Page 8

45 25 1
                                    

Habang mahimbing na natutulog, ang isipan ni Jorge ay abala sa pagtakbo ng mga eksena ng kanyang akdang 'Ang Lechon at Ang Hipon' sa kanyang panaginip.

Dahil sa kasiguraduhan ng pag-ibig ni Sofronio, nawala ang pag-aalinlangan ni Patricia na ipagpatuloy ang pagtahak sa landas ng kanyang pangarap.

Tumulak siya sa Thailand para sa taunang Miss Galaxy Pageant baon ang pagmamahal ni Sofronio na kanyang naging inspirasyon upang harapin ang bawat pagsubok ng patimpalak. At dahil din doon nawala ang mga pag-aalinlangan niya sa sarili kaya kompiyansa niyang naibahagi sa mundo ang kanyang talento, talino at puso. Sa siyamnapung kandidata, nangibabaw ang kagandahan ni Patricia, kaya naman siya ang hinirang na nanalo.

 Sa siyamnapung kandidata, nangibabaw ang kagandahan ni Patricia, kaya naman siya ang hinirang na nanalo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pinalakpakan. Hinangaan. Naging inspirasyon, hindi lamang ng mga biktima ng cyber bullying, kundi ng kapwa niya Pilipino sa iba't ibang panig ng daigdig.

Kabi-kabila man ang mga aktibidad—t.v. guestings, photoshoots, fahion shows, media conferences, commercial shootings, products endorsings, charity works—hindi nawaglit sa isipan ni Patricia si Sofronio. Kapag nakahanap ng pagkakataon, gumagawa siya ng paraan para makausap ito—kahit chat sa pamamagitan ng social medias, gaya ng dati nilang ginagawa. Basta marinig lamang niya ang boses ng kasintahan ay sapat na para pawiin ang kanyang pagod.

-----------------------------------------------------------------------------

Matapos ang isang taon ng paglibot sa buong mundo at pagkatawan sa Miss Galaxy Organization; sa bansang kanyang pinagmulan, sa harap ng kanyang mga kababayan—ay handa nang ipasa ni Patricia ang korona sa susunod na Miss Galaxy.

Pagkabigay ng kanyang huling mensahe bilang Miss Galaxy at maiputong ang korona sa mapalad na kandidata na nagmula sa Mauritius, isang hindi inaasahang kaganapan ang bumigla kay Patricia—umakyat si Sofronio sa stage at kinausap ang host

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pagkabigay ng kanyang huling mensahe bilang Miss Galaxy at maiputong ang korona sa mapalad na kandidata na nagmula sa Mauritius, isang hindi inaasahang kaganapan ang bumigla kay Patricia—umakyat si Sofronio sa stage at kinausap ang host. Hawak ang mic na ibinigay ng host, lumapit ito sa kanya, lumuhod sa kanyang harapan at nagtanong ng: "Will you marry me?"

Bilang sagot ay napatango na lamang si Patricia na hindi na magawang makapagsalita dahil sa pag-iyak na bunsod ng pagkasorpresa.

Tumayo si Sofronio at siya ay niyakap habang ang mga manunuod ay nagbubunyi sa saya para sa dalawang nagmamahalan.

Pagkalipas ng anim na buwan ay ikinasal ang dalawa at nagsimula ng buhay nang magkasama at nang wala nang pangamba sa sasabihin ng iba.

Beyond The PagesWhere stories live. Discover now