko sa mga pahina, kaya 'yon na rin ang naisip ko since 'yon rin naman ang common sa mga nagawa ko. Hindi naman pwedeng book dahil hindi naman na-publish ang 'Mutual Understanding Series' kahit sa Writepad. Kung 'Stories' naman? Parang redundant, life's story na nga ang bibigyan ko ng title, 'Stories' pa ba ang ita-title ko? At ang mga pahina, obviously, ang talaga namang nakasaksi kung paano ako naging isang manunulat—ang tagasapo ng mga luha ko kapag ako ay sawi at ang naging tungtungan ko para maabot ang tagumpay."

"Jorge may nakalimutan kang ilagay dito sa listahan mo," nangiti-ngiting sabi ni Rain na tila may naiisip na namang gagawing kapilyuhan habang pinagmamasdan ang hawak na papel.

"Alin?" Kinuha ni Jorge ang papel mula kay Rain at inisa-isa ang mga nakasulat doon. "Andito naman ang Mutual Understanding; 'When Princess Pig Meets the Prince of the Prawn' and 'Ang Lechon at Ang Hipon'; Maging Tsino Ka Man; Zelena; Blessing in Disguise; Hanni and Ber; Why Doug Hates Kat?; Love at First Shot—oh kompleto naman."

"Wala pa ang 'Nang Mahulog ang Bulalakaw sa Bullalayaw." Tama nga ang hinala ni Jorge, may kapilyuhan namang pinaplano ang kaibigan na napakagat pa ng ibabang labi matapos sabihin ang pamagat na iyon.

"Ano?...Kung ikaw ang 'Bullalayaw'...what do you mean by 'bulalakaw'? Me? Ma-fall sa 'yo? Excuse me hindi po ako pumapatol sa lalaki na pumapatol rin sa kapwa lalaki!" Napairap sa pagkontra ang nandiring si Jorge.

"Grabe naman 'tong magsalita...hindi ko pa rin naman po alam kung kaya ko rin ma-FALL sa babaeng dating lalaki! Isipin mo naman Jorge, puro love story ang sinusulat mo, pero ikaw? Mayroon ba? Baka 'yon na lang kasi ang kulang. Malay mo naman ang susunod mo pa lang gagawing story is collaboration pala natin at hindi lang siya fiction, non-fiction! Sa tikas ko ba namang 'to." Iniangat ng nakapahubad pa ring si Rain ang kanyang mga braso at nag-flex ng mga biceps. "Hindi malabong sa mga susunod na araw na nandito ka, mabihag ko 'yang kalooban mo."

"So ayon gwapong-gwapo ka na naman sa sarili. Nek-nek mo! Akala mo naman ganoon ganoon lang 'yon! Love is not lust! Always remember that! At tsaka anong mga susunod na araw na nandito ako? Uuwi na ako! Anong oras pa lang oh, wala pang tanghali! Kaya hindi mo na ako mapipigilan!" Tumayo na si Jorge mula sa pagkakaupo at akmang magmamartsa na papuntang pintuan.

"Uuwi? Talaga lang ha? Sa tingin mo Jorge pagkatapos ng lahat ng mga nasaksihan kong mga pinaggagawa mo hahayaan kitang bumalik ng Maynila ng ganyan? Nek-nek mo!" Tumayo na rin si Rain. "Dito ka sa akin hanggang hindi ka pa maayos."

Napahinto is Jorge sa paglakad para idepensa ang kanyang pasiya. "'Di ba sa 'yo na nanggaling na it takes years para sa diagnostic pa lang ng kalagayang ito? Eh paano naman ang 'Love at First Shot'? Pano ko na 'yong tatapusin?"

"Edi dito." Mapanuksok bumulong si Rain sa may bandang tainga ng nakatalikod pa ring kausap. "Para namang wala akong laptop...at parang wala ka namang cellphone."

"Rain ano ba?!" Iritableng dumistansiya si Jorge na hinarap ang kaibigan. "Ayoko nga! Ayaw ko ng ambience dito...nakakawala ng mood!"

"'Yan ang hirap sa 'yo, nasa harapan mo na ang pwedeng solusyon, pilit ka pa ring humahanap ng option!"

"So you are an option?" Napairap ng mga mata, napahalukipkip ng mga kamay, napalabas ng dila na tila nasusuka sa komento ni Rain si Jorge.

"Jorge pwede ba? hindi naman 'to para sa akin, para sa 'yo! Kung pano maging ikaw na naman si Zelena o kung sino pa, hindi mo naman kasi alam eh!" Napakamot na lang ng batok si Rain na ibuhos na doon ang kakulitang nadarama kay Jorge. "Sino ang tutulong sa 'yo roon sa Maynila?"

"Bakit paano ba kasi? Ha? At ang o.a. mo d'yang magreact."

"Tumakbo ka lang naman mula terminal hanggang museum, tumawid ng hindi man lang tinitignan ang dinadaanan at tinalon mo ang street barrier na nasa gilid ng museum para lang maghanap ng damo, nang hindi mo natipuhan ang damo sa museum tumakbo ka naman sa Sunshine Park, ga'no katindi naman 'yon?"

"Weh, talaga ginawa ko 'yon?" Hindi makapaniwala si Jorge sa ikine-kwento ng manunulat na kaibigan.

"Magrereact ba naman ako ng ganoon kanina nang makabalik ka na sa katinuan?" paggarantiya ni Rain na hindi lang gawa-gawa ang kinakatwiran niya kay Jorge. "Akala ko hindi ka makakabalik sa pagiging ikaw."

"Ok fine! Sige na!" Isang daang porsyentong kumbinsido na talaga si Jorge sa kwento ni Rain dahil wala lang rin naman siyang magagawa kundi iyon ay paniwalaan at pagkatiwalaan dahil sa kanilang dalawa si Rain ang nakakaunawa ng kanyang kondisyon. "Kung bakit nagkaganito pa kasi ako?"

"Since pumayag ka na..." nagliwag na sa ngiti ang mukha ng konsumidong si Rain, "na mag-stay dito, may pupuntahan tayo."

"At saan naman 'yan? Hindi ba talaga kasi pwedeng umuwi na ako?"

"Aba maulit talaga! Mamimili tayo ng gamit mo dahil wala akong maipapahiram na bra sa 'yo!"

Beyond The PagesWhere stories live. Discover now