Page 2 (Part 2)

96 25 28
                                    

Sa pagpapatuloy ng hiraya ni Jorge...

[Date: September 2, 2012]

Makalipas ang ilang buwan nang pag-aapply mula nang makagraduate ng kolehiyo, sa mismong araw ng kanyang kaarawan ay isang tawag ang natanggap ni Joyce mula sa Kingdom Hotel para sa isang interview. Pangarap niyang makapagtrabaho sa naturang hotel kaya itinuring niya iyon bilang isang malaking birthday gift na buong pusong tinanggap ni Joyce para ito'y kanyang paunlakan.

[Date: September 5, 2012]

Pagdating sa interview, laking gulat ni Joyce na ang mismong may-ari pala ng hotel na si Arturo "King Arthur" Urdaneta—guest speaker nila noong High School Graduation—ang mag-i-interview sa kanya!

Kinabahan noong una, pero naging komportable rin si Joyce. Dahil magkababayan kaya siguro naging magaan ang loob nila sa isa't isa. Kaya naman naging kampante si Joyce na isa siya sa mapipili. At hindi nga siya nagkamali, ilang linggo matapos ang interview tumawag muli ang Kingdom Hotel para pag-ayusin na siya ng mga requirements para sa kanyang training sa posisyong housekeeper.

Nakapag-comply si Joyce sa mga requirements at sa unang araw ng Oktubre sinimulan na ang kanilang isang buwan na training. Hindi nahirapang mag-adjust si Joyce dahil doon din sa siyudad ng Baguio siya nag-o.j.t. noong kolehiyo kasama ang mga kaibigan. Hindi sila pinalad noon na makapasok sa Kingdom Hotel, pero ngayon natupad na ang kanyang pangarap.

[Date: October 2, 2012]

Kahit mahirap ang trabaho, masayang masaya roon si Joyce dahil mababait ang mga empleyado. Sa katunayan unang araw palang naging 'close' na kaagad siya sa mga katrabaho sa Housekeeping Department. Lagi nilang sinasabi sa kanya na may pagkakahawig siya kay Cinderella Mangahas na mas kilala sa tawag na Chef Cindy—ang Pastry Chef ng café ng Hotel. Ang mga magulang daw nito ay matalik na kaibigan ni King Arthur at stockholders din ng Kingdom Group of Companies. Ayon pa sa kanyang mga katrabaho si Cindy raw at ang panganay na anak ni King Arthur na si Angelo ay magkasintahan—nang marinig ni Joyce ang pangalan ng panganay na anak ni King Arthur, nakaramdam siya ng kaba. Lalo na nang sabihin pa ng kanyang mga katrabaho na bagay na bagay ang dalawa dahil magkapetsa ang kanilang kaarawan na sa katapusan ng buwan. At nalaman din ni Joyce na ang nalalapit na taunang Royal Ball ng Hotel ay hindi raw tulad ng mga nakaraang taon—mas engrande! Bukod kasi sa ika-sampung taong anibersaryo ng pagkakatayo ng Hotel ay debut rin ng magkasintahang Angelo at Cindy.

Hindi mapalagay si Joyce dahil iba ang kutob niya tungkol sa panganay na anak ni King Arthur. Tama ngang hindi lang isa ang Angelo sa mundo, pero hindi pa rin niya maiwasan na isipin na si Angelo at ang prinsipe ng Kingdom Hotel...ay iisa. Kung pagbabatayan ang petsa ng kaarawan at ang kanilang mga edad ay pareho. Naikwento sa kanya noon ni Angelo na inabandona siya ng ama nito, pero naisip naman din ni Joyce na hindi naman siguro iyon si King Arthur. Umaasa na lang siya na sana hindi si Angelo ang prinsipe dahil naniniwala rin siya na hindi siya nito maipagpapalit.

[Date: October 31, 2012]

Dumating ang araw ng Ball, saktong ang schedule ni Joyce ay graveyard shift kaya may pagkakataon siya para makita ang prinsipe ng Kingdom Hotel. Noong gabing iyon, isang tawag ang natanggap ni Joyce mula sa Front Office para sa request na extra towel ng guest sa Room 202.

Kaagad nagtungo si Joyce sa Room 202 para tumugon sa request. Pagkabukas ng pinto, noong una'y inakala ni Joyce na salamin ang bumungad sa kanya, n'on pala ay ang guest na nag-request ay si Cindy. Tama nga ang mga katrabaho niya may pagkakahawig nga siya rito.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Beyond The PagesWhere stories live. Discover now